MY POSSESSIVE PERVERTED ALPHA Chapter 3: The Alpha
YMIERA's POV:
"Bago tayo pumunta sa lugar na pagtatrabahunan ninyo, ilalapit na muna namin kayo sa namumuno sa lugar na ito. Ang mga umiiyak ay manahimik, ang nag-iisip ng mga kung anu-anong walang kwentang bagay ay tumigil at ang matatabas ang dila ay huwag gamitin sa kaniya. Dahil hindi ninyo siya kilala, maliwanag ba? " Makahulugang usal ng lalaking may kwintas na letter Z at tinapunan pa ako nang nagbabalang tingin.
Hindi ko na lang pinansin ang ipinupukol nila at nanatili lang na nakatingin sa harapan.
Nasa dulo na naman ako ng mga nilalang na ito. Nasa unahan ko ang isang lalaki na kanina pa hindi mapakali ang katawan. Ayos lang naman na maglilikot siya dahil mas matangkad naman ako.
"Can you please stop doing that? Nakakabanas, kung natatakot ka sa kanila, huwag kang magpadala. Hindi ka nila sasaktan." Mahinang sabi ko sa lalaking ito kaya natigilan siya at gusto na sana akong sulyapan ng tingin nang hampasin ko ang tagiliran nito.
Hindi naman malakas. 'Yung tama lang para hindi niya gawin ang ninanais.
"Paano mo nasabi? Wala tayo sa mga sariling bayan natin, baka mas malala-"
"Don't lose hope. Maybe this place is our home-your home. Lahat ng mga nangyayari ay may dahilan. Huwag mo lang akong tanungin kung ano, dahil sapak ang aabutin mo." Pagbabanta kong turan na ikinatahimik niya pero napatango siya sa sinabi ko.
'Buti naman hindi na siya nagpalilikot pa sa kaniyang kinatatayuan. Nakakahilo lang siyang pagmasdan.
"Come with us and do what Zendev said." Utos ng lalaking hanggang batok ang buhok at ang kulay ng mata ay itim bago siya maglakad para samahan ang tatlo.
Palaging magkasama ang magkambal kung saan sila pupunta. At ngayon ko lang din nalaman na siya ay si Zendev. Medyo weird at bago sa aking pandinig ang pangalan na ito pero hindi ko na lang pinansin pa. Baka 'yung pangalan nung kakambal niya ay Xendev. Unahan lang ang nagbago.
Nagsimula na rin sa paglalakad ang lahat habang ako ay nakikiayon na lang sa mga nangyayari.
Palingon-lingon pa ako sa bawat bahay na nadadaanan ko. May mga mag-asawa at mga anak ang nagmamasid sa amin.
Ang kanilang mga bahay ay gawa sa matibay na puno. Imposible na masira basta-basta ng bagyo o mga delubyo na paparating dito. At ang kanilang bubong ay mga yero. Pero may iilan na mas preferred pa ang pawid o sabihin na lang natin na 'yung gawa sa dahon ng niyog.
"We're here." Kaso napatigil ako sa paglilibot ng aking paningin sa bawat sulok at sinulyapan naman ang nasa aming harapan na mataas na bahay.
Ito lang ang nag-iisang gawa sa semento. At pinatayo pa talaga sa gitna ng daanan.
Masyadong malawak ito. Kung pagbabasehan sa sukat, ay baka limampung pulgada ang bahay na ito o higit pa ro'n. At may tatlong palapag pa. Wala na kahit anong palamuti sa labas ng bahay.
Dalawa ang pintuan ang napansin ko matapos naming dumiretso papasok dito.
Ang isa ay nasa gitna at ang isa naman ay nasa kaliwang gawi namin. Siguro daanan iyon papuntang kusina, hint lang, baka mali rin.
Napaangat naman ang aking ulo nang makita ang isang nakaukit na pangalan sa itaas ng pintuan.
'Wienchester House'
Basa ko mula rito at muling ibinaling ang tingin sa harapan. Pumapasok na pala ang lahat sa loob samantalang ang mga taong kumuha sa amin ay nakabantay sa labas at tinatapik-tapik pa ang mga balikat ng mga nilalang na ito.
'Goodluck charm? Don't know.'
Nang ako na ang huli na papasok napansin ko ang pagsundot ng bawat isa kung sino ang hahawak sa akin o tatapik. Halata sa mukha nila ang takot.
'Ano bang mali sa akin? Hindi ba nila ako bibigyan din? Bahala na sila.'
"Huwag na ninyo akong tapikin. Hindi naman ako takot. Mukha ba akong bata?" Walang emosyon kong tanong sa kanila na obvious naman ang sagot at saka pumasok na nga sa loob.
Naghanap ako ng mapupwestuhan ko. Kaso masyado ng ukupado ng mga nilalang ang space kaya naisipan ko na lang na maki-join sa mga nagbabantay. Pero hindi gan'on kalapit sa kanila. Baka isipin sipsip ako. Lol.
Mas maganda na ang nasa pintuan para less atensyon sa namumuno.
"Hindi ka ba pupunta sa unahan?" Tanong nitong kakambal ni Zendev. Na sa pagkakatanda ko ay nakatabi ko sa bus.
Napakibit balikat na lang ako at hindi na sila sinagot pa. Hindi naman kami close.
Pinagmamasdan ko muna ang buong paligid. May mga paintings na nakasabit sa bawat pader at mga vase na malalaki na nakalagay sa bawat pintuan.
Ang pinto ay apat na kapwa sarado. At sa kanang direksyon namin sa unahan ay may hagdan papunta sa kabilang palapag. At saktong paglingon ko ro'n ay ang lalaki namang pababa na nakasuot ng formal attire.
Wala lang siyang necktie na kulang sa pagiging businessman niya. Babagay sa kaniya ang kulay ng tuxedo niya ngayon, kulay blue lalo na sa mata niya. Asul na asul parang isang karagatan sa kalangitan.
Mas nakakaakit sa kaniya ay ang kaniyang kilay na sobrang kapal at maganda ang pagkakaukit.
Iyon lang ang nakaka-attract sa akin. Wala akong pake sa tangos, ganda ng hugis ng kaniyang labi, kaputian o katangkaran niya. Dahil para sa akin mas nakakaengganyong pagmasdan ang mga mata na pabago-bago ang emosyon at ang kilay na tataas kapag nakarinig siya ng bagay na kinaiinisan o ipinagtataka.
"Okay, let's start, before I let you go, I want to tell you something. Don't interfere to our own business and life. Kung may marinig kayo, itikom ninyo. And, if I called your name, don't hesitate to put your hands up." Seryosong sabi niya sa aming lahat pero hindi lumilingon sa direksyon ko. Tanging sa unahan lang. Kaya narinig ko ang pagsinghapan ng mga kababaihan at maski iilang kalalakihan sa paraan ng titig niya. Animo'y kakainin niya ang lahat nang buhay.
Ipinakita niya pa sa amin ang isang bond paper na may mga pangalan namin. Handang-handa talaga siya sa mga ganitong bagay. At para makabisado niya ang mga pumapasok sa loob ng pinamumunuan niyang pack.
I know he's the alpha. Napansin ko kasi ang pagyuko ng mga nasa likuran ko. Ginagalang talaga ang mas mataas pa sa kanila. Lalo na ang tatlo pang lalaki na nasa tabi nito na yumuko muna bago ibigay ang bond paper sa kaniya.
"Before I called your name, I want to introduce myself to all of you. I am Revier Maximus Wienchester. Don't call me by other names, only Revier. Got it? " Napatango-tango naman ang lahat sa kanilang narinig samantalang ako naman ay nanatiling nakatitig lang sa direksyon niya.
Wala naman akong iba pang titingnan kundi sa kaniya lang. Masabihan pa na walang modo.
Kahit totoo naman iyon.
Nagsimula na nga siyang magtawag ng mga pangalan ng nandito. Alternate talaga, uunahin muna ang mga pangalan na nagsisimula sa 'A'. As in 'yung pangalan at hindi ang apelyido kaya panigurado na ako ay huling-huli pa. Letter 'Y' nagsisimula ang ngalan ko.
"Xander Rafael?" Malapit na pala ako.
Napalingon ako sa lalaking kanina ay naglilikot sa unahan ko. Xander pala ang pangalan niya, maganda rin pala. Hindi korny.
"Ymiera. . . Hmm. . . Ymiera Galea Dawn? Where are you?" Tanong niya sa pangalan ko at pansin ko na ngayon lang niya nilibot ang kaniyang ulo na kanina naman ay hindi.
Napataas naman ang aking kaliwang kamay para agawin ang atensyon niya. Napadako naman ang tingin niya sa direksyon ko at narinig ko pa ang pagsinghapan ng mga nasa likuran ko. Napalitan kasi ang kaniyang blangkong ekspresyon na ibinibigay kanina. Ngayon ay nakangiti siyang nakatitig sa akin.
Ako rin ay ganon ang ginawa ko. Hindi ang pagngiti, kundi ang makipaglaban sa titig niya. Hanggang sa siya na ang tumapos at ibinaling ang tingin sa bond paper.
"Okay, you can leave, but, Ymiera will stay. Now, go. Zendev and Denver will stay too." Utos nito na agaran namang ginawa ng mga tauhan.
Samantalang ang magkambal ay hinila ako palayo sa direksyon ng pintuan.
Kaya no choice ako kundi ang sumunod sa pagdadalhan nila sa akin.
Nakikisiksik pa kami sa dumadaan din na mga nilalang hanggang sa mapalapit na ako sa direksyon ng Max na ito.
Bakit nakipagsiksikan pa kung p'wede namang maghintay na mawala ang lahat ng tao rito?
Hindi ko rin sinusunod ang bawat utos sa akin ng mga tao. Kaya wala siyang magagawa kung ano ang gusto kong itawag sa kaniya.
Humigit sa kinse minutos pa ang hinintay namin hanggang sa mawala na ang lahat ng mga nilalang sa bahay niya at pati ang pintuan ay tuluyan nang isinara.
"Next time, don't touch her. Or I'll punish you. " Walang emosyon na babala ng Max na ito sa tauhan niya na ikinayuko naman ng dalawa.
"Patawad, Al-Revier," they want to call him by Alpha pero bigla nilang naalala na nandito ako kaya napalitan ito ng pangalan niya.
"I know he's the alpha. Hindi naman ako bob* na inaakala ninyo. " Sarkastiko kong sabi na ikinagulat ng dalawa pero halata naman sa Max na ito ang pagka-amuse.
Para saan?
To be continued. . .