SILVESTRE'S POV “Inuulit ko, Romina, will you marry me?” seryoso na tanong ko sa kanya. I want to know her answer right away because I feel that she really loves me. And this is my chance to get revenge. Lumunok siya. “Ma–Masyado pang maaga, Silvestre. Saka, hindi pa ako handa.” “Wala naman ‘yan sa maaga o hindi ka pa handa, eh. Dahil ang mahalaga ay mahal mo ‘ko at nagmamahalan tayo,” pahayag ko. Tumalikod siya sa akin. “I–I’m sorry, Silvestre, pero hindi ko tatanggapin sa ngayon ang alok mo. Ba’t ‘di muna natin namnamin ang relasyong mayro’n tayo, hindi iyong kasal agad.” Pinaharap ko siya sa akin. “Mas mananamnam natin ang relasyon natin kapag kasal na tayo, Baby.” “Hindi, Silvestre, kaya sorry. Pero, kapag handa na ‘ko, ako mismo mag–aaya sa ‘yo ng kasal.” Hinawakan niya an

