SILVESTRE'S POV “Ano bang problema mo, Silvestre!” sigaw sa akin ni Romina. “Lumayo ka sa ‘kin, Romina dahil ang papa ko ang gusto kong kausapin at iwanan mo kami!” baling ko kay Romina. “Hindi ko puwedeng iwanan si daddy dahil baka may gawin kang masama sa kanya,” gagad niya sa akin. “Iwanan mo muna kami, Baby para hindi na uminit ang ulo ni Silvestre,” saad naman ni papa. “Pero, Daddy?” protesta ni Romina. Hinawakan ni papa ang kamay at ang mukha ni Romina kaya lalong nag–init ang ulo ko. “Leave, Romina, Leave!” sigaw ko, dahilan upang pukulan niya ako ng masamang tingin. Naglakad na siya paalis sa aming harapan at hinarap ko na si papa. “Ba’t ang kapal naman ng pagmumukha n’yo, Papa na ipangalan lahat kay Romina, hanggang sa alahas ni mama! Pati ba naman ‘yon ay ibinigay

