SILVESTRE'S POV “How dare you, Silvestre! How dare you!” sambit ni Yell at pinag babayo ako sa dibdib. “Shut up!” sigaw ko kay Yell, dahilan upang tumigil ito. “Huwag ka nang dumagdag sa isipin ko, Yell dahil iba ako ‘pag magalit! At wala akong pakialam kung may pinagsamahan tayong dalawa! At ito tandaan mo! Kaya kong kalimutan ang lahat, kahit ikaw kaya gumilid–gilid ka kung ayaw mong ngayon pa lang ay pabalikin na kita sa Taiwan!” pagbabanta ko. At tinalikuran ko na ito. Pinagtitinginan kami ng ibang empleyado, kaya naman pinukulan ko ng matalim na tingin ang mga ito. “Do your job kung ayaw ninyong sesantihin ko kayo!” asik ko. “Kuh, magtrabaho na tayo dahil ngayon lang nagalit ng gan’yan si Sir Silvestre,” narinig kong sambit ng isang empleyado. Pumasok na ako sa fashion studi

