For some reason, I still felt awkward being around him. Kaya imbes na manatili sa tabi ni Peter, bumalik na lang ako sa food corner. Tahimik akong nanood sa shoot, pilit binabalewala ang pakiramdam na may isang pares ng matang paminsan-minsang bumabalik sa ’kin. Dahil sa lagay ko, napilitan akong umupo sa isang plastic chair. Hindi nagtagal, inokupa ni Peter ang bakanteng upuan sa tabi ko. Sa unang ilang minuto, pareho lang kaming nagpakiramdaman. Walang nagsalita. Ramdam ko ang bigat ng paghinga ko habang lihim akong nagdarasal na huwag umatake ang cramps ko sa mga oras na ’to. Pero kung minamalas naman—dahil sa mismong sandaling naisip ko ’yon, tsaka naman sumakit ang puson ko. Napakagat ako sa loob ng pisngi, pilit pinanatiling blangko ang mukha ko. “Excited ka na ba sa party?” tan

