I was never a risk-taker -- or at least that's how I've always seen myself.
Kaya nga nabibilang lang sa daliri ang mga taong malapit sa ‘kin. Mas pinili kong mag-aral at magtrabaho malapit sa bahay, at bibihira rin akong sumubok ng kahit anong bago.
Sa loob ng maraming taon, hinayaan kong umikot ang mundo ko sa pamilya, trabaho, at pag-ibig. Sa mga mata ng iba ay kuntento na ‘ko sa buhay. Pero para sa ‘kin ay parang may kulang.
And not long ago, I finally found the courage to confront it.
Humanap ako ng paraan para baguhin ang buhay ko – para magsimula ulit. Kaya nang tila inanod ako ng mapaglarong tadhana sa isla kung saan ko nakilala si Peter, sumabay ako sa agos at hinayaan kong tuluyan niyang baguhin ang buhay ko…
And so, with a fluttering heart, my fingers delicately grazed the strap of my bra, and released it as though I was shedding a layer of my old self.
Nahuli ko ang pagtitig ni Peter sa katawan ko bago ako nag-iwas ng tingin. Huminga ako nang malalim ngunit hindi nito napakalma ang naghuhuromentado kong puso. Oo’t maaaring nahawakan at nakita na niya akong ganito noon – pero iba ang sitwasyon namin ngayon.
Gusto kong maging maganda ang tingin niya sa ‘kin–
Nahinto ang pag-iisip ko nang maramdaman ang paghawak ni Peter sa kamay ko. Pagbaling ko ng tingin dito’y marahan niyang hinalikan ang likod ng palad ko. Pumikit siya sandali at pagdilat, nagtagpo agad ang mga mata namin. Dito tila bumagal ang oras.
Sandaling tumigil ang paghinga ko dahil sa paraan kung paano niya ‘ko tingnan. Parang katulad ito ng pagtingin niya sa mga bituin ngayong gabi – malalim at may kakaibang kinang. Wala siyang kailangang sabihin upang maparamdam ang kanyang paghanga.
In his stare, I felt exposed yet understood – vulnerable yet safe.
Kahit parang gustong tumakas ng puso ko, naglakas-loob akong ilapit ang sarili kay Peter. Hindi nababali ang tingin, tila naging isa kami nang tanggapin ko ang paglapat ng katawan namin sa isa’t isa. Kakaibang init ang dumaloy sa sistema ko, lalo na nang maingat niya akong niyakap pabalik. Para bang may parte sa loob kong unti-unting naghihilom.
This moment felt so intimate. Alam kong hindi pa namin ganuon kakilala ang isa’t isa at hindi pa ganuon katagal ang aming pagsasama. Kaya nga akala ko hindi ako magiging kumportable. To my surprise, I wasn’t thinking of pushing him away. Gusto ko pa nga siyang yakapin nang mas matagal at mahigpit.
Nakadapa sa kanyang ibabaw, sandali pa naming pinagmasdan ni Peter ang isa’t isa. Isinukbit niya ang ilang hibla ng buhok ko sa tainga bago siya nagsalita.
“Sigurado ka ba sa pagtira mo rito sa isla?” tanong ni Peter habang malalim ang tingin sa mukha ko. Hindi ko alam na ito ang iniisip niya sa mga oras na ito. At dahil parang ‘di siya nagmamadali papunta sa destinasyon namin, mas nakampante ako.
Huminga ako nang malalim bago sumagot, “Basta kung s’an ka, doon ako.” Hindi importante sa ‘kin ang lugar basta magkasama kami.
Pansin ko ang pag-aalala sa mga mata niya nang muli siyang maniguro, “Paano kung wala na ‘kong balak umalis dito?”
Alam ko naman kung anong naging issue nila noon ni Elle. Ayaw ni Peter umalis ng isla.
Bukod sa mga magulang ko, wala naman akong gustong balikan sa city. Pwede ko silang kumbinsihing tumira rito. Kaya malakas ang loob kong manatili.
“Hindi rin ako aalis. Basta kung s’an ka, doon ako,” pag-uulit ko.
Animo nakahinga nang maluwag, dito muling sinakop ni Peter ang labi ko. He met mine fiercely, like the waves colliding at the shore. Each kiss was familiar, yet left me longing for more. Napapikit ako para damhin ang bawat sandali. Hinayaan kong mag-explore ang mga kamay niya sa katawan ko, habang ang akin naman ay malayang tine-trace ang kanyang mukha.
Sa unang pagkakataon, walang ibang mahalaga para sa ‘kin bukod sa sandaling ‘to kasama si Peter. Nakalimutan ko ang nakaraan at hinaharap; walang ibang mahalaga kung hindi ang kasalukuyan.
Bumaba ang halik ko sa tainga at leeg ni Peter at dito narinig ang pagkawala ng impit na ungol. Pakiramdam ko tama ang ginagawa ko dahil sa kanyang reaksyon.
Ayon lang, natigilan ako nang maramdaman ko siya sa pagitan ng mga hita ko. Mabilis umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko at hindi rin ako nakakilos. Kapwa naghahabol ng hininga, hinalikan ni Peter ang noo ko at ‘di ko inasahan ang kanyang tanong.
“May I make love to you?"
Parang tumalon ang puso ko. Nagpaulit-ulit sa isip ko ang malalim at namamaos niyang boses.
“Iyon ba ang gusto mo?” tanong din ang ibinalik ko; muntik na ‘kong pumiyok. Hindi ko naman kasi inasahan ang paghingi niya ng permiso. Siguro’y hindi ito normal sa ‘kin dahil sa nag-iisang karanasan ko.
“Syempre. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi,” natawa siya nang mahina na para bang nahihiya. And it just made my heart skip a beat. “I’ve been thinking about this a lot lately…and, well, being this close to you doesn't make it any easier.”
Hinigit ko ang hininga ko sa pagiging tapat ni Peter. Naging malinaw din sa ‘kin ang masyadong sensual na upo ko sa ibabaw niya. Hindi ko alam na may ganito akong epekto sa kanya. Akala ko kasi nasanay na siya sa presensya ko. Tingin ko rin ay hindi ako ganuon ka-attractive tulad ng ibang babae.
Kung ganito ang nararamdaman ni Peter ngayon, siguradong torture sa kanya kung hindi namin ito itutuloy hanggang dulo.
“Pero ayokong mapilitan ka. Gusto ko okay talaga sa ‘yo. Mas mahalaga sa ‘kin kung saan ka masaya at kumportable,” paglilinaw ni Peter. Ramdam ko ang sinseridad at pangamba sa kanyang boses. Pakiramdam ko nag-aalala siya dahil sa katahimikan ko.
Babangon na si Peter nang hawakan ko siya sa magkabilang balikat. Binalik ko siya sa pagkakahiga nang mapatitig siyang muli sa mga mata ko. I should have been scared by now, but strangely, I wasn't. In fact, I craved more from him.
“Hindi ko na alam kung anong kasunod nito. Baka pwede mo ulit akong turuan,” nahihiyang saad ko na alam namin pareho ang totoong ibig sabihin. Siya rin kasi ang nagturo sa akin kung paano ang tamang paghalik.
Nahinto si Peter sandali; tila napaisip sa sinabi ko. Ngunit wala pang ilang segundo nang makipagpalit siya ng pwesto sa ‘kin. Bahagya siyang bumangon at dito ako maingat na inalalayan pahiga sa comforter. Pumaibabaw siya sa ‘kin; madaling pinagparte ang mga hita ko at pumwesto sa pagitan ng mga ito.
Nagkagulo ang mga paruparo sa tyan ko nang bumaba ang tingin niya mula sa mukha ko papunta sa katawan. Nakakapaso… parang sinusubukan niyang tandaan lahat ng madaanan ng kanyang mga mata. Hindi ko rin napigilan ang pagganti ng tingin lalo nang makita ang pag-igting ng kanyang panga.
At bago pa ako makapagsalita, muli niya akong nilapitan at hinalikan sa labi. His kisses held an urgency this time – one that I eagerly returned as my hands explored his body. Bawat mahawakan ko’y pakiramdam ko akin. Nagpabalik-balik ang mga kamay ko sa paghaplos sa kanya - kahit anong lapit niya ay parang kulang pa.
Nagsimula akong mawala sa sarili nang bumaba ang halik ni Peter mula sa leeg ko papuntang dibdib. Finding one of mine, I felt his tongue swirling on its crown while his hand cupped the other. Hindi ko napigilan ang pagliyad dahil sa matinding sensasyong hatid nito sa buong katawan ko lalo nang salitan niya itong angkinin ng buong-buo.
Napasinghap ako nang panggigilan niya ang isa. Tuloy ay huminto siya sandali at nag-angat ng tingin sa ‘kin. Napalunok ako sabay tango bago siya nagpatuloy.
Ramdam ko ang kagustuhan niyang magmadali ngunit mas naging maingat siya sa paghawak sa ‘kin. Nagsimula siyang maglakbay pababa. Huminto ang labi niya sa harap ng shorts ko. Even through the fabric, his lips found their way to my most sensitive spot, sending waves of pleasure through me.
Medyo nabitin tuloy ako nang bumalik agad si Peter sa harapan ko. Ngunit dito’y mas naging mapusok ang halik namin. Napunta ang isang kamay niya sa dibdib ko at ang isa ay madaling nakapagtayo ng bagong teritoryo sa ibaba.
Napahawak ako sa leeg ni Peter dahil sa hindi maipaliwanag na buhos ng emosyon. Each movement of his hand beyond the delicate fabric of mine sent a surge of feverish heat through me, like wildfire spreading through dry grass, making every inch of my body tremble with desire.
Tila hindi ko kontrolado ang katawan ko. Kinakabahan ako ngunit ayaw kong tumigil. At sa pagsilip ng maliit na tanong sa loob ko – kung tama bang hinahayaan ko lahat ng ito – nagsalita si Peter sa ibabaw ng labi ko.
“Ikaw lang ang kailangan ko…”
Tuluyang bumagsak ang natitirang depensa ko. Hinayaan ko ang sarili magpasakop sa kanya nang buo. At para bang naramdaman niya ito, nagpatuloy siya at mas naging mapusok. He didn't stop until my thighs involuntarily clenched around his hand. And just as I felt myself reaching the peak of pleasure, he moved away, kneeling before me.
Hinigit ko ang hininga ko nang sa liwanag galing sa labas, kita ko ang pagtanggal niya ng natitirang suot. I instantly looked away at the sight of his arousal. Napaisip ako kung namalikmata ba ‘ko. Dumoble ang lakas ng t***k ng puso ko dahil nagdalawang-isip ako kung kaya ko ba ito. At habang hiyang-hiya, naramdaman ko na lang ang pagtulong niya sa ‘kin para alisin ang natitirang sagabal na suot ko.
Parang gustong tumakas ng puso ko nang tuluyan kong palayain ang pribadong parte ng katawan ko. Lalo nang makita ko ang titig niyang puno ng pagnanasa.
Tonight, I just met the most vulnerable version of myself in Peter’s eyes.
Hindi siya nagdalawang-isip halikan ako rito na halos gumiba sa buong pagkatao ko. Napasabunot ako sa buhok niya nang magtagal pa siya rito. Hindi ko malaman kung gusto ko siyang tumigil o magpatuloy. Ngunit napaliyad ako para sundan ang kanyang labi sa kabila ng panginginig ng mga tuhod ko.