“Never kang nag wish pag birthday mo?” gulat kong tanong at umiling siya bilang sagot. “Bakit naman?” hindi ko napigilang alamin ang dahilan.
“Hindi kasi ‘yon totoo. Kapag may birthday wish ako noon, kabaliktaran lang ang nangyayari,” halata ang pagkadismaya sa tono ni Peter.
Sabagay ay may punto siya. May mga pagkakataon din talagang hindi natutupad ang mga hiling ko. Pero ganun naman talaga ang buhay. Hindi lahat ng birthday wishes natutupad at ibibigay sa ‘yo. Minsan kasi ay may mas magandang planong nakalaan para sa ‘yo.
“Pero iba ngayong araw. Nung akala ko umalis ka na naman. Hiniling ko na sana mali ako. Sana makita kita kung nasaan ka man. At nahanap nga kita,” dagdag pa ni Peter kaya naalala ko ang takot niya kanina noong natagpuan niya ‘ko. Uminit ang pakiramdam ko dahil dito. Kahit hindi man niya direktang sabihin ay ramdam kong mahalaga na rin talaga ako para sa kanya.
“E ‘di sa mga susunod mo pang birthdays, i-reserve mo na sa ‘kin ang isang wish mo – na sana magkasama tayo sa pag-celebrate ng birthday mo palagi. Kasi ‘yon sigurado na tayong matutupad,” pag kumbinsi ko sa kanya. Nang balingan niya ‘ko ng tingin ay umangat ang magkabilang dulo ng labi ko.
Pakiramdam ko sandaling huminto ang oras. Nangungusap ang mga mata ni Peter habang nakatingin sa ‘kin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip niya, pero dahil hindi ko kinayang makipagtitigan, ilang segundo pa lang ang nakalipas ay ibinalik ko na ang tingin sa langit.
“May iba ka pa bang hobbies bukod sa swimming, surfing, at hiking? Bukod sa mga activities sa isla?” pagkilala ko pa sa kanya.
“Wala na. Madalas lang akong mag surfing ngayon,” sagot niya na lalong nagpangiti sa ‘kin. Hindi niya alam na may ideya ako sa hilig niya.
“Ang ganda ng mga stars ngayon ‘no?” singit ko sabay sandig sa kanyang balikat. Oo’t alam kong hilig niya ang mga bituin! Kaya nga may mga litrato siya nito!
“Maganda talagang pagmasdan ang mga bituin mula sa islang ito. It’s one of the things that makes Cole’s Cove special,” pagsang-ayon ni Peter bago nagkaroon ng sandaling katahimikan.
Pinagmamasdan namin ang mga bituin nang mahinto ako sa paghinga. Paano’y naramdaman ko ang dahan-dahang pagdausdos ng kamay ni Peter sa kamay ko hanggang sa pagsalikupin niya ito. Muling bumilis at lumakas ang t***k ng puso ko dahil dito.
At dahil tingin ko’y dinig niya ito, napilitan akong magsalita. “Ganito muna kasimple ang birthday gift ko para sa ‘yo ah. Mag-iipon lang ulit ako para sa susunod mas bongga na,” pangako ko sa kanya kahit may regalo pa akong paparating. Mas magandang masurpresa ulit siya kaysa mag expect kaagad. Baka bigla hindi makarating dito e.
“Malaking bagay na ang ginawa mo ngayong araw. Hindi kasi talaga ako nagse-celebrate ng birthday. Kaya maraming salamat.” Parang may tumusok sa puso ko dahil sa sinabi ni Peter.
“Pwede ko bang malaman kung bakit?” halos pabulong kong tanong; nag-aalangan dahil baka ayaw niya itong pag-usapan.
“Masyadong kumplikado. Basta walang espesyal sa araw na ‘to,” pag-iwas pa rin niya. Gusto ko pa sana itong usisain kaso ayaw kong ma-pressure siyang sagutin ako. Kaya mas pinili kong unawain siya.
Bahagya kong pinisil ang kamay niya bago siya hinarap, “Para sa ‘kin espesyal ang araw na ‘to kasi ito ‘yung araw kung kailan ka nabuhay. Kung wala ang araw na ‘to e ‘di sana hindi ako nakidnap?” biro ko na nagpasibangot sa kanya pero tinawanan ko lang. “Tsaya uy. Mas meaningful kaya ang birthday mo ngayon kasi first celebration mo kasama ako,” panunukso ko bago nagtaas-baba ng kilay.
Humarap si Peter sa ‘kin at dito naglaho ang ngiti sa labi ko. Hindi ko alam kung dahil lang ba sa mga ilaw sa paligid, pero may kinang ang mga mata niya; tila nagbabadyang luha. Hindi ako sanay makitaan siya ng ganitong klaseng emosyon. Parang may gusto siyang sabihin pero hindi magamitan ng mga salita. Sa lalim ng kanyang tingin ay parang tumatagos ito sa kaibuturan ko.
Gamit ang malayang kamay ay sinapo niya ang mukha ko at marahang hinaplos ang pisngi. Kakaibang init ang hatid nito sa buong sistema ko kaya bahagya akong sumandig at pumikit para damhin ito.
Maya-maya’y napansin ko ang unti-unting paglapit ng kanyang mukha sa akin. Hinigit ko ang hininga ko; bumagsak ang tingin sa kanyang labi; at hindi maitago ang kabang sumisilip sa dibdib. May ideya na ako kung saan ito posibleng mauwi at hinayaan ko siya. Naghintay ako hanggang sa maranasan ang pagdampi ng kanyang labi sa akin na nagdala ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko.
It started with a soft, tentative brush, as if his kiss was seeking permission. When I didn't recoil or pull away, the second kiss came with a bit more pressure, faster. It was like he wanted me to crave more, planting these little kisses that made me want to chase after him.
Para tuloy kaming naglalaro. Hindi ko ramdam na obligado akong halikan siya – in fact I sincerely wanted to. Unlike our first kiss, responding felt natural now, as if this was where I belonged. Kaya nang maramdaman niya ang pagtugon ko, his kisses deepened, and I instinctively opened my lips to match his rhythm.
Parang uhaw na uhaw sa kanyang halik, I gasped for air when he finally gained access to the inside of my mouth. Kakaibang sensasyon ang hatid nito lalo na nang lumapat ang isang kamay niya sa likuran ko at nagdikit ang mga dibdib namin.
My heart raced twice as fast, sending electric currents down my spine. The next thing I knew, we were both pulling each other into the tent, our breaths mingling with each kiss. Hinayaan niya akong maupo sa ibabaw ng kanyang hita, letting me straddle him as my arms wrapped around his neck.
Nakasuot ako ng puting sando na pinatungan ng kanyang polo na maluwag sa ‘kin. Nang huminto ako para huminga, napatingala ako sabay palis ng buhok ko papalikod. Medyo pinagpapawisan na rin kasi ako. Dito niya ako tinulungang alisin ang suot na polo. Hindi ko inasahan nang angkinin niya ang leeg ko. Napaliyad tuloy ako habang malaya niya itong hinahalikan.
Para na akong lalagnatin sa mga nangyayari. Lalo pang tumindi ang init sa katawan ko nang hubarin ni Peter ang suot niyang black t-shirt. Napalunok ako nang makita ang malapad niyang braso at nakadepinang dibdib. Parang putok na putok ang muscles niya ngayong gabi.
“What?” tanong ni Peter nang mapansin ang pagkatulala ko.
Hindi ko maalis ang tingin sa mukha niya kung saan nakalaglag ang ilang hibla ng kulot na buhok sa ibabaw ng mga mata. “God, ang pogi mo.” Nasabi ko na akala ko sa isip ko lang pero nang makita ang pag ngiti niya ay nagpatalon sa puso ko. Mga tatlong beses siguro akong humingi ng tawad bago niya muling inangkin ang labi ko. He wasted no time, his hands finding my waist, then the bottom of my top, slowly releasing me from it.
Ngunit hindi tulad sa mga napapanuod ko, sumabit pa sa bandang mukha ko ‘yung sando ko! Narinig ko na lang tuloy ang sariling pagtawa nang mahinto kami sa paghalik. Napahagikgik din ako when he planted a small kiss on top of my chest para tuksuhin ako.
Nang sa wakas ay nahubad ko na rin ang sando ko, muling bumalik ang tensyon sa pagitan namin ni Peter. We locked eyes, our state crystal clear under the dim light filtering through the tent. Ngayon ay mas nagsi-sink in na sa akin ang posibleng mangyari kapag hindi pa kami tumigil sa puntong ito. May kaba pero walang takot sa dibdib ko. Kaya napaisip ako kung handa na ba talaga ako rito.
When I didn't move or speak, I felt Peter's hand on my back. He unhooked my bra, and I flinched when I felt it loosen. Lumuwag ang panloob ko kaya by instinct ay idiniin ko ang magkabilang braso sa gilid ko para pigilan ang paglaglag nito.
Bumagsak ang tingin ko sa dibdib dahil hindi maitago ang hiya. “Walang maganda sa ‘kin,” bulalas ko. Lumabas ‘yung Wendy na pilit kong itinatago. Hindi ko matingnan ng diretso si Peter nang magsalita. “I have nothing great to offer you. Not my weird personality and definitely not my ordinary looks.”
I had tried my best to show confidence around Peter, pero hindi sa pagkakataong ito. I was about to be at my most vulnerable state with him, and I worried about plenty of things I couldn't even single out.
“So why would you even like me?” tanong ko na imbes na sagutin niya, pag-angat ko ng tingin ay sinalubong niya ako ng matamis niyang halik. Naging maingat siya bago sinapo ng dalawang kamay ang mukha ko. Huminto siya at pinagdikit ang mga noo namin bago nagsalita malapit sa labi ko.
“Because you’re you. And you bring light to my life,” namamaos ang boses ni Peter. I could feel the weight of his breath along with the strong beat of my heart. “Kung nakikita mo lang ang sarili mo sa mga mata ko, maniniwala kang walang mali o kulang sa ‘yo.”
Naantig ang puso ko sa kanyang mga sinabi. Hindi ako makapaniwalang ang tulad niyang makaka-appreciate sa ‘kin ay nagtatago lang pala sa isang isla tulad nito.
“Paano mo ba ‘ko nakikita?” tanong ko at dito siya bahagyang dumistansya para tingnan ako nang mabuti.
“You're like a rare shell in the sea that I accidentally discovered and want to keep forever.”
Forever…
Nagkagulo ang mga paruparo sa tyan ko. Ngayon ko lang kasi narinig ang salitang ito mula kay Peter. Hindi naman niya siguro ito basta-basta gagamitin kung wala siyang balak panindigan.
“Ginawa pa ‘kong susu,” pabirong komento ko sabay nguso.
“Ibig kong sabihin, maganda ka at may mabuting puso. Having both of those is a luxury many can’t afford these days.”
“Tama ka. Dahil dyan, may puto ka,” tuluyan kong naibalik si Briar. Tuloy ay napatawa ko ng mahina si Peter. Gumaan din ang pakiramdam ko dahil sa confidence at assurance na binigay niya sa ‘kin.
Dahil ako ang nagpahinto, ako rin ang nagpatuloy ng nasimulan namin. Itinulak ko si Peter pahiga sa maliit na unan at comforter. Akala ko’y handa na akong magpaka-wild nang sapuhin ko pa nang mabilis ang bra ko na muntik nang maalis dahil nakatanggal nga pala ang hook sa likod.
Nakita ko tuloy ang multo ng ngiti sa labi ni Peter habang nakatitig sa ‘kin. Parang sinusubok niya kung hanggang saan ko kayang makarating.