Chapter 31 (Part 1)

1519 Words
I don’t think I should continue waiting for Peter. Kaya imbes na maghintay sa taas ng bundok habang kung anu-anong bagay ang gumugulo sa isip ko, nagdesisyon akong bumalik para hanapin siya. Ayon nga lang ay doble ang kaba ko pagbalik sa daang tinahak ko pataas ng bundok. Kahit kasi gamit ko ang flashlight ng phone ko para magbigay liwanag, kulang pa rin ito sa sobrang dilim ng paligid. Nagkamali yata ako ng birthday gift kay Peter. Mabilis ang kabog ng dibdib, parang nalaglag ang puso ko nang marinig ang biglang paglipad ng mga ibon – animo binugaw ng mga yabag ko. Lalo rin akong kinabahan dahil sa mga kaluskos. Kahit wala naman akong nakasalubong na kahit ano pataas ng bundok, ngayong pababa ako, kabado ako dahil baka may mga wild animals sa paligid na bigla na lang sumulpot at umatake sa ‘kin. Kaya binilisan ko ang paglalakad. Dire-diretso lang ako hanggang sa natalisod! Naihawak ko ang mga kamay sa lupa bago pa masubsob! ‘Di ko kasi namalayan ang sanga ng puno sa daan dahil sa pagmamadali. Tuloy ay nabitawan ko sa lupa ang cellphone ko. Napangiwi ako sa hapdi ng kamay ko nang subukan itong abutin. Nasa dulo na ito ng mga daliri ko nang maestatwa ako. Maging ang mabigat kong paghinga ay nahinto. Kinilabutan ako nang makarinig ng pamilyar na tunog. It was a hissing sound. And I knew exactly where it was coming from. Sa gilid ng mga mata ko, ‘di kalayuan sa cellphone, kita ang buntot ng ahas! Nanginig ang buong sistema ko nang magsimula itong gumalaw. Lalo nang makita ang ulo nito papalapit sa katawan ko! Paniguradong katapusan ko na kung walang tutulong sa ‘kin ngayon! Gusto kong kumilos o humingi ng tulong pero hindi ko magawa. Baka kasi bigla na lang akong tuklawin nito. Kung noon siguro nangyari ito ay tatanggapin ko ng buo ang kapalaran ko. Pero ngayon pa talaga ako mamamatay kung kailan may progress na sa love life ko? No way! “Briar!” Nabuhayan ako ng loob nang marinig ang boses ni Peter! Napatingin ako sa paligid para hanapin kung nasaan siya. Kaya lang ay wala akong matanaw sa dilim. “Nandito ako–!” pinagdikit ko agad ang labi ko dahil muling gumalaw ‘yong ahas. Napapikit ako nang mariin. Takot pa rin ako pero kahit papaano ay nagkalakas-loob. Alam kong ililigtas niya ako anuman ang mangyari sa ‘kin kaya rito ko naisip galawin kahit ‘yong cellphone ko. Marahan ko itong itinaob para muling magpakita ang liwanag ng flashlight ko. Ginawa ko lang naman ito para makuha ang atensyon ni Peter. Kaya tuwang-tuwa ako nang layuan din ako ng ahas dahil dito! “Briar!” “Peter!” Halos sabay naming tinawag ang isa’t isa. Pagpulot ng cellphone ay nagmadali akong tumayo. Hahanapin ko na si Peter nang pagtapat ko ng flashlight sa harapan, nakita ko siyang nakatayo! Nasilaw siya dahil sa liwanag pero pinilit pa rin niyang makalapit agad sa ‘kin. Hindi ko inasahan ang mabilis niyang pagyakap sa ‘kin nang mahigpit. Para bang takot na takot siya. Tuloy ay nagkaroon ng delay bago ko siya niyakap pabalik. Mabilis napawi ang takot na naramdaman ko kanina dahil dito. “Akala ko hindi ka na darating!” masayang bulalas ko. Ngunit parang hindi niya ‘ko narinig. Lalo lang kasing humigpit ang yakap niya sa ‘kin. Tumagal din ng ilang minuto bago siya bumitaw. Pagkatapos ay hinawakan niya ‘ko sa magkabilang braso at halos mabasag ang boses nang magtanong, “Ano bang ginagawa mo rito? Tingin mo ba may ibang daan paalis ng isla?” Nagsalubong ang kilay ko sa huli niyang tanong. Hindi ba niya nabasa ang small note ko? Malinaw naman kasi ang imbitasyon ko sa kanya: Let’s watch the stars under the night sky. Same place? "Am I still messing things up?" Peter’s voice cracked. Hondi ko siya makita nang mabuti sa dilim but I could already imagine his frustrated expression. Napaisip tuloy ako kung lahat ba ng mga ginawa niya so far ay para hindi ako magdesisyong umalis. Tingin pa rin niya ay balak ko siyang iwan. Hindi ko siya masisisi dahil palagay ko nagka-trauma siya sa ginawa ni Elle sa kanya. Parang pinipiga tuloy ang puso ko. Bago pa sumagot ay lumapit ako at dito pinulupot ang mga braso ko sa kanyang leeg. Muli ko siyang niyakap hanggang sa pagpahingahin niya ang kanyang ulo sa balikat ko. "I won't go anywhere without you again. I'm really sorry if I scared you," paninigurado ko bago narinig ang malakas niyang buntong-hininga. Pinulupot din niya ang mga braso sa bewang ko kaya naging magkayakap kami ulit. Nang maghiwalay sa ikalawang pagkakataon, mas mahinahon si Peter nang muling nagsalita. “Bakit ka ba nagpunta rito? Kung walang nakakita sa ‘yo, hindi ko malalaman na nandito ka.” Bumilog ang bibig ko. Mukhang hindi niya nga nakita ang small note ko. Imbes na sumagot sa pagkakataong ito, tinalikuran ko siya. Nanatiling tikom ang bibig ko nang maglakad papalayo. Kaya napilitan siyang sundan ako. “Saan ka na naman pupunta?” tanong pa niya na para bang kaunti na lang ay pasuko na sa pag-unawa sa ‘kin. Ngunit talagang pinasunod ko siya hanggang marating namin ang surpresa ko para sa kanya. “Wala kang makikita rito–” Natigilan si Peter nang makita ang pinaghirapan kong i-setup buong hapon. Malayo pa lang kasi ay tanaw na ang tent niya. Nakapila sa daan papunta rito ay mga glass jars na may lamang kandila. Bukod pa rito ay may nakalatag na tela sa harap ng tent, kung saan may nakapatong na dalawang throw pillow. Sa gitna ay may bungkos ng wildflowers na pinaghirapan kong pitasin sa daan. It felt like stepping into a fairy tale as we approached, the scene becoming more enchanting with each step. Inunahan ko si Peter makalapit dito. Nagmadali akong pumasok sa tent kung san kinuha ang may kalakihang puto na ni-request ko kay Aling Dolores. Sinindihan ko ang maliit na kandilang nakatusok sa ibabaw nito. Dapat sana ay cake ito kung may oras pa. Wala naman kasing mapagbibilhan ng last minute. Wala ring available na cupcakes sa tindahan. Kaya nag puto na lang kami. Malaki talaga ang utang na loob ko kay Aling Dolores dahil sa tulong niya sa amin ni Peter. Hawak-hawak ang platong may lamang puto, paglabas ko ng tent ay naabutan kong naglalakad si Peter sa gitna ng pathway of candlelit jars. Nagmadali akong kuhanan siya ng picture at i-video para mabalikan namin ang sandaling ito. Nakaramdam ako ng saya dahil bakas sa mukha ni Peter ang pagkamangha; animo hindi makapaniwala sa nakikita. Mukhang worth it naman pala ang pagbitbit ko ng pagkabigat-bigat na mga gamit paakyat ng bundok. Noong ilang hakbang na lang ang layo sa ‘kin, nakuhanan ko nang malapitan ang paglambot ng tingin ni Peter sa direksyon ko. Nagpigil pa siya ng ngiti nang simulan ko siyang kantahan, “Happy Birthday to you… happy birthday to you!” Nahihiya akong kumanta pero ginawa ko para sa kanya. Dapat kasi talaga magpapatugtog lang ako sa cellphone, pero ‘di ko napaghandaan ang kawalan ng signal sa taas ng bundok. Pagkatapos kumanta, pansin kong sumeryoso ang tingin niya sa ‘kin. Napatitig na lang tuloy ako sa screen ng phone ko na ongoing pa rin ang video. Hindi maalis ang pagtitig niya sa mukha ko kaya medyo uminit ang pisngi ko. “Uy, mag wish ka na tapos blow the candle!” paalala ko na mabilis niyang sinunod. Wala pa yatang ilang segundo nang ihipan ni Peter ang kandila. At nagulat ako nang dumiretso siya sa pagnakaw ng halik sa labi ko! Nanlaki ang mga mata ko; bumagsak din ang kamay kong may hawak ng phone. Binukas-sara ko ang mga mata ng ilang beses bago naka-recover, “Hindi ka naman nag wish e,” reklamo ko sabay kagat ng lower lip ko. Syempre kunwari hindi tayo mamamatay sa kilig. “Nag wish ako. Natupad agad,” depensa ni Peter. Hindi ko nakuha ang ibig niyang sabihin kaya mabilis niyang nilinaw. "You were my only wish. And you’re here. In front of me." Tila huminto ang oras nang magpaulit-ulit ang sinabi niya sa isip ko. Parang ako ang may birthday dahil sa sayang hatid nito. Nang muli kaming nagkatinginan ni Peter, napansin ko ang pagtitig niya sa hawak ko at nagkaroon ng kakaibang lungkot sa mga mata niya. Agad siyang nag-iwas ng tingin para maitago ito. “Sorry puto lang ang meron. Next time, cake na,” sabi ko tuloy pero umiling siya. Mukhang hindi ito ang dahilan ng lungkot niya. Kinuha niya ang hawak ko at ipinatong ito sa sapin na nakalatag sa sahig. Pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at iginiya ako paupo sa nakabukas na tent. Hinayaan ko namang yakapin kami pareho ng katahimikan habang nakatanaw sa malayo. Kumpara kanina ay kalmado na ako ngayon. Kaya hindi ko namalayan ang paglipas ng oras kasama si Peter. “I’ve never had a birthday wish until now,” pag-amin ni Peter kaya napalingon ako agad sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD