Chapter 39 (Part 1)

1566 Words

“Ala e hindi ho muna ako makakapasok,” nag-aalangang paalam ng isa sa mga katrabaho namin ni Peter. Ito ang naabutan naming eksena pagdating sa daungan ng mga bangka kinabukasan. Kakagaling ko lang sa lagnat pero mas gusto kong magtrabaho dahil pakiramdam ko mas magkakasakit ako kapag nahiga ako maghapon. Akala ko normal na pag-absent lang ito ng katrabaho namin, pero laking gulat ko nang masundan pa ito ng iba. Hanggang sa lahat ng mga katrabaho namin ay nagpaalam na hindi makakapasok ngayong araw. Kung kailan pa talaga Lunes at maraming kailangang gawin sa maghapon. Kaya naman mababakas ang labis na pagkadismaya sa mukha ni Mang Ambo nang magbigay ng isahang sagot sa lahat. “Bakit ba ga ngayon pa kayo hindi papasok? At naisip niyo pa talagang magsabay-sabay?” medyo tumaas ang kan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD