Masaya akong makuha ang suporta ni Peter sa panibagong plano. Siya pa ang nag-ayang mamili ng mga kakailanganin namin para sa salu-salo bukas. Isinabay na rin namin ang pag-imbita sa mga taga-isla. Bawat makasalubong ay talagang kinakausap namin, animo nangangampanya. Pagdating ng hapon, napapayag ko siyang umakyat ng bundok. Gusto kong sulitin ang bawat araw namin magkasama. Kaya mabuti at wala siyang naging pagtutol. Tamang-tama dahil maganda ang panahon. Nang makarating sa dati naming spot, namangha ako dahil nasalubong namin ang papalubog na araw. “Ang ganda talaga rito,” komento ko, hindi makapaniwala sa tanawin. “Bakit kaya Cole’s Cove ang pangalan ng isla? Cole ba ang pangalan ng may-ari?” Tumama ang malamig na hangin sa balat ko at pumikit ako para damhin ito. Napangiti ako

