Mas maaga kaming gumising ng Sabado. May panibagong session kasi si Peter sa pagtuturo ng paglangoy sa mga taga-Cole’s Cove. Kung tutuusin ay pwede naman akong magpa-private lesson sa kanya kahit kailan, pero pinili ko pa ring sumali. Gusto ko kasing gamitin ang pagkakataong ‘to para makipagkaibigan sa iba. Continuation ito ng misyon naming mapalapit ako sa mga taga-isla. Pagdating namin sa tabing-dagat, halata ang pagsulyap nila sa direksyon ko, tila mabilis nilang napansin ang presensya ko. Parang bumalik tuloy lahat ng kaba ko noong unang beses akong sumali sa swimming lesson. Pero ngayon ay mas malala. Wala nga si Lorraine at ang mga alipores niya, pero mas ramdam ko ang mga tingin nila sa akin. Napansin siguro ni Peter ang paghigpit ng hawak ko sa kanyang braso kaya nilingon niya ‘k

