“Naks naman, Pete! Ang swerte mo sa misis mo!” Sunod-sunod na panunukso galing sa mga katrabaho ang narinig namin ni Peter dahil sa dala naming pananghalian para sa lahat. Malapad tuloy ang ngiti ko pagtingin kay Peter at hindi niya napigilang suklian ito. Tahimik ko siyang pinasalamatan dahil tama ang suggestion niya. Totoo nga ang sabi nila… the way to a man’s heart is through his stomach. Dahil may pasok kami ngayong Lunes, nagtanong ako kay Peter kung paano makukuha ang loob ng mga katrabaho namin na karamihan ay mga lalaki. Gusto ko silang unahin dahil sila ang pinaka-accessible sa ‘min sa ngayon. Bukod pa rito, kapag napasaya namin sila, may chance na makarating ito sa kani-kanilang mga asawa at magbago kahit papaano ang tingin ng mga ito sa ‘kin. Ayaw pa nga sana ni Peter noong

