Chapter 26 (Part 2)

1903 Words
"I'm thankful for the opportunity, and I'm genuinely interested. But… I have a few personal considerations to take into account. Would it be possible to have some time to reflect before confirming my decision?" Nakakahiya man dahil posibleng nagmukha akong pa-VIP, pumayag ang HR ng Stellar Communications na bigyan ako ng oras. Ang huling napagkasunduan namin ay babalikan ko siya sa phone number niya o email within the week kapag nakapagdesisyon na ako. Hindi ako nakapagbigay agad ng sagot dahil gusto ko munang makapag-isip ng mabuti. Hindi ko rin naman kasi talaga inasahan ang pagdating ng oportunidad na ito. Pinisil ko pa nga ang pisngi ko at napangiwi para masiguradong hindi ako nananaginip lang. Nakaupo pa rin ako sa duyan kung saan ako iniwan ni Peter. Nang suyurin ng mga mata ang paligid, pansin kong abala na ang lahat sa pag-aayos malapit sa tabing dagat. May ilang nagpapabalik-balik mula sa kubo papunta rito para makapagdala ng mga inumin at pagkain. Samantalang ang iba naman ay abala sa paggawa ng campfire at paglalagay ng mga sapin sa buhangin para upuan. Tumayo na ako para tumulong sa kanila nang mag-vibrate ang phone ko. Kinabahan ako dahil baka ‘yong HR ito na kausap ko. Baka manghingi na agad ng desisyon. Kaya naman kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag pagkakitang text message ito galing kay papa. PAPA: Anak, 'wag mo na lang isipin 'yung reaksyon ng mama mo tungkol sa inyo ni Kyle. Ganun lang 'yon kasi napamahal na talaga sa kanya ‘yung tao. Pero gusto ko lang malaman mo na suportado namin ang desisyon mo. Doon kami palagi kung saan ka sasaya. Kaya ‘wag kang mag-alala sa amin at gawin mo lang kung ano ang laman ng puso mo. Mag-iingat ka palagi at mahal na mahal ka namin ng mama mo. Nangilid ang luha sa mga mata ko dahil saktong-sakto ang text ni papa. Para bang nahulaan niya ang pinagdadaanan ko dahil nakapagbigay siya ng magandang payo. Kahit malayo siya sa akin, parang kasama ko lang siya ngayon. Gawin ko kung anong laman ng puso ko. Sa totoo lang, bago ako nakidnap, I remember having this wild thought. What if I just left it all behind – family, career, love? Create a whole new me, the complete opposite, and just start over from scratch. Nanatili ito sa isip ko sa kabila ng pagkakataong makapagtrabaho sa kumpanyang pagmamay-ari ng pamilya ni Elle; sa kabila ng hinihintay na sagot galing sa Stellar Communications; sa kabila ng normal na buhay na mayroon ako. Akala ko imposible ang gusto kong mangyari. Ngunit noong nakidnap ako, nakita ko itong oportunidad at mas niyakap ang ideyang ito. Kaya nga baliw na kung baliw pero hindi ako gaanong natakot sa sitwasyon kung saan ako dinala ni Peter. Nadismaya pa nga ako noong nalaman kong pagkakamali lang pala ito. Naiiling kong itinago ang cellphone ko. Inihilamos ko ang dalawang kamay sa mukha at huminga ng malalim. Binulong ko na lang sa sarili ang pasasalamat sa text ni papa dahil nakatulong ito ng malaki para maliwanagan ako. Pagbaba ng mga kamay, hinanap ko si Peter sa paligid. Nawala siya sa kinatatayuan niya kanina kaya napaisip ako kung saan siya nagsuot. Imbes na magpunta sa tabing dagat kung saan hindi ko siya natatanaw, dumiretso na lang ako sa loob ng kubo. May isang taga isla na kalalabas lang dito, may dala-dalang mga bote ng alak. Ako naman ang pumasok para kung may kailangan pang ilipat. Naabutan ko sa loob si Peter. Napangiti ako nang makitang abala siya sa kusina, nag-aasikaso ng pagkaing pampulutan. Likod pa lang ay nakilala ko na siya dahil noong nandito pa ako, ito lang ang madalas kong makita sa kanya. Naghintay akong mapansin niya pero kahit noong may pumasok at lumabas sa kubo ay hindi siya natinag sa ginagawa. Ako na lang tuloy ang nagkusang lumapit sa kanya. Dahan-dahan lang, tinatantya kung nasa mood pa siya pagkatapos ng naudlot na naman naming pag-uusap kanina. Nang wala siyang kibo ay tumikhim ako at nagsalita, "Parang masarap 'yan ah. Basta talaga luto mo, the best!" pagpuri ko. Napangiti ako nang makita ang sandaling pagtigil niya sa pagsasalin ng sisig sa plato. "Nikolai cooked this, but you're right. He's a great cook," seryosong sagot ni Peter bago nagpatuloy. Tumawa naman ako ng malakas para pagtakpan ang pagkailang sa pagkakamali. “Ay talaga ba? E siguradong mas masarap pa ang sisig mo kapag ikaw ang nagluto!” pambobola ko sa kanya. Ramdam kong pinagpapawisan ako ng malamig. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan e wala naman akong ginawang masama. "Done with your call?" pag-iiba ni Peter ng usapan. Mabilis kong binukas-sara ang mga mata, "Ah oo! Pasensya, medyo natagalan. Tungkol kasi sa--" "No need to explain. Ayos lang," pagputol niya sa akin na hindi ko inasahan. Hindi ba niya gustong malaman kung sino ang tumawag sa akin dahil may tiwala siya? O dahil wala naman siyang pake sa tawag—at sa akin? Parang may biglang pumiga sa puso ko. Para pagtakpan ito’y binalik ko ang atensyon sa kasalukuyan. “May kailangan pa bang ilabas? Tutulong na ‘ko sa kanila,” sabi ko para matapos na ang pag-uusap namin. “Wala na. Samahan mo na sila roon,” sagot naman niya kaya tumango lang ako ng isa bago naglakad papunta sa pinto ng kubo. Palabas na sana ako nang mabaling ang tingin ko sa sala. Paano’y may malaking black garbage bag dito na wala naman noon. Hindi ko na sana ito papansinin pero nanaig ang curiosity ko. “Anong laman nun? Don’t tell me chop-chop na katawan,” pabirong tanong ko dahil ang laki nito, kasya ang tao. “Oo. Ipapadala ko ‘yan kay Nikolai,” sagot ni Peter sa malalim pa ring boses kaya natigilan ako. Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan sa kubo. Wala akong nasabi pabalik kaya lumingon siya sa akin at nagkatinginan kami. Bahagyang umangat ang isang dulo ng labi niya sabay iling. “Lumang gamit ‘yan na siya na ang bahala kung gusto niyang i-donate o itapon,” paglilinaw niya bago bumalik sa ginagawa. Napasapo ako sa dibdib at nakahinga ng maluwag. Akala ko kasi may pa-plot twist na si Peter. From kidnapper to murderer real quick! “Patingin ah!” bulalas ko sabay lapit sa plastic. Hindi naman niya ako pinigilan kaya binuksan ko na ito. Unang bumungad sa akin ang black shirt na minsan ko nang naisuot. Ito ‘yong may dalawang sunny side up egg na disenyo. Hindi ako pwedeng magkamali dahil tanda ko noong pilit niya itong pinahubad sa akin dahil pagmamay-ari ito ni Elle. Napaisip ako kung bakit kasama ito sa mga gamit na gustong ipa-donate ni Peter kay Nikolai gayong akala ko mahalaga ito sa kanya. Sinubukan ko pang silipin ang ibang gamit sa loob ng plastic at bukod sa mga damit, nakakita ako ng laruan, sapatos, at pabango. May mga pambaba at panlalaki. May isang jewelry box pa rito na hindi ko alam kung naligaw lang ba. Pagbukas ko kasi ay nakakita ako ng mga letters at pictures. Pagkuha ko ng isa ay litrato nila ito ni Elle! Bumilis ang kabog ng puso ko nang ayusin ko ang plastic. Itinali ko ito ng mabuti bago tumayo. Wala na akong ibang sinabi pa kay Peter nang magmadaling lumabas ng kubo. Habang naglalakad papunta sa tabing dagat kung nasaan ang iba, napaisip ako sa mga nakita. Bakit naman ipapa-donate o ipapatapon ni Peter ang mga alaala nila ni Elle? Ibig sabihin ba… handa na siyang kalimutan ito? Umiling ako. Pinaalala pa rin sa sarili na ‘wag mag-assume na may kinalaman pa rin ito sa akin. Bakit naman kasi hinayaan pa niyang kalkalin ko ‘yong plastic? At bakit pakielamera ako?! *** “Naks! Dati pa-beer beer lang tayo. Ngayon may pa-wine ka na, tol!” sabi ni Lorenz kay Peter. Paano’y may inilabas siyang wine sa inuman namin ngayong gabi. Ang sabi ni Nikolai ay mamahalin daw ito. Tuloy ay dahil curious ang marami, mamaya na raw sila magbi-beer, susulitin muna nila ang wine ni Peter. Nakaupo kami ngayon ng paikot malapit sa tabing dagat. Sa gitna namin ay may campfire na nagsisilbing liwanag sa gabi bukod pa sa buwan. May kanya-kanya kaming baso na may lamang red wine. Lahat ay nagkukwentuhan at nagtatawanan habang nagpapatugtog si Nikolai ng mga upbeat songs na hindi ako pamilyar pero parang alternative or indie ang genre. Dahil isa sa unang naupo rito, hindi na ako nakapili kung sino ang makakatabi ko. Basta may isang babae na tumabi sa akin, habang ang kabila ko naman ay pinwestuhan ni Nikolai. Sandali niya akong dinaldal pero napunta rin ang atensyon niya sa ibang taga isla dahil malalim ang iniisip ko. Mula sa tawag ng HR, sa text ni papa, ngayon naman sa mga gamit na pinapa-dispose ni Peter. Nakatitig lang ako sa kawalan habang sinusubukang ayusin ang takbo ng isip ko. Hindi pa nakakainom, ibinaba ko ang plastic cup na may lamang wine sa tabi ko. Hindi ko masyadong naituon ang pansin dito kaya may aksidente akong natabig katabi nito. Pagtingin ko’y nabuhos na sa buhangin ang parehong laman ng plastic cup. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko ngang mahal ang wine na ito. Snubukan ko pang isalba ang kahit kaunting laman ng plastic cups habang panay hingi ng sorry sa katabi. Tila sandaling bumalik ang dating ako. Ayon lang ay natigilan ako nang may humawak sa mga kamay ko. Pagt-angat ko ng tingin ay nakita ko si Peter sa tabi ko. Mukhang pinalipat niya pala si Nikolai na ‘di ko napansin. "Sorry! Sayang 'yung wine," sabi ko pero umiling lang siya; walang mababakas na pagkadismaya sa mukha. "Ayos lang. I have another bottle inside," mahinahon niyang saad na nagpakalma sa akin. Akala ko maiinis siya dahil sa pagiging clumsy ko. Pero nakita ko ang pang-unawa sa mukha niya nang punasahan ang kamay kong basa ng alak gamit ang laylayan ng suot niyang t-shirt. Napatitig ako sa kanya habang ginagawa niya ito. Ayos lang. I initially thought he was being sarcastic when he said this… maybe implying something beneath the surface. But now, it's clear he genuinely sees it as okay. And strangely enough, it feels like there's nothing for me to worry about when it comes to him. He meant what he said. “Pahawak muna,” sabi ni Peter sabay abot sa ‘kin ng cellphone niya. Tumayo siya at naglakad pabalik ng kubo. Marahil ay kukuhanin niya ang bote ng alak na tinutukoy niya para makumbinsi akong ayos lang ang nangyari. Napansin ko naman ang mapanuksong tinging ipinukol ni Nikolai sa direksyon ko. Pinaningkitan ko lang siya ng mata at binaling ang tingin sa cellphone ni Peter. Talagang tiwala siyang iwan sa akin ang phone niya? Dinutdot-dutdot ko ang screen nito habang naghihintay sa pagbalik niya nang bigla itong nagliwanag. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lockscreen niya. Tinaob ko ito kaagad bago pa may ibang makakita. Nag-init ang pisngi ko dahil litrato namin ito noon na kinuhanan ko habang abala siya sa kusina. Nakatalikod siya habang nakangiti ako sa camera. Nilagyan ko siya ng sungay sa ulo. Anong ibig sabihin ng paggamit niya sa litrato namin? "Had no clue my bro would go for a cheesy lock screen on his phone,” natatawang komento ni Nikolai na nakita pala ang nakita ko kaya agad kong hinampas sa braso. Umaray siya habang nagpipigil naman ako ng ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD