“Dahan-dahan lang naman, Wends! Walang aagaw ng pagkain mo!” naalarmang sigaw ni Raya habang halos agawin na ang plato ko. Inilayo naman ni Arielle ang ilang ulam para manguya ko muna ang laman ng bibig ko. “Relax. Baka mabulunan ka," sabay tulak ng baso ng tubig palapit sa ’kin. Si Belle ang tuluyang nag-abot ng tubig. Agad ko itong ininom, parang ngayon lang ulit nakaalala kung paano huminga. “Hindi ka na naman ba nag-lunch?” tanong ni Arielle, nakataas ang isang kilay. Tumango lang ako ng isa at nagpatuloy sa pagkain, parang may hinahabol. Pero sa totoo lang ay gutom na gutom ako. Nandito kami ngayon sa After Shore. Nagkayayaan kaming lumabas dahil nagsakto ang schedule namin nina Raya at Belle. May gig din si Arielle mamaya kaya perfect timing. “Akala ko pa naman okay na kumpa

