Napahikab ako. Kinusot ko ang mga mata bago nag-inat, tsaka muling binalik ang tingin sa laptop. Title pa lang ang nasa screen pero binura ko ulit. Ang hirap magsulat ng article! Tinuro sa ‘kin ang basics ng search engine optimization (SEO). Pero nakumpirma kong hindi iyon sapat. Ayoko lang kasing makarinig ng kahit anong side comment mula kay Ms. Annika, kaya kahit hindi sigurado, basta ko na lang tinanggap ang topic na in-assign sa ’kin ng SEO writer namin. Matagal na noong huli akong nagsulat ng kahit ano bukod sa emails at forms. Kaya ngayon, parang naka-off ang utak ko. Isang oras na ang lumipas, pero wala pa ring laman ang article. Ang masama pa roon, ngayong araw daw ang deadline. Kaya hindi talaga ako tumayo sa cubicle ko. Walang coffee break, walang CR break. Nagsimula ak

