Chapter 49 (Part 3)

1615 Words

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ko naisip si Peter habang hirap na hirap ako sa trabaho. Kaya noong makita ko siya kanina sa palapag namin, may maliit na parte sa loob kong umaasang ililigtas niya ako. Pero ang kapal naman ng mukha ko kung hihilingin ko ‘yon, gayong wala naman akong balak balikan ang meron kami noon. Gusto kong magsimula ulit—nang wala siya. At sa totoo lang, hindi ko deserve ang tulong niya, lalo na’t panay ang tulak ko sa kanya palayo. Kaya ngayong kaharap ko siya, napilitan akong ibukas-sara ang mga mata ko, para makasiguradong hindi lang siya guni-guni dala ng pagod at gutom. Totoo siya. At nang magsimula siyang lumapit, parang biglang kumipot ang paligid. Nahirapan akong huminga. Lumakas ang kabog ng dibdib ko. “Sir Cole… ba’t napadaan ka?” tanong

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD