Chapter 29 (Part 2)

1419 Words
Peter… Cruz? Parang pwedeng Garcia. Ah mukha siyang Santos! Gusto ko na lang iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa sobrang frustration. Hindi ko kasi maisip kung anong surname ni Peter. Hindi ko alam kung nabanggit na niya ito noon at nakalimutan ko lang o talagang never napag-usapan. “Bagay kaya sa pangalan ko ang apelyido mo?” tanong ko kay Peter na nagpasamid sa kanya. Inabutan ko naman siya kaagad ng tubig. Nasa hapagkainan kami ngayon at kasalukuyang naghahapunan. Gumagawa lang ako ng paraan para malaman ang surname ni Peter nang ‘di siya direktang tinatanong. Baka kasi dapat ay alam ko na ito. “Bakit bigla mo naman ‘yan natanong?” balik ni Peter nang maka-recover sa pagkasamid. Tumawa naman ako, “Ah wala lang. Na-curious lang ako. Bagay kaya sa Briar ‘yung surname mo?” pag-ulit ko pa. Nagbabakasakaling mabanggit na niya ito. “Bagay naman,” simpleng sagot ni Peter bago bumalik sa pagkain. Naghintay ako kung may kasunod pa ito pero natahimik na siya. Tuloy ay wala akong choice kung hindi kumain na lang din. Pinoproblema ko pa rin kung anong apelyido niya. Dapat pala tinanong ko si Nikolai bago siya umalis! Kaya lang ngayon ko lang din nalaman na ‘di ko pala alam ang tungkol apelyido nilang magkapatid. Pagkatapos naming kumain, dahil si Peter na ang nagluto ay ako na ang nag volunteer maghugas. Ayon lang ay katulad ng dati, hindi siya pumayag. Pinaupo lang niya ako sa sala at pinakain ng prutas. Siguro’y ilang minuto rin ang lumipas bago ko binasag ang katahimikan. “Gusto mong maglaro?” masayang pag-aya ko; kunwari’y excited nang ilabas ang phone ko. “Anong laro?” pagpapakita niya ng interes kaya agad akong tumayo at lumapit sa kanya. Sumandal ako ako malapit sa lababo, tinabihan siya habang naghuhugas, at dito nag-search ng online game. “Roleplay na life simulation. Pero kailangan mo munang mag sign up.” Kailangan niyang ilagay ang buong pangalan niya – that means first and last name. Inaabot ko na kay Peter ang cellphone ko nang tanggihan niya ito, “Next time na.” Tuloy ay awtomatiko akong napasibangot. Tinalikuran ko na lang siya sabay diretso sa kwarto. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagpasok dito. Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa amoy bagong labang bed sheet. Parang nakakahiya namang i-celebrate ang birthday ni Peter nang ‘di ko alam ang buong pangalan niya. “Ayos ka lang ba?” Napabangon agad ako sa boses ni Peter. Inayos ko nang mabilis ang sarili at tsaka siya nilingon. “Oo naman. Bakit hindi? Nakapaghilamos ka na ba? Pahinga na tayo!” walang prenong sagot ko kaya nagmukha lang yata akong defensive. Sinubukan ko na lang ngumisi sabay thumbs up kahit parang ang awkward kong tingnan. Tuloy ay nadepina ang lukot sa noo ni Peter. “Pwede ka nang magpahinga. Sa sala na ‘ko–” “Dito ka na! I mean– it's not as if we haven't shared the same bed before,” halos mautal ako nang pigilan siya. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaya ayaw kong dito matapos ang gabi. Sandali siyang napaisip bago tumango ng isa. Lumabas pa siya ulit ng kwarto, marahil para maghilamos. Kaya nang maiwang mag-isa, dito lang nag sink in sa akin ang hiniling ko. Umakyat ang dugo sa mukha ko nang mapagtanto ang posibleng mangyari. ‘Yung pagtulog namin sa iisang kama ngayong gabi, nagmukha bang imbitasyon na may mangyayari sa aming dalawa? Handa na ba ‘ko? Napalunok ako at dito na nagsimulang makaramdam ng kaba. Kung anu-anong naisip ko na tumagal ng ilang minuto. Tuloy ay nang marinig ang pagbukas ng pinto ng banyo, nagmadali akong mahiga ng nakatagilid sa isang side ng kama. Tinakpan ko ng kumot ang buong katawan ko sabay pikit. Ang naging reflex ko ay magpanggap na tulog. Kakausapin ko dapat si Peter pero nagbago agad ang plano. Pinakiramdaman ko ang paligid at dito bumukas ang pinto ng kwarto. Mistulang tumigil ang t***k ng puso ko nang marinig ang maingat na yabag ni Peter. Hindi nakatulong sa ‘kin nang maamoy ang bagong ligong amoy niya. Mukhang ‘di ko nga kakayaning makipag-usap sa kanya ngayon dahil dito. Mga ilang minuto pa ang lumipas bago ko naramdaman ang paglubog ng kama sa tabi ko. Mukhang nahiga na si Peter nang mahinto ang pagkilos. “It feels right having you back,” mahinang sambit ni Peter na mistulang yumakap sa pagkatao ko. His words felt so genuine that I couldn’t help but smile. Bago pa rin kasi sa pakiramdam ko ang pinapakita niyang emosyon kaya ganito na lang ang epekto nito sa ‘kin. Sinong mag-aakala na mapapalambot ko ng ganito ang puso ng kidnapper ko? Gumalaw si Peter sa tabi ko at maya-maya’y nanigas na lang ako nang dumausdos ang isang braso niya sa beywang ko. Nahinto ang paghinga ko nang mula sa likuran ay niyakap ako ni Peter! Lilingunin ko sana siya nang dumampi ang labi niya sa pisngi ko. Paano’y bigla niyang isiniksik ang mukha sa leeg ko. Parang may dumaloy na kuryente mula rito papunta sa buong katawan ko! “Can we stay like this a little longer?" tanong ni Peter; tila humihingi pa ng permiso. Hindi na ako kumilos pa at nanatili ring tikom ang bibig. Paano pa ako makakakilos at makakapagsalita kung sobrang ingay na ng puso ko. Ito pa lang ang ginagawa ni Peter pero para na ‘kong baliw. Paano pa kung– “Maging kumportable ka lang sa ‘kin. Hindi ka dapat matakot tulad noon. Hindi naman kita pipiliting gumawa ng mga bagay na ayaw mo,” pagputol ni Peter sa pag o-overthink ko. Nagulat ako dahil lahat ng mga sinabi niya ay mga bagay na kailangan kong marinig sa mga oras na ito para kumalma. Kaya naman paglipas pa ng ilang minuto ay nagawa kong umikot paharap sa kanya. Hinigit ko ang hininga ko nang magkatinginan kami. I felt his stare, like I had finally found my place in his life. At dahil parang sa panaginip lang ito posibleng mangyari, dinutdot ko ang pisngi niya ng hintuturo. Nang ‘di pa nakuntento ay pinisil ko ito nang bahagya. Hinayaan lang ako ni Peter sa ginagawa ko; blanko ang ekspresyon ng kanyang mukha. “Totoo ka nga,” nasabi ko na lang tuloy bago siya niyakap pabalik na agad din niyang tinanggap. Napapikit ako dahil sa init na hatid nito. “Happy Birthday, Peter. And thank you for changing my life forever…” binati ko na siya kaagad dahil alam ko kung anong oras na at gusto kong ako ang mauna. Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon. “Mrs. Razon,” sabi ni Peter out of the blue. “Hmm?” “Iyon ang tawag sa ‘yo ng mga tao rito sa isla.” “Bakit naman?” “Dahil alam nilang mag-asawa tayo.” Natahimik ako at napaisip sa kanyang sinabi. Mrs. Razon… Mrs… Razon! “Peter Razon?!” Narinig ko ang mahinang pagtawa niya bago hinalikan ang ibabaw ng ulo ko. Mukhang nahuli niya ang gusto kong malaman kaya niya ito sinabi sa wakas! “Kung may mga bagay kang gustong malaman tungkol sa ‘kin, tangunin mo lang ako. Susubukan kong sagutin lahat.” Parang tumalon ang puso ko sa saya dahil sa kanyang sinabi. Bahagya akong lumayo at nag-angat ng ulo. Naabutan ko ang pangungusap ng mga mata ni Peter nang tingnan ako. Tila naglaho na ang pait sa mga ito na madalas kong makita noon. Kaya naman dito’y ‘di na ako nagdalawang-isip pang hagkan siya… Napapikit ako nang muling naramdaman ang pagtatagpo ng mga labi namin – there was a softness, a warmth that spread through me like a gentle breeze on a summer night. Imbes na sa loob ng kubo, parang nasa labas ulit kami, nakahiga sa buhangin malapit sa tabing dagat. Our kiss wasn’t rushed or urgent, but steady, parang katulad lang ng paghinga namin sa tabi ng isa’t isa. Hinayaan ko ang sariling matunaw sa kanyang mga braso habang mas lumalalim pa ang halik namin. There's a quiet understanding between us, a silent acknowledgment of the emotions we've both been carrying for a while now. Kaya nang maghiwalay ay kapwa kami napangiti. Alam kasi naming simula na ito ng mga magagandang araw na magkasama kami sa isla. “Briar Ortega. Iyon naman ang pangalan ko,” pakilala ko sa sarili; animo kinalimutan na ng tuluyan ang pagiging si Wendy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD