Chapter 55 (Part 3)

1432 Words

“Buti naman nandito ka na!” sigaw ni Raya habang halos nakasandal sa mga braso ni Peter. Sinapo niya ang mukha nito gamit ang dalawang kamay—parang matagal na silang magkakilala. Naestatwa ako sa kinauupuan ko. “Gaano karami ba ang nainom mo?” tanong ni Peter habang maingat niyang hinawakan ang mga braso ni Raya para hindi ito matumba. May sinabi pa siya na hindi ko masyadong narinig dahil sa ingay ng music sa coffee bar, pero halata sa mukha niya ang pag-aalala. Sandali akong napatitig sa kanila, habang ang mga kasama ko naman ay mabilis na rumesponde. “Ay pasensya na,” sabi ni Arielle habang inaabot si Raya. “Lasing na ‘tong kaibigan namin.” Pero imbes na ipaubaya sa kanila, hindi nagpapigil si Peter at siya mismo ang umalalay kay Raya pabalik sa mesa namin. Wala niyang pag-aalinla

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD