“That was a good call.” Napatingin ako kay Peter nang basagin niya ang katahimikan sa elevator. Hindi dahil nagulat ako sa sinabi niya, kundi dahil may iba pa kaming kasama. Nandito hindi lang sina Ms. Annika at Nikolai—kundi pati ilang empleyado na nakasabay namin sa pagbaba sa ground floor. Nasa pinakaharap kami, pero ramdam ko ang mga tingin nila sa likuran ko. “Ah, thank you, Sir Cole,” pormal kong sagot. Hindi na ako nagsalita pa dahil baka magawan na naman kami ng kwento. “I’m expecting a detailed plan from you once we’re back next week,” sabi niya. Napapikit na lang ako nang mariin habang unti-unti akong yumuyuko. Totoo nga siguro ang sabi nila—the reward for a job well done is more work. “Yes, sir.” Pagbukas ng pinto ng elevator, nauna na akong lumabas. Bahagya akong luming

