Sa mga sumunod na araw, sunod-sunod ang meeting namin para sa Project Lumora. Nagpatawag ng maagang meeting si Peter pagdating ng Biyernes. Mas maraming tao ang involved. Kahit si Ms. Annika nandito. Tahimik akong nakinig habang nagpapalitan sila ng mga ideya. Sa screen kung saan naka-flash ang presentation—parang iisa lang ang script nila, iniba-iba lang ang pagkakasulat. Polished. Perfect lighting. Perfect shots. I get it. Stellar’s branding. “It’s the same formula,” singit ni Ms. Annika. “I’m sorry but I can’t see anything new here that would give the spotlight to Lumora.” “How about we invite micro-influencers?” tanong ng isa sa mga tao ni Nikolai. “Trending ‘yon ngayon, ‘di ba? We can make an ex-deal with them like we did before with big influencers, or maybe invite them in an

