Ito na ba ang year-end party ng Stellar? Pagpasok ko sa loob ng venue, kusa akong natigilan. Napa-wow na lang talaga ako. Malaki at maganda ang venue—balot ng deep blue ang paligid, may kumikislap na ilaw sa kisame at mga chandeliers na sobrang classy tingnan. Bawat table halatang pinag-isipan, mula sa blue tablecloths hanggang sa mga bulaklak at gold details. May instrumental music ding marahang tumutugtog sa background. Dahil sa pagkamangha, nakalimutan ko ang stress at pagod ko nitong mga nakaraang linggo. May mga events din naman kami sa probinsya, pero hindi kailanman ganito kagarbo. Mukhang ibang level talaga ang Stellar. May mga lamesa sa paligid—may bakanteng upuan—pero hindi ko nagawang lumapit sa kahit isa. It just feels intimidating. Balak ko na lang tumayo sa isa sa mga

