Hindi ako sigurado kung gaano kalayo ang nilakad ko. Basta nakita ko na lang ang sarili ko sa isang bench na nakaharap sa ilog. Naupo ako rito at huminga nang malalim. Napapikit ako ng mariin, pilit kinakalma ang sarili. At nang bahagya nang bumagal ang t***k ng puso ko, tsaka lang tuluyang nag sink in ang nangyari. Tinakbuhan ko si Peter. Sa harap ng maraming tao. Sa harap ng mga empleyado ng Stellar. Wala akong ibang naramdaman kundi inis sa sarili. I could have acted more professional. Pero pinairal ko na naman ang emosyon ko. Nagpadalos-dalos ako. Hindi na dapat ako ganito. Hinampas ko ang ulo ko ng ilang beses, hanggang sa— —nahinto ako nang may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, si Peter pala. Siya rin ang kusang bumitiw. Dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. “Hindi mo na

