I followed my heart and put my last finger down. Kung ang ibig sabihin nito sa laro ay pagkatalo, alam kong nakahandang matalo si Briar para lang magpakatotoo.
Ibinaling ko ang tingin sa paligid at napansing nagbaba rin ng daliri ang iba kong mga kasama. Mukhang maging sila ay nakaranas na ring mahulog sa taong ‘di nila inaasahan. Pero sa kabila nito, ako lang talaga ang naubusan na ng daliri para magpatuloy pa sa laro.
Kaya naman bilang consequence sa pagkatanggal, inabutan ako ni Nikolai ng alak. Halatang kabado akong uminom ng matapang na alak kaya pinalakpakan pa nila ako pampalakas ng loob.
Siguro nga kailangan kong magpakalasing ngayong gabi, lalo na pagkatapos ng mga nalaman ko. Tinaas ko ang kamay ko para kuhanin ang plastic cup nang pangunahan ako ni Peter. Nalaglag ang panga ko sa pag-agaw niya at pag-inom ng isang bagsakan kahit pinigilan siya ng kapatid.
“Hey! You’re not yet out!” reklamo ni Nikolai na totoo naman. Dalawa pa ang daliri niya dahil ‘di siya nagbaba sa statement naming dalawa.
Mamasa-masa ang labi ni Peter nang matapos siya sa pag-inom. Pinunasan niya ito gamit ang likod ng kanyang palad bago muling nilapit kay Nikolai ang baso, animo nanghihingi pa. “I was. Lagyan mo pa ko ng isa,” sagot niya na lalo naming ikinagulat.
“You what?” pagkumpirma ni Nikolai sabay kamot ng ulo. Halatang maging siya ay naguluhan.
“I’m also out. All were down.” Pinakita niya sa lahat ang nakakuyom na palad.
Dito nagkagulo ang mga paruparo sa tyan ko. Para bang maging sila ay napaisip sa sinabi ni Peter. Paano’y nag loading talaga ako. Nagpaulit-ulit sa isip ko ang kanyang sinabi.
May dalawang daliri pa siya nung ako ang nagsalita. Ibig sabihin ba, sang-ayon siya sa statement ko at naka-move on na siya? Bukod dito, sang-ayon siya sa statement niya dahil nahulog na rin ang loob niya sa isang estranghera?
Nabalik ang atensyon ko kay Peter nang makitang naubos na rin niya ang ikalawang baso ng alak. Uminom siya para sa aming dalawa. Dito muling umikot ang laro para sa mga kasama naming natira.
Tahimik pa rin akong nag-iisip nang biglang tumayo si Peter habang abala ang lahat. Akala ko’y basta na lang siyang aalis nang maglahad siya ng kamay sa harapan ko. Napatingin ako rito sandali bago nag-angat ng tingin sa kanya. Mataman niya akong pinagmasdan na para bang may hinihintay. Nakuha ko naman agad ang ibig sabihin nito.
Napabuntong-hininga ako sabay kuha sa jacket niyang nakapatong sa balikat ko. Mukhang binabawi na niya ito kaya inabot ko ito mismo sa kanyang kamay. Bibitawan ko na ito nang bigla niya kong hinawakan sa pulso.
“Halika na. Tapos na tayo rito,” aya ni Peter na madaling nagpatigil ng mundo ko.
Para akong napasailalim sa spell gawa ng malalim niyang tingin. Basta na lang akong tumayo at nagpaalalay sa kanya. Tinanggap ko ang muli niyang pagpatong ng jacket sa ibabaw ng balikat ko. At tila tinakasan ng hininga nang maramdaman ang pagsalikop ng mga kamay namin.
It was fascinating how he managed to make this moment feel so right. Basta wala akong masabi. Para akong nagpaanod sa dagat nang magkahawak-kamay kaming bumalik sa kanyang kubo. Hindi pa nga yata ako babalik sa wisyo kung hindi ko napansing dire-diretso kami sa kwarto!
“Ay hala siya! Excited yan?!” bulalas ko; parang walang preno ang bibig dahil sa kaunting alak na nainom. ‘Di ko pa napo-proseso ang natapos na laro pero parang may panibago na naman kaming sisimulan!
Hinarap ko si Peter at nakita ang pagsingkit ng mga mata niya. Pinagdikit ko sandali ang labi bago naiilang na nagsalita, “Ibig kong sabihin… baka gusto mo munang magkape?” Nagsalubong ang kilay ko. Bakit naman kasi bigla kong nasingit ang kape? Hindi pa man ako umiinom nito’y parang nagpa-palpitate na ‘ko!
“Syempre, excited ako,” may tono ng pang-aasar na saad ni Peter. Tuloy ay bumitaw ako sa kanya at napasibangot. Nakatayo kami ngayon sa harap ng pinto ng kwarto.
Hindi ko inasahan nang lalo pa siyang lumapit sa ‘kin. Tuloy ay napaatras ako hanggang sa naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa pinto. Naalala ko ang huling intimate scene namin sa kwartong ito kaya napalunok ako. Lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko nang mapansin ang bahagya niyang pagyuko at paglapit ng mukha sa akin.
Imbes na itulak siya’y napapikit ako at naghantay na lumapat—
Bumukas bigla ang pinto kaya muntik na ‘kong matumba! Buti at nahawakan agad ako ni Peter sa beywang. Maiinis sana ako sa kanya nang mapalingon sa loob ng kwarto. Tumayo ako ng maayos at humarap dito. Unti-unting nanlaki ang mga mata ko dahil sa malaking pagbabago rito.
Bumungad sa akin ang malamig na hangin galing sa nakabukas na bintana na dati’y palaging nakasarado. May sliding screen din ito kaya siguradong ‘di mapapasok ng ahas.
Kapansin-pansin din ang pagbabago ng kama dahil bago ito at parang mas malaki at malambot. Bukod sa unan ay may mga stuffed toys din sa ibabaw nito.
Sa bandang kaliwa ng kama, may upuan at lamesa na rin! Sa ibabaw nito’y may nakapatong na ilang notebook at libro. Mukhang bago lang din at ‘di pa nabubuklat.
Naramdaman ko ang paglapit ni Peter sa likuran ko nang magsalita siya, “May darating pang TV—”
Bigla kong hinarap si Peter at niyakap ng mahigpit. Nangilid ang luha ko nang mapagtanto ang nangyayari.
“Briar—”
“Lilipat ka ng bahay?” halos pumiyok ako sa takot.
“W-What?” Hindi makapaniwalang tanong ni Peter. Akala niya siguro hindi ko naiintindihan ang nangyayari rito. Marahan niyang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at dito nagtagpo ang mga mata namin ng diretso. “Bakit mo naman nasabing lilipat ako?” He confirmed in a soft voice. Hindi ko alam kung bakit parang may multo ng ngiti sa labi niya. Ano bang nakakatawa sa nangyayari?
Agad kong pinalis ang luhang tumakas sa gilid ng isang mata ko bago nagpaliwanag, “Kasi ano… inaayos mo na ‘yung kubo mo. Mukhang may iba ka ng patitirahin dito dahil aalis ka na! Saan ka pupunta?” Hinawakan ko siya sa braso at bahagyang inalog.
Peter stared at me for a few seconds as though he was in awe. Lalo lang tuloy lumukot ang mukha ko nang magpatuloy, “Kaya ba malakas ang loob mong ayain akong bumalik? Kasi aalis ka naman?” may kurot sa dibdib na tanong ko. I knew it! His sudden interest was too good to be true.
Hinawakan ni Peter ang kamay kong nakahawak sa braso niya. Napatingin ako rito bago ibinalik ang atensyon sa mga mata niya, “Hindi ako aalis pero tama ka, may iba akong patitirahin dito kung papayag siya.”
“So nakahanap ka na agad ng ibang patitirahin dahil ‘di ako pumayag? May nakidnap ka bang bago? Masunurin hindi tulad ko? Sabagay, nung ako nga ‘yung pinatira mo rito wala lahat ng ‘to,” sunod-sunod kong saad; halata ang matinding pagkairita. At nang akala ko seryoso ang pag-uusap namin, tuluyang natawa si Peter. Dito ko binawi ang kamay ko at pinalis ang kanya. “Anong nakakatawa, Peter?” Inirapan ko siya sa inis.
Nailing si Peter sabay takip ng bibig gamit ang likod ng palad, “I’m sorry. Natawa lang ako kasi pinagseselosan mo ang sarili mo ngayon.” Lalo akong sumibangot. Hindi ko pa alam kung paano magre-react sa sinabi niya nang hawakan niya ang kamay ko, dahan-dahang dumausdos sa siko at braso ko. Nangungusap ang mga mata niya nang muling buksan ang bibig, “Tart, I’m not going anywhere. And I’m hopeful it’s the same for you. Itong kwarto na ‘to, inayos ko para sa ‘yo. Baka sakaling bumalik ka kapag hindi na boring ‘yung kubo ko.”
Pinagdikit ko ang labi ko; pinigilan ang pagngiti dahil naalala pa niya ang sinabi ko noon. Muli kong tiningnan ang mga pagbabago sa kwarto niya at ngayon lang nakaramdam ng saya. Para sa akin pala lahat ng ito e para akong baliw kanina. Tuloy ay nabuhayan na naman ako ng loob.
Binasa ni Peter ang labi nang hawakan ako sa magkabilang braso. Iginiya niya ako palapit sa kanya at nang kaunti na lang ang distansya sa pagitan namin ay akmang magsasalita pa sana.
Ayon lang ay sabay kaming napalingon nang biglang nagbukas ang pinto ng kubo. Nagitla si Nikolai nang makita kami ni Peter. Agad akong dumistansya dahil baka ano pa ang isipin nito lalo na’t nakita niya kami sa loob ng kwarto.
“Sorry! I was just getting ice,” dahilan ni Nikolai; nagmamadaling nagpunta sa kusina para kuhanin ang kailangan. At nang makapagbitbit na ng yelo, nagmadali siya palabas ng pinto.
Hinawakan akong muli ni Peter sa braso pero sumilip na naman si Nikolai kaya tinapik ko ang kamay niya! “Don’t worry, I’ll guard this door for both of you. Just don’t take too much time.” Kumindat pa si Nikolai bago isinarado ang pinto paglabas. Mukhang nagkamali ito ng akala tungkol sa amin ng kapatid niya!
Susundan ko sana si Nikolai para magpaliwanag nang harangin ako ni Peter. Napirmi ako sa kinatatayuan ko nang yakapin ako nito. “Let’s forget about our past and start over again,” alok niya na akala ko ay hanggang pangarap ko lang pwedeng marinig. Nakaramdam ako ng panghihinga sa bisig niya. “Alam kong hindi perpekto ang kubong ‘to. Pero susubukan kong punuin ito ng mga bagay na magpapasaya sa ‘yo sa bawat araw.”
Naghuromentado ang puso ko sa matatamis na salitang binitawan ni Peter. Parang hindi siya ang kaharap ko ngayon.
Gusto kong kalimutan ang nakaraan namin at magsimulang muli katulad ng gusto niyang mangyari.
Papayag na sana ako nang maalala ang tawag na natanggap galing sa HR ng Stellar Communications. Naisip ko ring muli ang payo ni Nikolai.
Huminga ako ng malalim bago tinapik ang likod niya, “Ano muna ‘yung dirty little secret mo?” pabirong tanong ko. Kahit medyo mahigpit ang yakap niya sa akin ay nagawa kong humiwalay. Umatras ako para makita siya ng mabuti. Halata namang nawala siya sa mood dahil sa pag-iiba ko ng topic.
I’m sorry, Peter… pero kailangan ko pa ng oras para makapag-isip.
“It’s not something I can talk about,” mahina niyang sagot. Mukhang seryosong bagay para sa kanya ang sikreto niya. Bigla tuloy akong na-curious pero hindi ko na muna siya kinulit pa. “Ikaw ba?” pagbabalik niya ng tanong.
Nangiti ako at sinagot siya bilang si Briar, "I like to watch porn alone." Pinagmasdan ko ang reaksyon ng mukha niya; inasahang makakakita ng pagkadismaya o ng panghuhusga pero walang nagbago.
“How about watching one with me?” seryosong tanong ni Peter na nagpatawa sa akin kahit ang totoo’y bigla akong nailang! Seryoso ba siya sa alok niya?!
“Isa lang? Mahina ka pala e.” Nagkunwari akong cool sa topic na ito tuloy ay hindi niya ako inatrasan!
“Mag marathon tayo.”
Nalaglag ang panga ko. “Of watching porn?!” Napalunok ako; may nagbara sa lalamunan.
“Oo. Kung iyon ang gusto mo. Kahit ano okay sa ‘kin.” Tumawa na naman ako ng malakas para pagtakpan ang kawalan ko ng balik sa sinabi niya. “Gusto mo ngayon na?” Nanlaki ang mga mata ko at dinig na yata sa labas ang lakas ng tawa ko. Hinampas ko pa siya sa braso para patigilin na sa pagsasalita.
Hindi ko alam kung seryoso siya o gumaganti lang dahil sa pag-iiba ko ng usapan.
Nag-isip naman ako ng paraan para makatakas sa conversation na ako naman ang may pasimuno. At sa unang pagkakataon ay nakahinga ako ng maluwag nang mag-ring ang phone ko! Kinuha ko ito at nakitang tumatawag si mama. Pinakita ko ang screen ko kay Peter bago in-excuse ang sarili. Nagpunta ako sa sala at dito naupo nang sagutin ang video call.
Marahil dahil sa hindi magandang pagtatapos ng tawag namin kanina kaya nangumusta ulit si mama sa akin. Inalam niya kung kumain na ba ako at kung maayos naman ako sa tinitirhan ko. Oo naman ang naging sagot ko at hindi na ako masyadong nagbigay pa ng detalye.
“Sino bang kasama mo dyan?” tanong ni mama sinusubukang tingnan ang background ko kahit na pader lang ito.
Nakita ko si Peter na nagpunta sa kusina ng kubo niya. Nagsimula siyang mag-asikaso sa lababo. “Si Pet—ra. Si Petra po. ‘Yung kaibigan namin ni Elle.” Muntik na naman akong madulas! Mabuti at naalala ko ang pangalang ibinigay ko kay Peter noon.
“Ayos ba ‘yan? Baka mamaya kung anu-ano nang tinuturo sa ‘yo,” paniniguro ni mama. Napalunok naman ako nang mapatingin kay Peter na may dala ngayong kape, naglalakad palapit sa akin. Naalala ko ang pag-uusap namin kanina tungkol sa porn at napapikit ng mariin. “Diyos ko! Anong tinuturo sa ‘yo ng Petrang ‘yan?!” sigaw ni mama kaya napahawak ako sa dibdib.
“Ay wala ma! Nagma-marathon lang kami! Movie marathon!” paglilinaw ko. Nakalimutan kong video call nga pala ito kaya kita ang facial expression ko. Pagtingin ko tuloy kay Peter ay nagpipigil siya ng ngiti habang umiiling. Nilapag niya ang hawak na baso sa lamesita malapit sa akin. “Ayos naman po si Petra.”
Bumalik si Peter sa kusina. Sumandal siya sa lababo at nanatiling nakatingin sa direksyon ko habang umiinom ng kape. Nakatitig tuloy ako sa kanya nang sagutin ang tanong ni mama ng mas maayos.
“Kanina nga siya ‘yung uminom ng alak para sa ‘kin. Hindi rin siya nagalit nung naging clumsy ako. Nandyan siya lagi para sa akin at ramdam kong mahalaga sa kanya ang kaligayahan ko.” Punong-puno ang puso ko nang sabihin ko lahat ng ito tungkol kay Peter. Kulang pa nga ito sa lahat ng mga magagandng bagay na nagawa niya para sa akin sa sandaling panahong nagkasama kami sa isla.
Napabuntong-hininga ng malakas si mama, “Mabuti naman kung ganuon. At least mabawasan man lang ang pag-aalala namin ng tatay mo sa ‘yo.”
“Opo. ‘Wag na kayong mag-alala. Ayos naman po ako rito. Ligtas at masaya po ako ngayon,” sabi ko pa habang ‘di nababali ang makahulugang tingin namin ni Peter sa isa’t isa.