Matagal-tagal na rin mula noong huling beses akong nagsimba. Hindi ko maipaliwanag pero may kaba sa dibdib ko paglabas ng kubo nina Aling Dolores. Ngunit may pag-aalinlangan man, nagdesisyon akong tumuloy dahil tingin ko kailangan ko nang magkaroon ng heart-to-heart talk sa Kanya. Bukod pa rito, naalala ko ang personal na pag-aya ni Peter sa ‘kin kagabi. Bumalik sa isip ko lahat ng mga nangyari mula inuman hanggang sa loob ng kubo niya.
Let’s forget about our past and start over again…
Alam kong hindi perpekto ang kubong ‘to. Pero susubukan kong punuin ito ng mga bagay na magpapasaya sa ‘yo sa bawat araw…
Naglalakad na ako papuntang chapel nang mapatakip ako ng mukha gamit ang dalawang kamay. Pinigilan ko ang pagtili; hindi pa rin maitago ang kilig. Kaya nga umalis na rin ako kagabi kasabay ng iba para maitago ito. Ayon lang ay sina Aling Dolores naman ang naabala ko matapos makatabig ng gamit dahil sa pagpadyak.
Ganito na lang ang kilig at saya ko ngayon dahil mukhang safe nang isipin na may gusto si Peter sa ‘kin. Even though there wasn’t a direct confession yet, I could feel what he meant loud and clear. Peter wants me to stay in this island... with him. And he doesn't want me to feel trapped, not like before.
“I doubt your small hands can hide you, but nice try.”
Binaba ko agad ang mga kamay ko nang makarinig ng komento out of nowhere. “May muta lang,” wala sa loob na dahilan ko. Pagkakita kay Peter ay hinigit ko ang hininga ko. Lalong bumilis at lumakas ang t***k ng puso ko. Malay ko bang dadaan pa siya kina Aling Dolores imbes na dumiretso sa chapel. Binilisan ko na lang tuloy ang paglakad habang ramdam ko ang pagsunod niya sa ‘kin.
“Grabeng muta ‘yan. Buong mukha?” pang-aasar pa ni Peter na ‘di ko inasahan. Tuloy ay napapikit ako nang mariin sabay sadsad ng suot na tsinelas papalikod. Natawa lang siya nang malagyan ng buhangin ang paa niya. Imbes na manatili sa likod ko’y tinabihan niya ako at sinabayan ng lakad. Nangiti na lang ako nang wala na siyang sinabi pa.
Pagdating sa chapel ay tahimik lang kaming dalawa. Dumiretso kami sa bandang harapan kung saan marami pang bakanteng pwesto. Hindi tulad noong huling kita ko sa chapel, inayos nila ito para sa misa ngayong araw. Nagkaroon ng malaking krus sa harapan at lamesa. May iba pang dekorasyon at mas luminis din. Sinong mag-aakalang may chapel sa maliit na islang ‘to?
Hindi ko naman napigilan ang sarili tingnan si Peter habang nakaupo at naghihintay. Kaya napansin kong mas maaliwalas ang mukha niya ngayon, hindi tulad ng madalas niyang awra. Siguro ay maganda ang tulog niya—
“Pag-uwi mo na ‘ko titigan,” biglang saad ni Peter na may nanunukso pa ring tono.
“Asa ka naman. May pogi lang sa tabi mo,” pagsisinungaling ko kaya napatingin siya agad sa tabi niya. Napahagikgik naman ako at pagbaling niya sa ‘kin, tinapat ko ang nakabukang hinlalaki at hintuturo sa ilalim ng baba, pogi sign!
“Ang corny mo,” aniya pero nang ibalik ang tingin sa harapan ay umangat ang isang dulo ng labi niya. Tumikhim siya para pagtakpan ito. Kunwari pa siyang hindi apektado.
Hindi rin nagtagal ay nakumpleto ang lahat ng mga taga isla sa chapel. May dumating na pari at nagsimula na ang misa. Mabuti at maayos naman ang lahat. Nakikisabay ako sa iba sa tuwing tumatayo, umuupo, sumasagot at kumakanta sila.
Sa kalagitnaan ng misa, narinig ko ang pamilyar na kanta sa simbahan pero medyo nag-loading pa. Nang makita ko ang iba na nagtaas ng mga nakabukang palad ay tsaka ko nakuhang Ama Namin na.
“… sambahin ang ngalan mo…”
Itataas ko na ang kamay ko nang hawakan ito ni Peter. Nanlaki tuloy ang mga mata ko paglingon sa kanya. Pero parang tingin niya’y normal lang na magkahawak-kamay kami sa ere. Tumingin ako sa iba pero kanya-kanya lang sila ng taas ng mga kamay. Ang alam ko’y hindi na ito isinasagawa pa ng maraming tao kaya hindi ko alam kung bakit kailangan pa niya itong gawin.
Gusto ko rin namang hawakan ang kamay niya kaya pinagdikit ko na lang ang labi ko at ‘di na nagprotesta pa. Sinubukan kong maging confident tungkol sa bagay na ito. Baka kasi tulad ko, gusto lang din niyang hawakan ang kamay ko.
If he's going to do what he wants, then I might as well do the same, without worrying too much about what others think.
“Peace be with you,” sabi ng lahat.
Una kong hinarap si Peter. At akmang magsasalita na siya nang lumapit ako sa kanya at tumingkayad. Nilapit ko ang mukha sa kanyang tainga hanggang sa magdikit ang pisngi namin. “Peace be with you, Tart,” bulong ko bago humiwalay.
Hindi na siya nakapagsalita pa. Binalik niya ang tingin sa harapan habang namumula ang tainga. Siya ang nagsimula pero siya ngayon ang natameme.
***
Pagkatapos ng misa ay nagyaya sina Aling Dolores na mananghalian sa kanilang kubo. Ngayong araw na rin kasi ang alis ni Nikolai kaya gusto nilang maging masarap ang tanghalian nito. Sumama na rin dito ang ilan sa mga kaibigan ni Peter na nakainuman namin kagabi.
May naka-setup na lamesa sa tapat ng kubo. At dahil marami nang nag-aasikaso rito ay hindi na ako nakisali pa. Dumistansya ako at tumayo kung saan tanaw ko ang malawak na dagat. Pumikit ako sandali at ninamnam ang sariwang hangin. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon pagkatapos makapag-isip nang mabuti kagabi.
“So, Briar… how did you meet my brother?”
Nakarinig ako ng tanong at pagtingin ko sa tabi ko’y nakatayo na si Nikolai. Nakatanaw din siya sa malayo tulad ko.
Sasabihin ko ba sa kanyang kinidnap ako ng kapatid niya dahil akala nito ako si Elle? Kung hindi, dapat ko rin bang gamitin sa kanya ang kasinungalingang pinaalam namin ni Peter sa buong isla tungkol sa pagiging mag-asawa namin?
Nanatiling tikom ang bibig ko dahil wala akong ideya kung anong alam niya. Mas maganda kung si Peter mismo ang kakausapin niya tungkol sa bagay na ‘to.
Mukhang nahalata agad ni Nikolai na nahirapan akong sagutin siya kaya muli siyang nagsalita, "If it's complicated, I get it. It's impressive you stood by him despite how you two first met. I know it's not easy, especially with him isolating himself on this island."
Nakahinga ako kahit papaano dahil ‘di niya ako pinilit sagutin ang tanong niya. Pero napaisip naman ako sa kanyang huling sinabi.
“Bakit ba ayaw niyang umalis sa islang ‘to?” tanong ko kahit alam kong malabong sagutin niya. Hanggang ngayon, ito pa rin ang isa sa mga bagay na palaisipan sa ‘kin tungkol kay Peter.
Tipid na ngumiti si Nikolai. "It seems he hasn't opened up to you yet. It's not unusual. I doubt he's shared much about his life with anyone. But sticking by him is already a major step forward."
Nagsalubong ang kilay ko dahil tama siya. Kahit si Elle na matagal nang nakasama si Peter, parang hindi ganuon kalalim ang pagkakakilala rito. Tinanong ko na rin kasi si Elle at tingin ko wala naman nang dahilan para magsinungaling pa siya.
All she knew was he was a local on the island who didn't really like the idea of living in the city or anywhere else in the world. Bukod pa rito’y malayo ang loob ni Peter sa kanyang pamilya. Siguro nga wala pang ideya si Elle tungkol kay Nikolai. Napaka-mysterious naman kasi ni Peter.
“Have you received a love confession from him?” tanong pa ni Nikolai na ikinabigla ko. Naubo tuloy ako. “Well… I guess not. Kung gusto mo siyang mapaamin, kailangan mong kumilos.”
Hinawakan niya ako bigla sa braso at hinigit palapit sa kanya. Wala akong nagawa nang ilapit niya ang bibig sa tainga ko at bumulong. “Make him so afraid of losing you that he'd completely lose it."
Nakita ko nang magalit at matakot si Peter. Pero parang nakakatakot naman ang gustong mangyari—
“Nikolai!” umalingawngaw sa isla ang sigaw ni Peter.
Pagtingin ko kay Nikolai ay ngumisi ito sabay taas ng kilay. Tumingin kami sa direksyon ng kubo at dito nakita ang matalim na tingin ni Peter sa direksyon namin.
"You want to see him lose his mind over you, right?" tanong pa ni Nikolai. Bago marinig ang sagot ko’y naglakad na siya pabalik sa kubo. Sumunod naman ako sa kanya pero nang makalapit na’y nabigla sa kanyang sinabi sa kapatid. “Inaaya ko lang si Briar. Baka gusto niyang sumama pauwi.”
Nalaglag ang panga ko. Nagulat din ang ibang tao sa isla dahil alam nga nilang mag-asawa kami ni Peter.
Ilang segundo rin ang lumipas bago tumawa si Nikolai. Wala siyang sinabing joke lang ito pero nakitawa kaming lahat – pwera kay Peter na parang gustong lagyan ng lason ang pagkain niya.
***
“Nasaan pala ang pamilya mo, Briar?” tanong ni Lorenz habang nanananghalian kaming lahat. Hindi lang ako masyadong makakilos sa pwesto ko dahil pinapagitnaan ako nina Peter at Nikolai. Ang awkward lang ng sitwasyon kahit itinawa lang namin ang pag-aaya ni Nikolai kanina.
Binukas-sara ko ang mga mata bago sumagot, "Nasa probinsya namin."
"Buti hindi ka sinamahan dito? Ayos lang sa kanilang malayo ka?" follow-up question pa ng isa.
Hindi pa rin alam ng mga magulang ko ang tungkol sa amin ni Peter. Kapag nalaman nila na hindi ako nandito para sa trabaho, patay talaga ako.
"Oo naman. Strong independent woman daw ako," tumawa ako ng mahina. Dati ay ayaw ko pa talagang iwan ang mga magulang ko. Kaya nga sa probinsya rin ako naghanap ng unang trabaho. Pero noong nakakuha ako ng permiso mula sa kanila na lumabas sa comfort zone ko, nagkaroon ako ng lakas ng loob na gawin ang gusto ko.
"Parang gusto ko na rin tuloy mag stay dito sa isla,” singit ni Nikolai; animo may halong pagsisisi ang pag-alis.
“Hindi na tumatanggap ng residente rito,” balik ni Peter na muntik nang magpatawa sa ‘kin. Ang cute niya kasing mainis pagdating sa kapatid.
"Try mo. Si Briar nga ang swerte. Bigla na lang sumulpot – residente na, hindi pa kailangang magtrabaho,” pag-engganyo ni Lorraine na para bang patama sa akin.
"Magtatrabaho rin ako," taas-noong saad ko. Sa gilid ng mga mata ko’y nakita kong natigilan sa pagsubo si Peter.
“Ano bang trabaho mo sa Maynila?” pag-usisa naman ni Reese.
Umawang ang labi ko. Sasabihin ko sana ang boring kong trabaho pero naalala kong ako si Briar. I can be whoever I want now. “Digital marketing specialist at Stellar Communications,” proud kong sagot. Wala namang makakaalam na ito lang ang pangarap kong trabaho at kumpanya.
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha ng lahat. Maging si Nikolai ay binalingan ng tingin si Peter at siniko pa. Malamang ay pamilyar sila sa kumpanyang ito kahit sa isla pa sila nakatira. Paano’y halos lahat gumagamit ng smartphone na gawa ng Stellar.
May itatanong pa sana si Reese nang biglang tumayo si Peter. Napatingin tuloy lahat sa kanya. “Kailangan nang umalis ni Nikolai,” sabi niya kaya tuloy nasamid si Nikolai sa pagsubo ng malaki. Wala siyang choice kung hindi sumunod kay Peter nang maglakad ito papalayo. Nagmadali na rin siyang magpaalam sa lahat.
Napaisip naman ako kung bakit parang nagbago nag timpla ng mukha ni Peter.
“Saan ka magtatrabaho, iha?” tanong ni Aling Dolores at dito ako tipid na ngumiti. Huminga ako nang malalim sabay tingin sa lahat.
"Ayun na nga ho. Baka pwede niyo po akong tulungan sa bagay na ‘yan. Pwede ko po bang malaman kung anong job openings dito sa isla?"
Syempre ay hindi naman pwedeng habambuhay akong jobless sa islang ito.