Chapter 28 (Part 2)

1911 Words
Nagulat ako nang sa loob lang ng isang araw ay nabalikan agad ako nina Aling Dolores. Ang sabi niya’y puntahan ko lang si Mang Ambo sa bangka nitong nakaparada sa pampang ngayong hapon. Ito raw ang makakapagbigay ng trabaho sa ‘kin dito sa isla. Sabi ko naman kasi ay nakahanda akong gawin kahit ano. Nakahanda rin akong matuto. Pinuntahan ko naman agad si Mang Ambo dala ang mga prutas at gulay na pinapaabot ni Aling Dolores sa kanya. Dahil walang mapaglagyan ay dinala ko ito gamit ang bag ko. Inalis ko muna ang mga gamit ko at iniwan sa kubo. At dahil malapit na sa kubo nina Aling Dolores ang pampang ay mabilis lang akong nakarating dito. Malayo pa lang ay tanaw ko na ang mga nakaparadang bangka. May mga numero ito at hinanap ko ‘yung may number 1. Madali ko namang nakita ang bangkang ito dahil nandito si Peter. Mukhang kakabalik lang niya galing sa paghatid kay Nikolai sa kabilang isla. Nang mapunta ang tingin niya sa direksyon ko’y agad akong kumaway sa kanya. Ayon lang ay tila nagdilim ang awra ni Peter. Nasuklian ng malamig na titig ang saya ko. Parang hindi siya masayang makita ako. Hindi ko tuloy alam kung may mali ba akong nasabi nung tanghalian o kung nagbago ba agad ang nararamdaman niya para sa ‘kin. Huminto ako sa paglalakad nang kaunti na lang ang layo ko sa bangka. Nakita kong bukod kay Peter ay may sakay pa itong ibang tao. Hindi ko alam kung sino sa mga lalaki si Mang Ambo. Hindi na rin ako nabigyan pa ng pagkakataong alamin ito dahil bumaba si Peter at tumayo sa harapan ko. Tatanungin ko sana siya nang maunahan niya ‘ko. “Wala ng bangka papunta sa kabilang isla,” matabang na balita ni Peter kahit na ‘di ko naman tinatanong. Natigilan tuloy ako sandali; napaisip kung ano nga ba ulit ang ipinunta ko rito. Hanggang sa bumaba rin ‘yung lalaking siguro’y kasing tanda lang ni Mang Cardo ngunit puno ng lukot ang mukha. “Anong wala, Pete? Hindi ba’t babalik pa tayo roon para kuhanin ang ibang paninda?” tanong nito na ‘di ko alam kung na-overlook lang ba ni Peter. “Kayo ho si Mang Ambo?” pagkumpirma ko dahil siya lang ang matandang lalaki sa bangka. Tumingin naman siya sa ‘kin na para bang hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Ilang segundo pa’y tumango rin siya ng isa. Natuwa naman ako at nagmadaling kuhanin ang bag ko sa likuran. Ibibigay ko lang sana ang pinapaabot ni Aling Dolores nang hawakan bigla ni Peter ang kamay ko. Bago ko pa masabi ang pakay ay hinila na niya ako papalayo ng pampang. Ang bilis niyang maglakad kaya halos mahubad na ang tsinelas ko. “Teka lang. Ano bang problema? Kailangan kong makausap si Mang—” “Akala ko ba gusto mo ang islang ‘to?” pagputol niya sa ‘kin. Nahinto kami sa mabatong parte papuntang chapel. “Oo nga—” “Pero hindi pa rin ito sapat ganuon ba?” Kumunot ang noo ko dahil hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Posible kayang may sinabi si Nikolai sa kanya? Para kasing takot na takot siya. Akala ko nalagpasan na namin ang ganitong tagpo. Nanahimik na lang muna ako at hinayaan siyang ilabas lahat ng gusto niyang sabihin. “Hindi ka pa talaga natututong lumangoy— tuturuan pa kitang mag-surf at deep dive. Marami pang magagandang bagay sa islang ‘to na ‘di mo nasusubukan. Hindi ba pwedeng dito ka muna? Kahit isang buwan… o isang Linggo… o kahit isang araw pa.” Hindi niya malaman kung ano talaga ang gustong hingin mula sa akin. Napasabunot siya sa kanyang buhok sa sobrang frustration. Tumalikod siya sa akin at dito ko narinig ang malutong niyang mura at malakas na buntong-hininga. Para bang sinisisi niya ang sarili sa nangyayari. May kirot man sa dibdib, tipid akong ngumiti habang pinagmamasdan siya. Nakuha ko na kasi ngayon kung anong nangyayari. Loko-loko rin talaga si Nikolai at mukhang tinakot siya. “Kaya ba ng isang araw lahat ng mga sinabi mo?” tanong ko kay Peter patungkol sa mga sinabi niya. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga bago siya umiling. “E isang Linggo?” tanong ko pa. “Kung isang taon ang kailangan, payag ka?” tanong din ang ibinalik niya sa pagkakataong ito. Humarap siya sa ‘kin, kita ko ang pagdepina ng ugat sa kanyang noo at leeg, animo nagpipigil ng sobrang emosyon. “Hindi,” mariin kong sagot. Dito namula ang mga mata ni Peter. Napatingin siya sa langit na para bang may tinatanaw na kung ano. Hindi ko kayang makita siyang ganito kaya nilinaw ko na agad sa kanya ang lahat. “Hindi ako payag kung isang taon lang dahil balak kong tumira rito kasama ka. Ang boring naman kung sa bahay lang ako parati ‘di ba?” Nakita ko ang dahan-dahang pagbabago ng ekspresyon ng kanyang mukha. At nang mukhang nakuha na ang ibig kong sabihin ay nagawa niya ‘kong tingnan ulit. Nagkaroon ng mumunting pag-asa ang mga mata niya. “Hindi ka na aalis?” mahina niyang tanong; animo nagdududa pa. “Hindi naman talaga ako aalis. Inasar ka lang ni Nikolai,” pagtama ko sa maling akala niya. Inihilamos naman niya ang dalawang kamay sa mukha. Hindi ko alam kung naiiyak ba sa saya. “Nasa buong mukha rin ‘yung muta mo?” paggaya ko sa pang-aasar niya kaninang umaga at dito ko narinig ang magkahalong singhot at tawa niya. Hindi ko inasahan nang lapitan niya ako at yakapin nang mahigpit. Naestatwa tuloy ako sandali bago siya nayakap pabalik. Malaking bigat ang nawala sa dibdib ko ngayong maayos na kami. “Teka. Kung ‘di ka aalis, bakit may dala kang bag? Tsaka bakit gusto mong kausapin si Mang Ambo?” Magkasunod na tanong ni Peter nang humiwalay sa ‘kin. Naiiling kong ipinakita sa kanya ang lamang gulay at prutas ng bag ko. “Pinapabigay lang ni Aling Dolores.” Natawa tuloy si Peter sa sariling kabaliwan. At dahil minsan lang siya matawa ay nagaya rin ako. Hinawakan ko ang braso niya at dito siya inayang bumalik. Mabuti at naabutan pa namin si Mang Ambo sa pampang. Wala namang nagbago sa seryosong ekspresyon ng mukha nito nang makaharap kami. Hindi rin siya nangiti sa ibinigay naming pagkain. Gusto ko sanang baguhin muna ang mood nito bago sabihin ang kailangan ko pero mukhang wala na ‘kong choice ngayon. “Salamat kamo. May kailangan ka pa? May trabaho pa kami.” “Baka may trabaho rin po kayo para sa ‘kin! Gusto kong tulungang maghanap-buhay ang asawa ko,” may kalakasang saad ko at dito sila nagkatinginan ni Peter. Sa unang pagkakataon ay nangiti si Mang Ambo. “Hindi nga ordinaryo ang misis mo, Pete.” Nagulat ako dahil ngayon ko lang narinig na hindi ako ordinaryo. Pinaningkitan ko naman si Peter. Hindi ko kasi alam kung magandang bagay ba ang ibig niyang sabihin sa ordinaryo. “Seryoso kang gusto mong magtrabaho rito sa isla?” Hindi makapaniwalang tanong ni Peter. Mukhang akala talaga niya ay magagawa ko siyang iwan. “Oo nga. Seryoso ako. Kahit ano pa ‘yan, kaya ko. Kakayanin ko,” puno ng determinasyong sagot ko. At nang akala ko ay may hihingin sa ‘king resume, diploma, at kung anu-ano pang requirements. Isang tanong lang ang narinig ko galing kay Mang Ambo. "Kaya mong magbuhat?" "May edad na ang mga magulang ko kaya ako talaga ang nagbubuhat sa bahay," mabilis kong sagot na hindi ko alam kung sapat na ba. “Kaya niyang magbuhat?” tanong pa ulit ni Mang Ambo pero kay Peter na siya nakatingin. Hindi ko alam pero parang humihingi rin siya ng permiso rito. Tumango ng isa si Peter bago sumagot, “Akong magbubuhat ng ‘di niya kaya.” "Sige. Pwede ka nang magsimula ngayong araw. Tumulong ka sa pagtitinda rito sa isla natin at pati sa paghango ng mga produkto sa kabilang isla kasama ang asawa mo." Lumawak ang ngiti sa labi ko dahil tanggap agad ako! Akala ko ay pahihirapan pa ako dahil ano namang alam ko sa trabaho nila. Mabuti na lang din pala at kasama ko si Peter kaya naging madali lang ito. Sumakay na kaming lahat sa bangka matapos maibaba ang unang batch ng hinango nila sa kabilang isla. At nang umandar na ito, habang nakatanaw ako sa malayo ay napansin ko ang pagtitig ni Peter sa tabi ko. "Bakit ganyan ka makatingin? Tingin mo ba hindi ko kaya?" Tinutukoy ko ang trabaho. Umiling naman siya. "Sigurado akong kaya mo. It's just that... you always manage to surprise me. Just when I think I've got you all figured out." “Well… kahit ako nagugulat sa mga kaya ko palang gawin kay masanay ka na,” sabi ko naman dahil lahat ng mga desisyon ko ngayon ay taliwas sa mga desisyon ko noon sa buhay. Oo’t nakakatakot at nakakapanibago, pero may kakaibang saya akong nararamdaman ngayon. “Are you sure you won’t regret this?” tanong pa ni Peter na para bang may iba pa siyang gustong malaman. Hindi ko alam kung may ideya ba siya sa oportunidad na pinalagpas ko para manatili sa isla kasama siya. “I’ve never been this certain in my life,” sagot ko sabay sandal sa kanya. Ang kumportable lang ng pwesto ko kaya lalong naging payapa ang pagpunta namin sa kabilang isla. Some people spend their whole lives, maybe even longer, trying to figure out what they really want. And I feel incredibly fortunate that I discovered mine so early, and in such an unexpected and special way. *** Oo’t pinili kong manatili rito sa Cole’s Cove imbes na tanggapin ang job offer ng Stellar. May nakapagsabi kasi sa akin noon na kung iisipin ko ng iisipin ang ex ko sa bawat desisyon ko sa buhay, hindi ako makakausad. I was so excited about Stellar Communications, mainly because of Kyle. It was his dream company, and it felt like a challenge to get in, especially when he didn't think I could. Plus, the idea of working closely with him was really appealing. But when it came down to it, I realized there wasn't enough personal motivation for me to choose that job over staying here on this island with Peter. Pagdating sa kabilang isla ay nabigla ako sa laki nito kumpara sa Cole’s Cove. Marami ring turista rito at higit na kapansin-pansin ang mga foreigners. "Bakit pala walang ganitong bisita sa isla natin?" bulong ko kay Peter habang pababa ng bangka. "Cole’s Cove is a private island. Bukod sa mga kasalukuyang residente at mga kakilala, hindi pwede ang turista rito.” Bumilog ang bibig ko sa paliwanag niya. Ngayon ko lang kasi nalaman ang tungkol dito. Mukhang kailangan pa talagang mas kilalanin ang bagong tirahan ko. “Sayang naman. Ayaw pagkakitaan ng may-ari ‘yung isla pero ginagastusan niya ng bongga,” komento ko pa. Kukuha sana ako ng gamit para buhatin pababa nang abutan niya ako ng magaan-gaan. “Maybe the owner thinks there's more to life than just chasing after money,” sabi naman ni Peter na nauna mang bumaba ng bangka ay binalikan naman ako para alalayan. Paglahad niya ng kamay sa harapan ko ay sandali kaming napatitig sa mga mata ng isa’t isa. Hindi ko naitago ang kilig ko sa pagkakataong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD