IRIS: NAPAPANGISI AKO dito na feeling close friend kaagad at napakagaan kung makipagusap sa akin. "So, may I know your beautiful name?" napataaskilay akong tinapunan saglit ng sulyap ang kamay nitong nakalahad at humalukipkip na ikinatawa nitong napakamot sa batok. "Iris" simpleng sagot ko. Natigilan ito pero kalauna'y napangiti at tango din na nagsalin ng shot namin. "Nice to meet you, Iris. Cheers!" napangiti akong dinampot ang shot ko at nakipag-toss dito ng baso. "Cheers" mariin akong napapikit na muling humagod sa lalamunan ko ang init at swabeng pait ng alak. Pero dahil sa pinagdadaanan ko ngayon ay parang ang hirap namang tumalab sa akin ang tama nito. "So, what are you doing here Iris?" casual nitong tanong na sumisipsip ng sliced lemon. Napailing akong mapait na ngumiti.

