IRIS: EXCITED AKONG nag-book ng flight palipad ng US kung saan nakatira si Liam Johnson. Ang fiancee ko. Kahit arrange-marriage lang ang magaganap sa amin dahil sa business connection ng aming pamilya ay natuunan ko naman na itong mahalin kahit na ba LDR ang relasyon namin sa loob ng apat na taon! Sixteen kami pareho nang ma-engaged kami at hindi na tumutol dahil unang kita pa lang namin sa isa't-isa ay ramdam namin ang connection sa aming dalawa. Graduating na rin ito kaya naman napaka-busy ng schedule nitong halos hindi na ako magawang i-message. Bagay na hindi naman niya gawain dati. Na ultimo ang anniversary namin ngayong araw ay hindi na nito naalala. Napapabuga ako ng hangin para maibsan ang kabang naghahari sa puso ko habang nakatayo dito sa labas ng penthouse nito sa Hera Palac

