Chapter 12

1375 Words
Naabutan ko sina Rajah at Samantha na masayang nag-uusap. Napansin ko ang bagong ayos na bulaklak sa vase at mga preskong prutas sa ibabaw ng mesa. Simula nang pormal ko silang ipakilala sa isa’t isa, naging madalas na rin ang pagdalaw ni Rajah kay Samantha. Lalo pa silang naging malapit nang malaman ni Rajah ang kondisyon ni Samantha. Parang siya na ang naging proxy ko. Kapag abala ako sa trabaho, siya na ang pumupuno sa presensya ko, laging nandoon para dalawin at pasayahin si Samantha. Totoo nga ang sinabi ni Samantha na mag-isa na lamang siya sa buhay. Sa loob ng mahigit dalawang buwan niyang pamamalagi dito sa hospital, wala ni isa mang kamag-anak, kaibigan o kakilala na dumalaw sa kanya. "Mukhang masaya ang pinag-uusapan niyo ah," komento ko. Lumapit ako kay Samantha. Pinakinggan ang t***k ng puso niya at tiningnan ang pulso. Ngumiti ako nang malamang normal naman lahat. "Nabigyan ka na ba ng nurse ng gamot mo ngayon?" "Yes doktora," ngiti ni Samantha. “Ate, pinag-uusapan namin yung tungkol sa paborito kong K-pop group,” sabat ni Rajah na puno ng sigla. “Mahilig din kasi dati sa K-pop si Samantha!” "Dati? Which means hindi na siya mahilig ngayon. That's a good sign of growing up Samantha," I remarked. "Ate naman! Hindi sukatan yan ng maturity ng tao," kontra agad ni Rajah. "Oo nga doktora. Kaya lang naman nawala ang atensiyon ko sa K-pop dahil nga nagkaroon ako ng sunud-sunod na problema," pagsuporta ni Samantha. "O siya ako na ang mali," kibit balikat na wika ko. "It's two against one, may magagawa pa ba ako." Nagkatawanan sila, at hindi ko maiwasang ngumiti rin. "Ay doktora may ipapakita po ako sa inyo!" May inilabas si Samantha mula sa ilalim ng unan. "Tsaran! Tapos na po sya!" Napanganga ako sa gulat at paghanga nang makita ko ang pulang cardigan. Sa gitna ng mga check-up, gamutan, at pagod, hindi ko maisip kung paano pa niya nagawang matapos iyon.“Wow, it’s beautiful,” bulalas ko habang hinahaplos ang makinis at maayos na pagkakagawa. “Can I have it now?” tanong ko, halos parang bata sa sabik. She shook her head gently, clutching the cardigan to her chest with a playful pout. “Ilalagay ko po muna sa magandang box. At siyempre, meron pa po akong note na may magandang message dapat.” Napatawa ako at kunwaring napabuntong-hininga. “O sige na nga,” sabi ko na may halong biro at paghihinayang. “Hintayin ko na lang. Pero make sure ha, dapat memorable ang message mo. I’ll be expecting it.” “Promise po,” nakangiting sagot niya habang inayos ang cardigan sa ibabaw ng kanyang kumot, parang isang mahalagang kayamanan. "Iwanan ko na kayo. I have a surgery in a while," malugod na sabi ko. "Ay oo nga pala narinig ko sa mga nurses na ooperahan niyo daw ngayon si Senator Hidalgo," Samantha said. "Yes," ngiti ko. "Galingan mo ate ha. Si Senator Hidalgo yan. If you did well, I'm sure he'll say good words about you," ani Rajah. "Of course. Your sister always do a great job," proud kong sagot. "Hoy Rajah bawasan mo ang chika baka mapagod si Samantha," bilin ko bago umalis. "Paalis na rin ako ate maya-maya," pahabol na sagot niya. Sa hallway ay nakasalubong ko si Dr. Nicolas. "Good luck sa surgery mo kay Senator Hidalgo," bati niya, may bahid ng pag-aalalang hindi maitago sa tinig. "Thank you," tipid kong tugon habang nagpatuloy sa paglalakad. "Alam kong malaki ang pressure, pero kung may isang taong kakayanin 'yan, ikaw 'yon," pahabol niya. Napatingin ako sa kanya at bahagyang ngumiti. "Salamat, Doc. I needed to hear that." Tumango siya. "I'll cover for any post-op updates habang nasa OR ka. Focus ka lang sa pasyente." "Noted. I appreciate it," sagot ko bago muling humakbang. Successful ang naging operasyon ko kay Senator Hidalgo. Maraming baradong vessels kaya inabot ako ng halos limang oras. Paglabas ko ay ramdam ko ang pamamanhid sa batok at balikat, parang bibigay na ang katawan ko sa pagod. Nag-iinat-inat pa ako nang leeg nang makita ko ang isang nurse na nakatayo sa labas ng OR. Mukhang kanina pa ito naghihintay. I saw urgency in her eyes. Agad akong kinabahan. "Dr. Salazar, yung pasyente niyong si Samantha. Nasa delivery room na po! Manganganak na!" Biglang nawala ang anumang pagod na nararamdaman ko. Parang may humila sa buo kong katawan, at sa isang iglap ay nasa delivery room na ako. Hindi pa siya due... Too early. Baka hindi pa handa ang katawan niya. At ang puso niya... Hindi ko na kayang tapusin sa isip ko ang mga maaaring mangyari. Pagdating ko sa delivery room. Pinapaere na siya ni Dr. Sanchez. Nandoon din si Dr. Nicolas. Nakastand-by. Tarantang lumapit ako kay Samantha. Hinawakan ko ang kanyang palad. "You can do it Samantha," nininerbiyos na wika ko as I watch the vital monitor. Everything is normal sana magtuloy-tuloy lang. "Ere pa Samantha," muling utos ni Dr. Sanchez. Umere ng malakas si Samantha habang ubod ng higpit ang pagkakahawak nito sa aking kamay. Maya't maya lang ay narinig ko na ang isang malakas na iyak ng sanggol. Naluluhang napangiti ako. Pagod na inilapat ni Samantha ang likod sa kama, at dahan-dahan niyang ipinaling ang mukha sa akin. Ngumiti siya...mahina, mapayapa. "Your baby is alive," mangiyak-ngiyak kong ibinalita. Nanghihina man, sinenyasan niya ako na lumapit. Lumapit ako agad. Inilapit ko ang tainga ko sa kanyang bibig. "F-Franco C-Cael Alonzo..." Napakunot-noo ako. Franco Cael Alonzo? Ngunit bago ko pa siya muling matanong, bigla siyang napapikit. Nawala ang ngiti sa kanyang labi. Tumunog ang monitor. Isang tunog na ayaw marinig ng sinumang doktor. Beeeeeeeeep... Nanginig ako. Napako ang mga mata ko sa monitor habang unti-unting nagiging pantay ang linya ng pintig ng puso niya. She's having cardiac arrest. "Code Blue!" sigaw ni Dr. Nicolas. Bigla akong natauhan. Wala akong sinayang na oras. Mabilis kong inakyat ang higaan. I performed CPR with my hands. Bawat pagdiin ay may kasamang dasal na bumalik siya sa amin. Ilang segundo lamang ay inabot sa akin ni Dr. Nicolas and defibrillator. “Clear!” sigaw ko bago ko siya sinagasa ng kuryente. Walang epekto. Sinubukan ko ulit. CPR. Isa pa. Then another shock. Paulit-ulit. Nanginginig na ang mga kamay ko. Bumibigat na ang dibdib ko. “Samantha…” bulong ko habang pinipilit siyang ibalik. “Don't leave. Kailangan ka ng anak mo." Pero nanatiling diretso ang linya sa monitor. Walang pintig. Walang senyas ng pagbabalik. Sa bawat segundo ng katahimikan, hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa. Hanggang sa pinigilan na ni Dr. Nicolas ang aking mga kamay. "That's enough Dr. Salazar. Samantha is gone," mahinang saad niya. Nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. Nanginginig ang labi ko habang unti-unting namumuo ang mga luha sa aking mga mata. Umiling ako. "No... she's not dead yet. There's still hope," halos pabulong pero desperado kong sagot. "I'll perform a surgery." Wala sa sarili, mabilis akong bumaba mula sa delivery bed at naghanap ng mga gamit. Kumakabog ang dibdib ko, pinipilit labanan ang malinaw na reyalidad. "Please stop, Dr. Salazar!" sigaw ni Dr. Nicolas. Niyapos niya ako nang mahigpit, pilit pinapakalma. Isinasalba mula sa sarili kong pagkawasak. "Samantha is dead!" "No she's not dead yet!" Pagtanggi ko pa rin sa reyalidad. Pero dumagundong sa loob ng delivery room ang boses ni Dr. Sanchez, tahimik ngunit parang kidlat sa puso ko. "Time of death... 4:43 PM." Mistulang may sumabog sa loob ko. Tumakbo ako patungo kay Samantha. Niyakap ko siya nang mahigpit. Banayad kong hinaplos ng paulit-ulit ang kanyang pisngi habang namumuo ang luha sa aking mga mata. "Hey wake up. Audrey is waiting for you..." tahimik na pumatak ang luha sa aking pisngi. "You can't leave her alone. Who will take care of her now." Ilang sandali kong tinitigan ang payapa niyang kagandahan hanggang sa unti-unti ko nang natanggap na wala na nga siya. Nanghina ang tuhod ko at napaluhod sa sahig. Humagulhol ako, parang batang nawawala sa malaking kawalan. Nanginginig. Wasak. Bilang kaibigan. Bilang kapatid. Bilang isang doktor na nabigong iligtas ang isa sa pinakamahalaga niyang pasyente . Sa unang pagkakataon naranasan ko ang pinakamalaking pagkatalo ko sa propesyon.... at sa ikalawang pagkakataon ay naranasan ko ang pinakamasakit na pagkatalo sa puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD