Tulalang pumasok ako sa kuwarto ni Samantha. Halos walang tunog ang hakbang. Nagpalinga-linga sa paligid. Nagpipigil ng luha habang nakatingin sa higaan, sa payapang mga sariwang bulaklak at prutas sa ibabaw ng mesa. I'm still in disbelief na kanina lamang ay puno pa ng ngiti at kwentuhan ang silid na ito. Ngayon ay tahimik. Walang gumagalaw. Parang mismong hangin ay nagluluksa.
Nakita ko ang pulang cardigan sa kama. Nanghihina ang mga paang humakbang ako papalapit sa higaan. Kinuha ko ang damit at niyakap ito nang mahigpit. Muli akong napahagulhol.
"Di ba may pangako ka pang gagawan ako nang magandang message..."
Ilang minuto bago humupa ang aking pag-iyak. Pagkapahid ng luha, nahagip ng mata ko ang kanyang mga gamit sa gilid. Parang tinatawag ako ng mga iyon. Lumapit ako. Binuksan ko ang kanyang traveling bag. Nakalagay roon ang ilang nakatuping mga damit. Naroon din ang kanyang cellphone, wallet at prenatal book. Hinaplos ko ang mga iyon. Isa-isa. Dahan-dahan. Parang bawat hawak ay huling koneksyon sa kanya. Parang bawat bagay ay may kwento, may alaala.
At sa gitna ng katahimikan, napansin ko ang isang nakausling papel sa gitna ng kanyang mga nakatuping damit. Walang sigla ko iyong hinugot.Akala ko'y resibo o kung anuman pero hindi. Napakunot ako, isa itong larawan. Nagulat ako nang makita ang litrato.
Si Samantha at Franco. May dalang cake si Franco habang hinihipan ni Samantha ang kandila. isang ala-ala ng masayang selebrasyon. Bumalik sa ala-ala ko ang ibinulong sa akin ni Samantha bago ito mawalan ng malay.
“F-Franco… C-Cael Alonzo…”
Biglang lumamig ang aking mga palad. Nabitawan ko ang larawan. Nanlaki ang mga mata ko. Napatras ako ng bahagya.
Could it be that Franco is the father of her child?
Umiling ako, pilit tinataboy ang ideya. Franco is not that kind of person. He will never abandon a fragile woman at mas lalong hindi ito tatalikod sa isang responsibilidad.
Biglang sumagi sa isip ko... baka siya ang tinutukoy ni Samantha dati, ang taong tumulong sa kanya. Ang misteryosong taong hindi niya kailanman pinangalanan at ayaw niyang gambalahin. Pero bakit? At paano sila naging konektado sa isa't isa.
Sa gitna ng dalamhati ko, unti-unting nabuhay ang apoy ng tanong. Isang interes na hindi ko inakalang mangibabaw sa sakit.
Natigil ang pag-iisip ko nang may pumasok na isang lalaki kasama ang admission nurse. Pinilit kong burahin ang gulat sa aking mukha.
Mabilis kong ipinasok sa bulsa ng aking lab gown ang litrato. "Who is he?" malamlam na tanong ko sa nurse. Gustuhin ko mang maging kaswal ngunit di ko kayang talunin ang lungkot sa aking dibdib.
Ang lalaki na ang kusang lumapit sa akin. Mga nasa kwarenta ang edad, may katamtamang tangkad at masyadong pormal ang aura. "You must be Dr. Lauren Salazar. I'm Atty. Ruel Nolasco. I'm Ms. Samatha Mercado's attorney."
Para akong nabingi sa narinig ko. Nanlamig ang batok ko. Attorney? Ni minsan ay hindi nabanggit ni Samantha na may abogado siya. What is going on? Why people are suddenly appearing one by one?
Tumikhim ang nurse. "Actually Dr. Salazar, may binigay na calling card sa amin si Samantha. Sabi niya kung sakaling may mangyari sa kanya, ay tawagan daw ang taong iyon. Si Atty. Nolasco po yun." Saglit siyang nag-aatubili bago itinuloy." Kabilin-bilinan po niya na huwag sabihin sa inyo."
Gustuhin ko mang madismaya ay wala na akong magawa. Nandito na ito at hindi ko na kayang dagdagan pa ang nagsisiksikang emosyon sa aking dibdib. "Ano pong atin, attorney?" magalang kong sabi.
"Pwede ka bang makausap ng pribado?"
Tumango ako. Niyaya ko siya sa aking opisina.
Tahimik naming tinahak ang corridor. Sa bawat hakbang, pakiramdam ko ay lalo akong hinihigpitan ng kaba at lungkot. Pagkapasok sa opisina, isinara ko ang pinto. Inalok ko siya ng upo. Nagtungo ako sa aking desk at naupo sa harap niya. Pinili ko pa ring magpakapropesyonal.
"I'm ready to listen attorney," sambit ko.
"Dr. Salazar andito ho ako ngayon para kunin ang bangkay ni Samantha at lahat ng mga naiwan niyang gamit. Ang hiling niya na pag namatay siya ay i-cremate siya," diretsong wika ng abogado.
Nag-alinlangan ako sa aking narinig. "I don't mean to be disrespectful but do you have proof that you're really authorize to claim her body."
Walang pag-aalinlangang pinakita niya sa akin ang isang kasulatan. Pirmado ito ni Samantha at meron ding fingerprint sa tabi ng pirma. Napansin ko ang petsa ng pirma. Nangyari ito bago magpaconfine si Samantha. Muling bumigat ang aking dibdib, bago pala pumasok ng hospital ay pinaghandaan niya na ang kanyang kamatayan.
"Babayaran ko na rin ang bills niya dito sa hospital," dagdag pa ng abogado.
"How did you get the money?" laking taka ko.
"May nakatime deposit na pera si Samantha sa bangko. May iniwan din siyang kasulatan na iwithdraw ko yun kapag namatay siya. At ang sobra sana ay ilalaan niya para sa kanyang anak, sa kasamaang palad ay sapat lamang ito para sa napakalaking bill niya dito sa hospital."
"How did she get that money? Does she have a work?" muling taka ko.
Umiling si attorney nang may payak na ngiti. "I have no idea also. As a client, she never really opened to me her personal or past life. Basta may mga ibinilin lang siya."
"How about her daughter? What's gonna happen to her now?" malungkot kong tanong.
He sighed. "That's the most important thing I want to discuss with you." May kinuha ulit siya sa kanyang folder at inabot sa akin ang isang papel.
Seryoso ko itong binasa.
Ako si Samantha Rivas Mercado, ay kusang loob na nagpapaabot ng aking kagustuhan na kung sakaling ako’y bawian ng buhay, buong puso kong inihahabilin at pinapaampon ang aking anak kay Lauren Jade Salazar. Kung ito man ay kailangan pang idaan sa legal na proseso, nais kong ipabatid na si Lauren Jade Salazar ay isang mabuting tao at ang tanging taong lubos kong pinagkakatiwalaan upang alagaan at palakihin ang aking anak.
Napanganga ako sa aking nabasa. Nabitawan ko ang papel. Hindi ko na nagawang tapusin ang aking binabasa. I was shocked. I never expected this to happen.
"W-Why me?" usal ko.
"She trusted you, Dr. Salazar," aniya.
Unti-unti akong nataranta as the bigger picture entered my mind. “I can’t do this…” bulalas ko, bahagyang nagpapanic. “Hindi ko kayang magpalaki ng bata. Wala nga akong oras para sa sarili ko. Halos buong buhay ko nasa ospital. Paano? Paano ko siya maalagaan?”
Bumilis ang t***k ng puso ko. Ang pagkalito at bigat ng responsibilidad ay tila sabay-sabay bumagsak sa akin. Mistulang isang biglaang bagyong hindi ko napaghandaan.
Napaluhod ang aking mga siko sa mesa at napahilamos ako sa aking mukha. Pilit pinoproseso ang mga nangyayari. Nabuhayan ako ng loob nang biglang may maalala. Muli akong tumingin kay attorney.
"May nabanggit ba sa’yo si Samantha tungkol kay Franco Alonzo?" tanong ko agad, may bahid ng pag-asa sa boses ko.
Napakunot ang noo ng abogado. “Franco Alonzo? Yung aktor?”
"Yes," sagot ko agad, halos mapatalon sa damdaming bumabalot sa akin.
"Wala," iling niya.
Muling bumagsak ang aking mga balikat. "What will happen to the child if I can't keep her?" takot na tanong ko. Nakaramdam ako ng matinding hiya sa aking sarili sa aking nasabi.
Tahimik saglit si Atty. Nolasco bago siya sumagot. “Kung sakaling tumanggi ka, Dr. Salazar, wala tayong ibang pagpipilian kundi ipaubaya ang bata sa pangangalaga ng state child services. Doon siya idadaan sa foster care system habang nilalakad ang legal na proseso ng pag-aampon.”
Napakagat ako sa labi. Hindi ko lubos maisip ang maliit na sanggol na pinapasa-pasa sa hindi kilalang mga kamay. Inusig ako nang matinding konsensiya. How can I let that happen sa kabila ng katotohanang alam ko kung gaano kamahal ni Samantha si Audrey? Na isinakripisyo niya ang buhay para sa bata tapos heto ako ngayon hahayaan lamang na mapunta ang sanggol sa mga taong walang kasiguraduhan kung mamahalin nga ba ito.
Nangilid ang aking luha. Naiiyak ako para sa bata at para sa aking sarili. Maaring nandiyan ang pagmamahal at pagmamalasakit pero sapat nga ba iyon para makapagpalaki ka na ng isang sanggol?
"Attorney can you give me time to think about it?"
Tumango siya. "You have the time while the infant is still in incubator. Kapag nakapagdesisyon ka nang tatanggapin mo ang responisibilidad, just call me," inabot niya sa akin ang calling card. "You will have to sign the guardianship document."
"Yes. I will call you attorney," may pait na ngiti ko.
Pagkaalis niya ay umakyat ako sa 8th floor kung nasaan ang Intensive Care Nursery. Tumayo ako sa harap ng salaming humihiwalay sa akin at sa munting nilalang sa loob ng incubator. Napakaliit niya. Isang malaking himala na nabuhay siya. Marahil pinagbigyan ng Diyos ang mga taimtim na dasal ni Samantha.
Sa bawat pag-angat ng dibdib ng sanggol, bawat banayad na kilos ng kanyang munting mga kamay, para bang unti-unting binubuo ang lahat ng nadurog sa akin.
Napahawak ako sa salamin, may umuudyok sa aking abutin siya at hawakan. Merong bahagi sa dibdib ko na gustong lumayo sa responsabilidad at ituloy lamang ang buhay na alam ko, ang ospital at trabaho. Pero sa bawat segundong nakikita ko siya bumabalik sa alaala ko ang mga ngiti ni Samantha, ang masayang mukha niya habang nagagantsilyo ang mga matang puno nang pag-asa at mga pangarap para sa kanyang anak.
Hindi ko alam kung paano maging ina. Hindi ako sigurado kung sapat ang pagmamalasakit para ituring akong tahanan ng isang batang gaya niya. Pero sa kabila ng lahat ng pag-aalinlangan, may nabubuhay na damdamin sa puso ko, isang di maipaliwanag na koneksyon. Hindi ko man siya dugo pero ang bawat hininga niya ay tila konektado sa puso ko.
Sa mga sandaling ito, hindi ko nakikita ang isang sanggol lamang. Kundi isang buhay na ipinagkatiwala sa akin. Minsan, ang pagmamahal ay dumarating hindi dahil sa dugo kundi dahil sa panahong tinawag ka ng tadhana para magmahal, kahit hindi ka handa.
Sa mga mata ni Audrey, nakikita ko ang panibagong simula.