Chapter 14

1722 Words
"Ano? Mag-aampon ka? Are you out of your mind Lauren!" sunud-sunod na singhal agad sa akin ng aking ina matapos kong sabihin sa kanya ang aking kalagayan. "Hindi po ako mag-aampon, mommy. Nag-ampon na po ako," paglinaw ko. "Nasa incubator pa ngayon ang baby kaya hindi ko pa maipakita sa inyo." Napahawak siya sa dibdib. Kinuha ang kanyang abaniko at pinaypayan ang sarili. Nang makalanghap ng sapat na hangin ay muli siyang tumingin sa akin. "Lauren, anong iniisip mo?! Hindi ka pa nga kasal, ni boyfriend nga wala ka! Tapos sanggol agad ang inampon mo?" "I didn’t have much of a choice, Mommy," sagot ko habang pilit na nilulunok ang bigat ng sitwasyon. "Yung ina ng bata, si Samantha, bago siya namatay, sa akin niya ipinagbilin ang anak niya. Wala na siyang pamilya. Iniwan din sila ng ama ng bata. Hindi ko kayang balewalain ’yon. Hindi ko kayang pabayaan ang bata na mapunta na lang sa DSWD. Mas gugustuhin ko nang ako ang sumalo kaysa hayaan siyang lumaki sa kawalang-katiyakan." "At ikaw nakakatiyak kang mapapalaki mo yan nang maayos?" Napailing siya habang hinahagod ang sentido. "Doktor ka. . Lahat ng oras mo nasa ospital. Paano mo balak buhayin ang batang ’yan? Sino ang tutulong sa’yo?" Walang imik na tumitig ako sa kanya nang may pagsusumamo at pakiusap. "Ay hindi! Wala kang maasahan sa akin Lauren. Yung mga anak nga ni William hirap na hirap na ako pag iniiwan dito, magdadagdag ka pa." Bago pa ako makasagot, narinig namin ang malalakas na yabag mula sa itaas ng hagdan. Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ni Rajah at lumabas ito, may luha sa mga mata. "If ate can't take care of the baby, I will take care of her! Kung hindi niyo siya papayagang ampunin ang bata puwes ako ang mag-aampon!" Naluluhang sabi niya. "Naging close din sa akin si Samantha kaya hindi ko pababayan ang anak niya." Sinenyasan ko si Rajah na bumalik sa kuwarto. Hayaan niya muna kaming mag-usap ni mommy nang kaming dalawa lamang. Sumunod naman agad siya ngunit bakas ang pag-aalala sa mukha. Natahimik ang aking ina. Tila walang nagawa dahil nagkampihan na kaming magkapatid. Muli niyang pinaypayan ang sarili. "Siya, andiyan na, wala na akong magagawa kundi pumayag. Pero sagutin mo muna ako, papaano mo mapapalaki ang bata kung sa hospital ka na halos nakatira. Huwag mong sabihing sa hospital mo rin ititira yang bata!" Napakagat ako sa labi at pagkuway bumuntong-hininga. “Ibabalanse ko na po ang oras ko sa bahay at sa hospital. Hindi muna ako tatanggap ng maraming surgeries. At kung hindi pa rin sapat, baka mag-file ako ng leave of absence.” Nagbago ang hulma ng mukha ng aking ina. Biglang kuminang ang mga mata. Napahalakhak ito sa saya. "Sabi ko na nga ba hulog ng langit ang batang yan! Magandang ideya yang pag-aampon na yan!" Mabilis na tumalikod siya at nagtungo sa kuwarto nina lolo't lola. Kinatok niya ito. "Mama, Papa magkakaroon na tayo ng bagong apo. Si Lauren nag-ampon ng sanggol. Mukhang handa na siyang magpaka-ina. Hahatiin niya na daw ang oras sa trabaho at bahay. Mapapadalas na siya sa bahay! Malay niyo sa susunod, asawa na ang dalhin niya dito!" Napailing ako at napairap nang bahagya. Alam kong iyon talaga ang gusto niya, ang mabawasan ang oras ko sa trabaho. Matagal na siyang may tampo sa atensyon kong laging nauubos sa ospital. Lumabas sina Lolo't Lola at sabik na lumapit sa akin. Nagtaka sila nang makitang wala akong dalang bata. "Where's the baby?" tanong ni lola. Napangiti ako ng pilit. “Nasa incubator pa po, Lola. Premature siya kaya kailangang bantayan muna sa hospital.” Napakunot ang noo ni Lolo. “Premature? Kaya pala hindi mo pa siya maipakita. Kamusta naman siya ngayon, apo?” "Maayos naman po. Pinapalakas lang po muna namin nang mabuti." "May pangalan na ba anak yung baby?" may lambing na tanong ni Mommy. "Meron na ho. Audrey Devika." "Wow! What a beautiful name. Siguro ang ganda din ng batang yan," aniya. "Tiyak yan!" biglang sulpot ulit ni Rajah. "Her mother is very beautiful too." Mas lalong nasabik sina mommy. "Naku, sayang wala dito ang daddy mo. Di bale pagdating niya sasabihin ko agad sa kanya ang magandang balita," ani Mommy. Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang suot kong itim na blouse at slacks. "Paano, aalis na ho ako," kampanteng paalam ko. "Teka hindi ka na ba mag-aalmusal? Ipaghahain kita," alok ni Mommy. “Hindi na po. Kumain na ako sa condo bago umalis.” "Pupunta ka na agad sa hospital?" tanong ni mommy na may tinig na naman nang pagkadismaya. "Hindi ho. Mamayang gabi pa ang duty ko. Pupunta lang ako ng columbarium kung saan naroron ang urns ni Samantha." Lumamlam ang aking mukha. "Simula nang kinuha siya sa hospital, ngayon ko lang ulit siya madadalaw." "Ah ganun ba kaya pala nakaitim ka," muling ngiti ni Mommy. "Mag-iingat ka." "Salamat ho." Humalik muna ako sa pisngi nilang lahat bago tuluyang lumabas ng bahay. Sa daan ay tumigil ako sa isang flower shop at bumili ng mga bulaklak. Paulit-ulit akong humihinga nang malalim habang nagmamaneho. Pinapatibay ang loob. Hindi ko pa rin alam kung sapat na ang lakas ng loob ko upang harapin ang urn ni Samantha nang hindi muling nadudurog. Pagdating sa parking lot, uminom muna ako ng tubig. Pampakalma. Sinuot ko sa ulo ang sunglasses para maging handa kung sakaling mamaga na naman ang aking mga mata sa kaiiyak. Sinukbit ko ang handbag at kinuha ang binili kong maliit na flower bouquet. Pumasok ako sa malawak na columbarium. Nakakabingi ang katahimikan. Ang marmol na sahig ay kasing kinis ng salamin, at ang lamig ng paligid ay tila dumiretso sa buto. Mayroong eleganteng hagdan sa gitna ngunit meron ding elevator sa bandang gilid ng gusali. Nasa ikalawang palapag lamang ang alcove na pupuntahan ko kaya nag hagdan na lamang ako. Hinanap ko ang alcove number. Payapa kong sinundan ang pagkakasunud-sunod ng numero. Bumagal ang paghakbang ko ang may matanaw na dalawang lalaki na tahimik na nakatayo sa harap ng isang alcove. Tila malapit ito sa numerong hinahanap ko. Habang papalapit ay unti-unti akong napapakunot ng noo. Pamilyar ang postura ng isang lalaki. Nakaputing polo shirt at puting pantalon ito. Naka sunglasses kaya mahirap tukuyin sa malayo ang hitsura. Itinuloy ko ang mahinang paghakbang ngunit dahan-dahang lumakas ang t***k ng aking dibdib. Nang makalapit ay natiyak ko na kung sino ito. Si Franco! Napasinghap ako. Biglang nanlamig ang aking mga palad, at parang nawalan ako ng direksyon. Gusto kong umatras, lumayo, magtago o anumang paraan para hindi niya ako makita. Ngunit huli na. Masyado nang malapit. Tumunog pa ang takong ng sapatos ko sa marmol na sahig, isang maliit na kalabog na tila dagundong sa gitna ng katahimikan. Napalingon siya. Nataranta ako. Mabilis kong hinawi ang sunglasses mula sa aking ulo at isinuot iyon. Humarap ako sa aking kaliwa at patay malisyang lumapit sa isang alcove. I pretended to pray but at the same time I was also praying for real. Please, Lord. Huwag niya akong pansinin. Huwag niya akong makilala. Hindi pa ako handa. Nanatili akong nakatayo habang hinihintay ang pag-alis nila. Maya-maya lang ay nakarinig ako nang mga hakbang, papalakas ang mga iyon. Nang matantiyang malapit na sila, yumuko ako at muling nagkunwaring taimtim na nagdarasal. Tila hindi ako makahinga sa kaba. Nang maramdamang lumampas na sila ay agad akong nakahinga nang maluwag. Nag-angat ako ng mukha at maingat na lumingon. I quietly watched Franco's back as he walked away. Bagamat nagpapasalamat ako na hindi nakilala, may narmadaman pa rin akong kaunting sundot ng kirot sa aking puso. Para hindi niya ako makilala kahit sa malapitan, it's a clear sign that he had completely forgotten me. Ni sa hinagap ay sa ganitong lugar ko siya muling makikita. Hindi sa isang magarang party, primeire night o red carpet... kundi sa isang tahimik na libingan. Tinuloy ko ang paghanap sa numero ng alcove ni Samantha. Hindi ako nagkamali, with the presence of fresh flowers, ito rin ang pinuntahan ni Franco. Natigilan ako nang makita ang naka-frame na larawan ni Samantha. Nakangiti siya gaya ng kung paano siya ngumiti sa akin. Namumuo ang mga luhang nilagay ko ang malilit na bulaklak sa tabi ng urn. Tahimik na pumatak ang aking luha habang sinisimulan ang taimtim na pagdarasal. Pinanalangin ko na sana ay masaya na siya sa langit at hiniling na bigyan niya ako lagi ng lakas ng loob para mapalaki nang tama si Audrey. Pagkatapos kung magdasal ay muli kong tinitigan ang larawan niya. Muling napuno nang maraming katanungan ang aking isipan. Ano nga ba talaga ang relasyon nito kay Franco? Paano nito nalaman na dito siya nakahimlay? Ito nga ba ang ama ni Audrey? "Dumating ka ba sa buhay ko para muli kaming pagtagpuin ni Franco?" Sa dami ng gustong itanong, iyon lang ang lumabas sa bibig ko. Pero kahit isa-isahin ko man ang lahat ng katanungan, alam kong wala rin akong makukuhang sagot. I stayed for an hour. Just praying, staring at her picture and feeling the presence of her soul, kung sakali mang nasa paligid pa rin siya. Pagkatapos ay mabibigat ang mga paang nilisan ko ang columbarium. Nagpalinga-linga muna ako ngunit wala nang bakas ng anumang presensiya ni Franco. Sumakay ako sa aking kotse. Ilang sandali muna akong tulala lang sa harap ng manibela. Paulit-ulit na naglaro sa isip ko ang nakita kong hitsura ni Franco habang nakaharap sa urn ni Samantha. By the look of it, mukhang nagdadalamhati din siya sa pagkawala nito. He's a busy person, para bigyan niya ng oras ang pagdalaw. That alone says a lot. Somehow, he cared for her.. Umiling ako nang isa-isa na namang nagsiksikan ang mga katanungan sa aking isip. Tama na. ayoko nang mag-isip. Pagod na pagod na ang utak ko. Binuhay ko ang makina. Ngunit bago ko simulan ang pagmamaneho, nag-ring ang aking cellphone. It's from the hospital's admin office. "Dr. Salazar there a doctor-on-call request for you." Bumuntong-hininga ako. "I'm not on duty. Can you call another doctor?" pagod na sagot ko. "Ikaw ang lang ang gustong doktor na tumingin sa kanya. It's a very very VIP patient." Again, they are using that magic words para di ko matanggihan. "Where?" walang magawang wika ko. "In chairman's suite in Solaire Hotel." "Okay." Walang ganang binaba ko ang telepono at matamlay na pinatakbo ang sasakyan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD