Bitbit ang aking medical kit at lab gown, lumapit ako sa hotel reception desk na may magiliw na ngiti.
"Hi ma'am," bati ng receptionist na babae.
"Hello! I’m Dr. Laureen Salazar. I believe the guest in the chairman’s suite is expecting me."
"Sandali lang po, ma’am. I’ll just call the room to confirm."
"Thank you," sagot ko, sabay ngiti.
Makalipas ang ilang saglit ng pakikipag-usap sa telepono, muli siyang humarap sa akin at ngumiti. "Confirmed po. This way ma'am, I’ll assist you to the elevator."
Sinamahan niya ako hanggang elevator. Pagbukas ng pinto, ginamit niya ang kanyang key card saka pinindot ang floor na tinutuluyan ng pasyente. Nang makita niyang umilaw na ito, magalang na siyang nagpaalam.
"Thank you," pasasalamat ko.
"You’re welcome, ma’am," tugon niya, sabay ngiti.
Pagdating sa tapat ng pinto ng suite, sinuot ko muna ang aking white coat saka ko kampanteng pinindot ang door bell. Pinagbuksan ako ng isang lalaking mistulang body guard. Pagkapasok ko sa loob ay lumabas naman siya.
The room is very beautiful, very spacious and looks expensive. It has his own living room na may display pang grand piano. I assumed that the patient is another high profile politician. The place is too quiet. I cleared my throat to create some noise and remind the patient of my presence.
"Please, make yourself comfortable on the sofa."
Natigilan ako nang marinig ang isang malalim na boses. Hinanap ko ang pinagmulan nito. Nakita ko ang isang lalaking nakatayo malapit sa dining table. Nakatalikod habang payapang nakatingin sa labas na tanawin ng floor-to-ceiling glass wall. He's wearing an all white clothes with a glass of brandy in his hand.
Muntik ko nang mabitawan ang medical kit. Mabuti na lamang ay naagapan ko ang sarili mula sa pagkataranta. Mabilis ang kabog ng dibdib na sumunod ako sa sinabi niya. Tahimik akong naupo sa sopa.
I waited for what he was about say pero tila hindi pa siya tapos sa pagtanaw sa tanawin at may balak pa atang tapusin muna ang pag-inom. Kahit nininerbiyos, sinikap kong mag-ipon ng lakas ng loob. After all, I was called here as a professional, and I needed to act like one.
“I’m a busy doctor. Can you please tell me now what you need me to check?” kunway matatag na wika ko.
"Are you the doctor of Samantha?" malalim ang boses na tanong niya. Nanatili pa ring nakatalikod.
"Y-Yes." I'm starting to get the idea. To avoid the scandal, he pretended as a patient and had me come here privately....clearly, to talk about Samantha.
"What happened to her?" may lungkot na tono sa boses niya.
Napalunok ako. "She had a serious heart condition. A coronary heart disease. She had a cardiac arrest right after giving birth," paliwanag ko, bagama’t hindi ako sigurado sa sarili kong boses.
"They said you're the best doctor. Why you didn't save her?"
Tila may humampas sa dibdib ko. Aside from myself, nadagdagan ang taong naninisi sa akin sa pagkawala ni Samantha. Unti-unting sumikip ang pakiramdam ko. Nakonsensiya na naman ako. Baka nga may pagkukulang ako. Siguro kung nauna lang ako ng dating, baka agad kong naisip na operahan siya, na buksan ang puso niya para sa emergency surgery. Pero nahuli ako… dahil nasa kalagitnaan din ako ng isa pang operasyon at may sinasagip din na isa pang buhay.
"Being the best doesn't mean that you can defy death," matapang kong sagot habang pinipigilan ang panginginig ng loob ko. "Nasasaktan din ako. I couldn't also accept the fact that I wasn't completely beside her when it happened. Hindi ko ginusto na nangyari yun habang may iba akong inooperahang pasyente. Ako ang nag-alaga sa kanya mula nang makita ko siyang nawalan ng malay sa kalsada. Yung pagkawala niya… isa 'yon sa pinakamasakit na nangyari sa buhay ko," pagdepensa ko sa aking sarili.
Uminom siya ng alak. "Narinig ko na inihabilin niya sayo ang bata..." maamo nang tono niya.
"Yes."
Tumayo ako. I have to take this chance to ask the most important question. "A-Are you the father of the child?"
Sa unang pagkakataon ay nilingon niya ako. Humarap siya sa akin at kalmadong pinatong ang hawak na baso sa mesa.
Nagsalubong ang aming mga mata.
Nagkatitigan nang ilang sandali.
Bumilis lalo ang kabog ng aking dibdib.
He looks exactly the same yet somehow different. Ang mga matang nakatitig ay blangko. Walang pahiwatig kung nakikilala pa ba ako. O kung nakikilala man ay tila wala itong epekto sa kanya. What do I expect? He called me merely because of Samantha.
"I can't raise the child," tanging sambit niya nang hindi direktang sinagot ang aking katanungan. Pero ang sinabi niyang yun ay sapat na para makompirma kong siya nga ang ama.
"Why?" dismayadong tanong ko. "You're the father. Bakit kailangang ako ang magpalaki sa bata when you're alive and doing well," alinlangang sagot ko.
"Because of my work. This is going to have a huge blow in the industry. Ayokong lumaki ang bata sa eskandalo. The child deserve to have a peaceful and normal life and you're the one who can give that to her."
Bahagya ko siyang naintindihan, oo, sa isang banda may punto siya. Pero hindi ko pa rin matanggap ang dahilan niya. It sounded selfish. Maybe I was wrong about him all along. Or maybe… time changed him too.
Malamlam akong ngumiti. May dahilan nga si Samantha para ihabilin sa akin ang bata. I feel bad about Audrey. Ayoko rin na ipaalaga siya sa isang amang hindi naman siya lubusang tanggap. "Fine I'll take care of her. After all, Samantha made a wise decision to leave her to my care," sarakastikong tono ko.
"Salamat."
Napangisi ako sa isip ko. Nagawa pa niyang magpasalamat at mukhang sincere pa.
"Why did you abandon Samantha?" seryoso ngunit maingat na tanong ko.
Ilang sandali siyang nanahimik.
“I didn’t,” sagot niya sa wakas. “She ran away eight months ago. I had no idea she was pregnant. Kung alam ko lang… hinding-hindi ko siya pababayaan. I tried everything to find her, pero hindi ko siya mahanap."
"Eight months?" Litong sabi ko. Napakunot ako nang noo sabay tingin sa sahig. Naalala ko ang sinabi ni Samantha na nung araw na nagcollapse siya ay may matinding pinagdadaanan siya dahil iniwan siya ng ama ng pinagbubuntis niya. And that same day, lumabas din ang balita tungkol sa bagong relasyon ni Franco. "Are you telling the truth?" lingon ko sa kanya.
"Why would I lie? I'm not the kind of person who lies, am I?" diretsong tingin niya sa mga mata ko.
I turned speechless. I avoided his eyes again. Yes. He never lied to me before.
Napaisip na naman ako nang ilang sandali. Ano kaya ang ibig sabihin noon ni Samantha. Ahh... marahil ay nasaktan siya dahil ang ama ng anak niya ay may bago ng minamahal. Maybe it feels like an indirect abandonment.
"How did you found out what happened to her?" panibagong tanong ko.
"I got a call from her lawyer last night. He told me what happened.”
Napakunot ako nang noo. "Attorney Nolasco? He said he didn't know you."
"Siguro ay utos din yun ni Samantha kagaya ng utos niya na sabihin lamang sa akin ang nangyari kapag nailibing na siya." Hindi ko maitatanggi bakas sa mga mata niya na nalulungkot siya sa sinapit ni Samantha.
I still couldn't understand him. He seemed to care about her but not totally about the baby. Samantalang laman at dugo niya iyon. Nawawasak ang aking puso. Nang inalok niya ako ng kasal noon, akala ko siya ang taong kayang ipaglaban at ipagmalaki sa mundo ang taong mahal niya maging sino man ito. Pero ngayon, nasaan na ang lalaking yun? Ang sarili niyang anak ay hindi niya magawang panindigan at ipaglaban. Kailangan niyang itago para higit na protektahan ang pansariling interes.
Mapait akong ngumiti. "I asked what I wanted to ask. Kung wala ka nang sasabihin pa ay aalis na ako." Umakto akong kukunin na ang medical kit.
"Wait," matigas na salita niya.
Natigilan ako at muling tumayo nang maayos. He walked slowly towards me. Nakatitig at may seryosong mukha. Muling kumabog ang aking dibdib habang pinanghihinaan ng mga tuhod. Ang mga blangkong mata niya ay unti-unting nagkaroon ng emosyon. Tumigil siya nang may isang hakbang lamang na distansiya mula sa akin. Nanatiling nakatitig. And this time, the pain in his eyes was undeniable.
Napapalunok akong umiwas ng tingin. "M-May sasabihin ka pa ba tungkol sa bata?"
"Kelan ka pa bumalik ng Pilipinas, Lauren?"