"Kelan ka pa umuwi ng Pilipinas, Lauren?" ulit niya. This time in gentler tone.
Napalunok na naman ako. Kilala pa rin naman pala ako. Mas lalo akong naasiwa. I couldn’t bring myself to look him straight in the eyes. Hindi ako makasagot. Nangangamba na baka mauwi sa nakaraan namin at sumbatan ang usapan.
“Why aren’t you answering? Don’t tell me… you still don’t feel sorry for what you did to me?” he added. The tone was calm, but there was something in his voice that felt like a quiet reproach. I couldn’t tell if he was serious or just trying to get a reaction.
Gumapang muli ang konsensiya sa dibdib ko. Pinilit kong tingnan ang mga mata niya, at pilit na ngumiti nang natural. “Isa't kalahating taon na rin akong nakabalik,” mahina kong sagot, sabay iwas muli ng tingin.
"Are you married?"
Umiling ako sabay patay malisyang umatras ng isang hakbang.
"Child? Fiance? Boyfriend?"
Muli akong umiling. "Samantha's child will be my first and only child. T-That's why I'm too scared if I can really raise her," may alinlangang pag-amin ko.
Unti-unti siyang ngumiti. It's a light one. Sanhi para maibsan ang discomfort ko. "Don't worry. We will still be co-parenting."
Nagulat ako sa sinabi niya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Although the baby will be in your care. I will still do my best to fulfill my role as a father. I will find a way to be with the child without piquing the curiosity of the public."
"H-How?" takang-taka sambit ko.
“I’ll find a way,” sagot niya, tila kumpiyansa sa sarili. “Maybe I can be with her secretly, paminsan-minsan.”
I wasn't very agreeable to his idea. But the thought that Audrey can still somehow receive love from her father, I have no right to deprive it from her. "Kung sa palagay mo ay posible yan, ikaw ang bahala. I'm just thinking what's best for the baby. But please make sure it won't hurt her in the future," mahinahon kong salita.
"I will never hurt her because I also care for her," seryosong sagot niya.
Tumango ako nang may kiming ngiti. Hirap pa ring tumingin sa kanya nang diretso. "I'm glad to hear that." Partially, na-relieve ako. He hasn't turned into a total jerk after all. May bahagi pa rin ng Franco na nakilala ko na natitira.
Inabot niya sa akin ang kanyang calling card. Malugod ko itong tinanggap. "How about yours?" lahad niya sa kanyang palad.
Nagmamadaling kumuha ako sa aking bag at inabot sa kanya. Ilang sandali niya iyong binasa at tinitigan. Pagkatapos ay bumuntong-hininga nang malalim at muling tumingin sa akin.
"I'll be sending you monthly support for the baby," aniya.
Bigla akong nag-alinlangan at napaisip. “Don’t get me wrong… pero bakit parang ang dating, magiging yaya lang ako ng anak mo?”
Napatawa siya nang mahina. “As I said, we’re co-parenting. Samantha appointed you to be her mother, and since I can’t be a full-time father, at least I can make up for it financially.”
Napatango na rin ako bilang pagsang-ayon. Kaya ko rin naman kung tutuusin but I won’t reject any opportunity for him to step up as a father. This is also a good way to remind him that he has a child who deserves his attention.
"I hired attorney Nolasco to be our lawyer. He will be the one who will give you the monthly support. But you're free to call me kung may iba ka pang kailangan o may gusto kang sabihin," dagdag niya.
"Okay," tango ko ulit. "But since we have a lawyer, can we make a side agreement na hindi mo pwedeng basta-basta na lang kunin sa akin ang bata pag naisipan mo na siyang kupkupin."
He chuckled. "I will never do that."
Nakahinga ako nang maluwag. "Kunsabagay sooner or later baka magkaroon ka na rin nang sarili mong pamilya."
Hindi siya sumagot. Nakatitig lang siya sa akin, seryoso ang mukha. Wala siyang sinambit ni isang salita pero sapat na ang titig na ‘yon para maramdaman kong may mali sa nasabi ko.
Pinagsisihan ko ang sinabi ko. That was a careless thing to say. Bakit ba sumagi pa sa isip ko.
"I'm sorry, I know you're in a relationship now so I was just stating a probability. Wala akong ibang ibig sabihin," napapahiyang paliwanag ko.
"Kelan ka pa nagkainteres sa mga tsismis sa showbiz?" he asked in a deep tone...Yung pamilyar na tonong madalas gumigising noon sa akin sa umaga.
Napakagat-labi ako at agad na umiling, pilit pinipigilan ang sarili. Hininto ko ang maling direksyon ng iniisip ko. This is not the time to reminisce. Have some shame, Lauren! This is about the child.
"I've heard it in passing." Ngumiti ako nang peke. "They said you're that famous so it's all over the news."
"Have you forgotten I was famous?" diretsong tanong niya.
I gave him a small smile and looked away. Pakiramdam ko kapag hindi tungkol sa bata ang paksa, pasaring na sa akin ang iba. “I should go. M-May mga imomonitor pa akong pasyente."
"I have one more important question," mariing sabi niya.
Muli akong umayos ng tayo. "Okay, I'll listen," kunway kaswal na tugon ko.
"Why did you avoid all my calls?" titig niya.
Alam kong ang tinutukoy niya ay 'yung mga tawag niya kahit nakabalik na siya ng Pilipinas. Yes, I rejected his proposal, pero hindi doon nagtapos ang lahat. He still tried to win me back. Bago siya umalis ng States, ilang beses niya akong sinubukang puntahan sa ospital at sa apartment, pero ni minsan hindi ko siya hinarap. At nang nasa Pilipinas na siya, paulit-ulit pa rin siyang tumatawag hanggang sa tuluyan ko siyang i-block. Pero hindi pa rin doon natapos. Tumatawag pa rin siya sa hospital landlines namin. Wala akong sinagot. Ni isa.
I sighed, gathering all the courage I had to speak with a steady, emotionless tone. "Gusto kitang kalimutan. I was very vulnerable at that time. Pag sinagot ko kahit isa sa mga tawag mo baka nakauwi na agad ako ng Pilipinas at isinuko na ang mga pangarap ko para sayo. Mentally, I had to make a firm decision, Franco. I chose my job, as simple as that."
Hindi siya umimik. Mukhang natanggap naman ang kasagutang hinihintay.
Sa palagay ko ay hindi niya ako titigilan. Ramdam na ramdam ko na mayroon siyang gustong marinig sa akin. Humugot ako nang malalim na hinga at seryosong tumitig sa kanya. "May pangit tayong nakaraan and I know it's all my fault. Now that you're in front of me, I'm taking this chance to say this...." Guilt hit me once again. Ramdam ko ang bahagyang pamamasa ng aking mga mata. "I'm sorry," I sincerely said.
Nakaramdam agad ako ng matinding kaluwagan sa dibdib pagkabitaw ng mga salitang matagal ko ng nais sabihin sa kanya.
Ilang sandali niyang prinoseso ang sinabi ko at pagkuway nagkibit-baliktat. "Okay you're forgiven. Though the past doesn't matter to me anymore," sagot niya nang may mapaklang tawa sa dulo.
Nasaktan ako sa naging reaksiyon niya pero pilit akong ngumiti. There's no sincerity in his answer. But nevertheless, nagawa ko ito para sa katahimikan ng aking konsensiya.
Mapait akong ngumiti. "You're right, the past doesn't matter anymore. Now that we met again for different reason, let's forget our past and start anew. For the sake of the child."
Tumango siya. "Yes... this time it's for the child. Wala nang iba," titig niya. His voice is low and deep, almost unreadable.
Ngumiti ako, ngayon ay totoo na. Malapad at may tunay na sigla ang mga mata. I offered him a hand shake. "Nice meeting you again, Franco."
Wala siyang sinabi pero tinanggap niya ang kamay ko. Ramdam ko ang higpit ng hawak niya, mahigpit, parang may nais iparating pero hindi masabi. Siguro naalala niya ulit ang sakit ngayong nakita niya ako. Minsan, kahit matagal nang sugat, muling humahapdi kapag kaharap mo na ulit ang taong gumawa nito. But I'm very hopeful that sooner or later makakalimutan na rin namin lahat at magiging komportable na sa isa't isa, alang-alang kay Audrey.
Nagbitaw ako ng maikling buntong-hininga habang dahan-dahang binawi ang kamay ko. “I’ll go ahead,” sabi ko, sabay pulot sa medical kit ko.
Tumango siya. “Ingat ka.”
Pagdating ko sa pinto, sandali akong huminto. Hindi ako lumingon, pero naramdaman ko ang tingin niya sa likod ko. “Malaki man ang naging kasalanan ko…” mahina kong sambit, halos pabulong, “But I did love you.”
At tuluyan na akong lumabas, bitbit ang kaba, ang alaala, at ang bagong responsibilidad na kailangang harapin… kasama siya. Hindi bilang taong minamahal, kundi bilang kapwa magulang para kay Audrey.