Galing ako sa isang mahabang surgery, pero nang mayakap ko si Audrey, nawala lahat ng pagod at puyat ko. Wala akong pagsidlan ng tuwa habang karga-karga ko siya. Makalipas ang halos dalawang buwan, nailabas ko na rin siya mula sa nursery.
She's just too adorable. Mistula siyang babasaging kayamanan. Parang malambot at maamong laruan. Mapuputi at mamula-mula ang bilugan niyang pisngi. Ang kanyang maliit at makinis na ilong ay bahagyang kumukurba tuwing siya'y napapangiti. At yung malalaki niyang mga mata na may mahahabang pilikmata, punung-puno ng kislap at inosente. Mayroon siyang manipis pero maiitim na buhok na bahagyang kulot sa dulo. She's like a tiny angel na nagdadala ng liwanag at saya sa buong paligid.
Kabadong-kabadong ako habang naglalakad. Natatakot na baka mabitawan ko siya. This is only my third time to carry her. Yung unang dalawa ay nung nagpaturo ako sa nurse kung paano magpadede sa bote habang kinakarga ang bata.
Sinalubong kami ni Attorney Nolasco sa pasilyo nang may kiming ngiti. Natutuwa rin siya sa paglabas ni Audrey.
"I already settled the bill. Franco paid for it," balita niya.
"Thank you," malapad na ngiti ko. "Look at him attorney. Isn't she adorable?" tukoy ko sa sanggol na nakabalot sa malambot at kumportableng kumot.
"Yes," Nakangiti nang abot-tengang sagot niya at kunway kiniliti ng mga daliri ang pisngi ng sanggol nang hindi hinahawakan. "Atsusu… ang cute naman ng baby na ’yan." Kahit si attorney na masyadong seryoso sa buhay ay mukhang tinamaan din ng charm ni Audrey.
Simula nang magkasundo kami ni Franco sa Solaire Hotel, naging magaan naman ang relasyon namin. It's purely about the child. Hindi pa man kami nagkikita ulit but we communicate every now and then. Since he's busy and too famous to be seen even in this hospital, si Atty. Nolasco ang pinapaasikaso niya sa mga bagay na hindi niya magampanan ng personal.
Habang nasa nursery pa si Audrey, I remained focused on my job. Pero ngayong, nakalabas na siya saka pa lang ako mag-uumpisa sa pagbabalanse ng oras ko. Alam kong malaking hamon ang paparating pero buo ang loob na kakayanin ko. Sapagkat sa bawat ngiti at simpleng galaw ng napakacute na batang karga ko, pakiramdam ko ay may bagong sigla at direksyon ang buhay ko. She's my source of strength now.
"May appointment pa ako. Hindi na ako magtatagal," ani attorney.
"Sige attorney, maraming salamat," magalang kong tugon.
Kasama ang umaalalaya sa aking nurse, buong sigla kaming naglakad patungo sa aking opisina. Sa paglabas ni Audrey, tila nagkaroon ng maliit na kaguluhan sa ospital. Daig pa ang royal baby na first time iniharap sa publiko. Bawat makakasalubong namin na nagtatrabaho sa hospital ay bumabati at napapatingin.
"Ang cute-cute naman niya parang anghel!" puri ng head nurse.
Ramdam ko ang init ng pagtanggap sa kanya. Si Audrey ang pinakamagandang biyayang dumating sa buhay ko at ngayon, unti-unti na rin siyang minamahal ng paligid ko.
"Welcome to my world, Audrey," mahina kong bulong. "Hindi man ito perpekto, pero gagawin kong ligtas at masaya ang mundong ito para sa'yo."
Pagdating ko sa opisina ko ay halos mapatigil ako sa gulat. Nandoon ang buong pamilya ko, kumpleto sila maliban kina Lolo at Lola na bihira na talagang lumabas. Naroon sina Mom, Dad, Rajah, William, ang hipag kong si Jordana, at ang dalawang adorable kong pamangkin na sina Juliana at Cooper. Lahat sila ay nakangiti nang malapad at may hawak pang mga lobo.
“Let me see the baby!” mabilis na lumapit si Mommy, sabik na sumilip kay Audrey. Nanlaki ang mga mata niya. “What a beautiful girl!” bulalas niya habang inilapat ang dalawang kamay sa kanyang dibdib.
“Can I carry her, Ate?” tanong ni Rajah, hindi maitago ang excitement.
"Ingatan mo ha baka madulas sa mga kamay mo," abot ko sa kanya ng baby.
Si Jordana naman ay lumapit din habang buhat si Cooper na dalawang taong gulang. “Ate, she’s so cute! If ever you need tips, tawagan mo lang ako, okay?” aniya, may kislap ang mga mata.
"Ate don't hesitate to ask for our help kapag nahihirapan ka," ani William.
I'm really grateful sa mag-asawa. They're both busy running our advertising family business but they find time to welcome baby Audrey.
“Tita Lauren, how did you get an instant baby? I never saw your belly get big,” sabay turo ni Juliana sa sariling tiyan. Anim na taong gulang siya, panganay nina William at Jordana. “My mom’s belly got sooo big before Cooper came out!” dagdag pa niya.
Natatawa kong hinaplos ang ulo niya. “God sent her to me,” sagot ko nang may ngiti.
Lumingon siya sa kanyang mga magulang. "Mommy you don't need to have bigger belly for a long time. Can you just ask God too. I want a baby sister this time."
Everyone laughed at her innocence and cuteness.
“Anak, na-assemble na namin ni William 'yung crib ni Audrey kanina. Nilagyan na rin ng kutson ng mommy mo,” balita ni Dad.
“Salamat sa inyo, Dad,” taos-puso kong tugon.
“Ate, 'yung magiging yaya pala ni Audrey, sa makalawa pa makakarating ng Manila,” sabi ni Jordana. Galing sa probinsya ang nirekomendang baby sitter, pamangkin ng caretaker ng bahay nila roon. Ayoko kasi ng random na baby sitter mula sa agency. Mas panatag ako kung may personal na rekomendasyon. It's also a good thing na kilala nina Jordana at William ang pamilya ng yaya.
Sama-sama pa rin kaming umuwi sa condo ko. Kumpleto silang naghatid sa amin ni Audrey. Bago mag-alisan, sinigurado muna nilang maayos at komportable ang lagay ng baby. Pagkadami-daming bilin sa akin ni Mommy kung ano ang mga dapat kong gawin. Halos ayaw pa kaming iwan. Medyo kampante na rin naman ako ngayon. Habang nasa nursery pa kasi si Audrey, sinamantala ko ang oras para magpaturo sa mga doktor at nurses sa pediatric department namin.
Tahimik kong pinagmamasdan ang natutulog na munting anghel sa kanyang crib. Now that I'm all alone with her, saka ko lang lubos na naramdaman ang bigat at saya ng pagiging ina. Para bang meron akong sariling mundo na nakahandang umikot para lamang sa kanya. Hindi siya nakakasawang titigan at sa bawat maliit na kilos niya, para akong laging nakaalisto.
My condo has two bedroom. Audrey and I are occupying the bigger room. Yung magiging yaya niya ay sa isang maliit na kwarto naman. Nag-leave ako ng dalawang araw habang wala pa ang yaya. Pag dumating, napakiusapan ko si mommy na pag nasa hospital ako ay doon muna sila sa mga magulang ko. I still don't want Audrey to be left alone without the supervision of me or my family kahit pa may baby sitter na ito.
My cellphone chimed. It was a message from Franco.
Franco: Kumusta si Audrey?
Napangiti ako. Mabuti naman at naalala niya ang bata sa gitna ng busy schedule niya.
Me: Nakauwi na kami. She's sleeping right now.
Franco: Good.
Me: Salamat nga pala kanina sa pagsettle ng hospital bill.
Franco: You don't have to thank me. It's my responsibility.
May kasunod agad ang message niya.
Franco: By the way, can I have your address? I will send gifts for Audrey.
Maluwag sa loob kong ibinigay sa kanya ang address ko. Pagkatapos noon, kinuhanan ko ng picture si Audrey habang mahimbing na natutulog sa crib. I sent it to him. Pinusuan niya naman ang picture. Actually, hindi pa rin nakikita ni Franco sa personal si Audrey. Once in a while pinapadalhan ko lang siya ng picture. Pero gaya ngayon, lagi naman niyang sinisigurong maramdaman pa rin ang presensya niya sa sarili niyang paraan.
Sinamantala ko ang oras habang mahimbing pa ang tulog ni Audrey. Mabilis akong naligo, iniwang bahagyang bukas ang pinto ng banyo para agad kong marinig kung sakaling umiyak siya. Pagkatapos ay nagpalit ako ng komportableng silk pajama upang anumang oras ay ready nang matulog ngunit sakto namang nagising si Audrey.
Binuhat ko siya at pinadede gamit ang bote. Panaka-nakang umiyak sa simula, pero nang mabusog ay bigla na lang ngumiti-ngiwi. Dilat na dilat ang kanyang bilog na mata. Hiniga ko siya sa kama. I grabbed one of her toys and played with her. Naistorbo ang paglalaro at pagbaby-talk ko nang may nag-doorbell. Napakunot ako ng noo. Who would it be? Galing na dito si Rajah.
Ah! It must be the delivery man sent by Franco for Audrey's gift.
"Wait lang baby ha. Buksan lang ni mommy ang pinto," may lambing kong tono.
Patakbo kong pinuntahan ang pintuan at mabilis kong binuksan.
Napanganga ako.
Nakatayo sa harap ko si Franco. May bitbit na paper bag, isang malaking teddy bear, at bouquet ng baby pink roses. Suot niya ang isang simpleng t-shirt. cap at facemask. Ibinaba niya ang facemask.
"Hi Lauren." Narinig ko na naman sa personal ang malalim niyang boses.
"Y-You're here?" di makapaniwalang saad ko.
"I want to see the baby this time."
“P-Pasok ka,” imbita ko, medyo kinakabahan pero may halong saya.