Chapter 18

1425 Words
Walang pag-aalinlangang pumasok si Franco sa condo ko. Mabilis kong dinouble-lock ang pinto baka biglang sumulpot ang aking kapatid. He removed his cap. Inabot niya sa akin ang mga dala-dala. The paper bag, the teddy bear and the baby pink roses. Nakangiting tinanggap ko iyon. "Samantha's favorite color is pink. Siguro ito rin ang magiging paboritong kulay ni Audrey," komento ko. Maingat kong inilapag sa sopa ang paper bag at bulaklak pero naiwan sa kamay ko ang teddy bear. "Halika the baby is in our room," masiglang aya ko sa kanya while his eyes were wandering around my place. Ni minsan hindi ko inakala na muling tutuntong ang mga paa niya sa pamamahay ko. Partially, it's like deja vu pero this time iba na ang purpose, hindi na ako ang dinadalaw. Tahimik siyang sumunod sa akin. Pagpasok pa lang sa kuwarto ay natuon na agad ang mga mata niya sa bata. Gising na gising pa rin at abala sa pagsupsop sa kanyang mga daliri. Tumigil si Franco sa paghakbang pansamantalang tinitigan muna si Audrey nang may distansiya. I saw fear in his eyes. Siguro ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon ay yung madalas kong maramdaman dati. Can I do it? Can I be a good father? Can I give her the love she deserves? The same questions that ran through my head many times. Pero alam ko rin na tulad ko, mapapalitan din yan ng lakas ng loob at pag-asa. Now that he found way to visit her personally. Naibsan ang mga pag-aalinlangan ko tungkol sa pagmamahal niya sa bata. Napapalunok siya. Hanggang sa maya-maya ay lumapit na siya sa kama. Nanatiling nakatayo ngunit nakatitig kay Audrey. "She's perfect," mahinang salita niya nang puno ng pagkamangha ang mga mata. Tila hindi pa rin makapaniwala na may isang bata sa harap niya na nagmula sa sariling dugo't laman. "You're a father now, Franco," I said with sincere smile. Naupo ako sa kama. Malapit kay baby. “Audrey, your Daddy is here,” masaya kong sabi habang nakangiti. “Look, he brought you a big teddy bear!” Sabay lapit ko ng stuffed toy sa tabi niya. Franco sat on the bed beside the baby. Halatang gusto itong hawakan ngunit nag-aalinlangan. "Would you like to hold her?" tanong ko sa kanya. I was helping him overcome his hesitations. "Pwede ba?" tanong niyang may pag-aalangan, sabay tingin sa akin. "Of course," agad kong sagot. "Wait, I'll assist you." Maingat kong binuhat si Audrey mula sa kama. Nang makatayo ako, tumayo rin si Franco at lumapit sa akin. Dahan-dahan kong inilipat sa mga braso niya si Audrey. Ingat na ingat siya habang kinakarga ito na para bang hawak niya ang pinakamarupok na bagay sa mundo. Hindi maalis-alis ang mga mata sa pagkakatitig sa kanyang anak. "She's beautiful," usal niya. "Yes. She looks so much like Samantha," ngiti ko. It's too early to say pero parang wala siyang nakuhang feature ng tatay niya except of course, the beautiful genes. "Palagay ko kailangan kong magpaganda lagi, baka habang lumalaki si Audrey ay magmumukha lang akong yaya niya," tatawa-tawang biro ko. Lumingon sa akin si Franco, ilang sandaling tumitig. Bigla akong na-concious. I wasn't wearing any make up at hindi pa nasusuklay nang maayos ang medyo basa ko pang buhok. Puyat pa, kaya tiyak na halata na naman ang mga dark circles ko. Yeah, I know I won't be the same Lauren in his eyes again. Wala nang bisa ang mahikang minsang tumama sa kanyang mga mata. Lalo na ngayong mukha pa ng isang kagaya ni Shannon ang lagi niyang nakikita. He laughed. "That's not true. You're both naturally beautiful. Walang maniniwalang hindi kayo mag-ina." Napangiti ako sa isipan. I was flattered. Unexpectedly, he's still using that word to describe me. Binalik niya ang mga paningin kay Audrey. The baby smiled at him. His eyes widened in excitement. Lumingon siya sa akin. "She smiled at me, Lauren!" “I think she’s happy that her Daddy is finally with her,” sagot ko, may malambing na ngiti sa labi pero may kurot sa puso. Habang nakangiti si Audrey, may parte sa dibdib ko na natutunaw. Parang nararamdaman ko ang saya niya habang karga-karga ng kanyang ama. Iba rin talaga siguro ang koneksiyon pag sariling dugo at totoong magulang. Ngayon pa lang ay nasasaktan na ako para sa kanya dahil alam kong lalaki siyang parang patagong tinatanggap lang ang pagmamahal ng kanyang Daddy. Pahapyaw lamang at hindi yung anumang oras ay nasa tabi niya na. I will take every opportunity for Audrey to be with her father, even if it means setting aside my pride. Dahil alam kong magiging bihira lang yun at wala rin katiyakan kung hanggang kelan.Kasi alam kong magiging madalang lang ang ganitong pagkakataon, at walang kasiguraduhan kung hanggang kailan ito magtatagal. What if one day, he builds his own family? What if Shannon can’t accept Audrey? Will Franco still be the same kind of father to her? Ang daming hindi tiyak. Kaya habang may pagkakataon pa, gusto kong paglapitin silang mag-ama. Ayokong maramdaman ni Audrey na may kulang sa kanya habang lumalaki siya. "Lauren, she's closing her eyes. I think she's sleepy," tarantang sabi ni Franco. Inaantok na nga ulit ang baby. "Teka lang titimplahan ko muna ng gatas," medyo may halong pagpapanic na sabi ko. Marinig ko lang na umiyak si Audrey pakiramdam ko may masakit na sa kanya. Pag naririnig ko siyang umiyak parang may tumutusok sa aking dibdib. I quickly went to the kitchen to get her sterilized bottle. Tinimplahan ko siya at pagkatapos binigay ang bote kay Franco. "Try to feed her," I amiably suggested. Tinanggap ni Franco ang bote. Kabadong pinadede pero di maipasok-pasok ang tsupon sa bibig ng bata. Natatakot na baka masaktan ito. I held his hand to teach him how to do it. Nang mag-simulang sumupsop ang bata, napasulyap si Franco sa magkahawak naming mga kamay. Patay-malisya akong bumitaw. "See? It's easy," tawa ko. Hinele niya ito habang pinadede. At nang tuluyan na itong makatulog, maingat naming inilipat sa crib. Ilang saglit din naming pinagmasdan ang mahimbing niyang tulog bago kami tahimik na lumabas ng kuwarto. Dumaan ang sandali ng katahimikan. Then, the awkwardness started to took over. Akala ko ay magpapaalam na siya dahil baka busy siya at isiningit lang sa schedule niya ang pagsilip sa bata. Pero nanatili siyang nakatayo at palinga-linga parang wala pang balak umalis. Nagkatinginan kami, parehong parang may gustong sabihin pero walang makuhang tamang salita. "Can I stay a little longer?" kusa niya nang wika. I think he read my mind. "Sure," malugod na sagot ko. "Do you want coffee?" Tumango siya. "Thanks." "I need one too. As usual, kulang sa tulog dahil sa trabaho," magaang sabi ko habang naglalakad papunta sa coffee maker para mag-brew. "Do you own this place?" tanong niya. "Hinuhulugan ko pa. Kaya super kayod dahil mahal ang monthly amortization ko," kaswal na sagot ko. Seryosong pumukol siya ng tingin sa akin. "Lauren, thank you for trusting me to be here and letting me hold Audrey." I chuckled. "You're her father, Franco. It's you're right so you don't have to thank me." Napalunok siya at tumingin sa ibang direksiyon. "Pero pwede kang magalit at ipagdamot siya sa akin dahil sa sinabi kong hindi ko siya kayang alagaan at palakihin." Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at mapait na tumawa nang mahina habang pinagmamasdan ang pag-agos ng kape sa mug. "To be honest, I was disappointed. Pero wala na naman akong magagawa dahil desisyon mo yan. Siguro nga hindi ka pa handa lalo't napakalaki ng magiging kapalit nito sayo." I looked at him with a wistful smile. "But what I feel and what I want doesn't matter anymore to me now. Simula nang tinanggap kong maging ina ni Audrey, lahat ng desisyon ko umiikot na lang sa kanya. She's my world now. Kaya kung ano ang magiging mabuti at makakapagpasaya para sa kanya, gagawin ko. At kasama na doon ang hayaan siyang makilala at makasama ang ama niya." "Since you said that... ibig bang sabihin, hindi mo gagawin kay Audrey ang ginawa mo sa akin?" seryosong tingin niya sa akin. Natigilan at napakurap ako sa bigat ng tanong niya. Bakit kailangan niya na namang ungkatin ang nakaraan? "Kaya mo bang ipagpalit ang trabaho mo sa kanya kung kinakailangan?" he asked more. "Yes," walang pagdadalawang-isip na sagot ko. "I can even sacrifice my life for her." Lumiwanag ang kanyang mukha at unti-unting umangat ang dalawang sulok ng bibig. "Samantha is right for choosing you. I am really happy that she met you." .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD