Chapter19

1635 Words
I placed the coffees on the center table in my small living room where Franco was standing and silently looking at the framed photos displayed on the console. "Here's your coffee," malugod na sabi ko. Naupo siya sa sopa. "Thanks," he calmly sipped his coffee. I settled into a different chair across from him, crossed my legs, and absentmindedly ran my fingers through my long hair while quietly sipping my coffee. “Are they your family?” he asked, nodding toward the picture frames on the shelf. "Yes," sagot ko sabay isa-isang itinuro ang mga nasa litrato. "Mom, Dad, William and Rajah...mga kapatid ko. Si Jordana, asawa ni William, at 'yung dalawang bata, anak nila. Then si Lolo at Lola. Maliban kina Lolo’t Lola, andito sila kanina. Tinulungan nila ako sa pag-asikaso ng pag-uwi ni Audrey." Tumango siya at ngumiti, halatang natuwa sa narinig. We never had a chance to talk about each other's families or circle of friend's noong kami pa. That short moment we shared, we spent it purely about getting to know each other's personality and making the most of the little time we had. Andoon pa yung malaking portion ng oras ko sa trabaho na naging kahati pa ng maiksing panahon ng relasyon namin. "Si Rajah, is she the sister who asked for video greeting?" he asked. Natigilan ako sa paghigop ng kape, hirap maniwalang tumingin sa kanya. "Yes. Wow, you still remember that." He chortled. "I have good memory." I smiled and continued sipping my coffee. I noticed na palinga-linga pa rin siya sa paligid. Nahihiyang ngumiti ako. "There's nothing much to see in this condo. I was living alone and I was in the hospital most of the time so I didn't have much time decorating this place," paliwanag ko. "Yeah I understand, you're still a minimalist." Natigilan na naman ako. Matalas nga ang memorya niya, mukhang pati hitsura ng apartment ko sa Amerika ay naalala niya pa. "But now that Audrey is here," dagdag ko, "I’m thinking of hiring an interior designer to make this place more child-friendly. Something that would suit her as she grows up. If you have nice idea to suggest, you can tell me." "Magtatanong ako sa mga kakilala kong interior designers," he gladly answered. Bakas sa mukha na interesado siya sa ideya. Dumaan ulit ang katahimikan. Ilang segundo pa, sabay pa naming binigkas ang pangalan ng isa’t isa. "Go ahead," sabi ko, bahagyang nakangiti. "It's okay, you go first," sagot niya, sabay senyas gamit ang kamay na ako na muna. "No you go ahead," I insisted. Uminom muna siya ng kape bago nagsalita. He cleared his throat. “Lauren, are you sure you're not dating anyone? O kahit man lang nanliligaw? I don't want to ruin your personal life. Baka kasi bigla-bigla na lang akong dumalaw dito sa condo mo, tapos may magalit. Napatawa ako. “Wala kang dapat ipag-alala. Wala akong boyfriend, wala ring manliligaw, at lalong walang ka-fling. Halos buong buhay ko, umiikot sa ospital. If you want to visit Audrey, just let me know. Pero sana next time, magbigay ka ng heads-up. May spare key si Rajah sa unit na 'to, at sa makalawa, darating na rin ang yaya ni Audrey. I need to make sure na hindi ka nila makikita. Mababaliw ang kapatid kong yun pag nalaman niyang ikaw ang ama ni Audrey." Ngumiti siya at tumango. "Yes. I will do that. Hindi lang ako nakapagsabi ngayon kasi akala ko di ako pwede but last minute nakansel yung schedule ko." Tumingin siya sa akin. "Ikaw, anong sasabihin mo?" "Actually, gusto ko sanang malaman kung ano ba talaga ang plano mo pagdating kay Audrey? Are you really going to keep it a secret from everyone? How about to your girlfriend?" seryosong tanong ko. Bumuntong-hininga siya. "I'm planning to tell it to Shannon and to my management company... I will let them know that I am treating Audrey like my own daughter because of Samantha. They know Samantha. They know our story. Alam nila kung gaano ko siya inalagaan at prinoteksiyonan. So they will understand if I want to take care of Audrey too. If I do that, maybe I can borrow Audrey once in a while without any worries." "So you will still not tell them the whole truth," I sighed in disappointment. Hindi siya sumagot. Imbes ay uminom siya muli ng kape. Medyo nadismaya man ako, naiintindihan ko rin kung bakit gano'n ang diskarte niya. Baka para sa kanya, ito ang pinakamagandang paraan para makasama si Audrey nang walang gulo o eskandalo. At least may ginagawa pa rin siyang hakbang para makasama ang bata. “Pero please,” seryoso kong dugtong, “make sure na hindi siya makukunan ng litrato o ma-e-expose sa media. I don't want to shock my family too. Hindi nila alam na andiyan ka lang pala na pwedeng magpalaki sa bata. If they know from the start, they will never agree to my decision to raise Audrey." "I'll be careful," pangako niya. "As long as the people around me knows that she's just Samantha's daughter. Walang magiging issue sa akin at kay Audrey." Mabigat man ang dibdib ko, tumango ako. "But Franco. I have a concern. And I want to ask your opinion too. While raising Audrey, gusto ko sanang ilihim muna sa kanya ang tungkol kay Samantha. I want her to grow up believing that I'm really her mother until such time na kaya niya nang maunawaan lahat. Ayoko kasing habang lumalaki siya eh matatanim na sa isip niya na iba siya kaysa sa ibang mga bata." "I understand and I support your decision," malumanay na sagot niya. “Pero kung ipakikilala mo siya kina Shannon at sa management mo bilang anak ni Samantha, parang hindi na rin matutupad 'yung gusto ko,” mahinang sabi ko. "Don't worry. I'll only introduce Audrey to my trusted people. They can keep a secret. I'm sure Shannon will respect that decision too." Ngumiti ako. "Thank you." Kumislap ang aking mga mata nang may maalala. "Wait, I have something to show you." Pumasok ako sa kwarto nang may maingat na mga hakbang para huwag magising ang bata. Kinuha ko ang isang litrato sa drawer ng dresser. "I want to return this to you." Pinakita ko ang litratong magkasama sila ni Samantha. "Nabuo ang idea ko na baka ikaw ang ama ni Audrey dahil dito at..." ilang saglit akong nag-alinlangan. "bago ipikit ni Samantha ang kanya mga mata, ibinulong niya ang pangalan mo sa akin." His face slowly changed as he stared in the photo. Naroon ang sakit sa kanyang mga mata. It's not a pain of guilt but a clear pain of love. I wonder, kung hindi lumayo si Samantha, would he still fell in love with Shannon? Gustuhin ko mang malaman ang mga katanungan sa aking isip, pinili kong manahimik. Hindi ko lugar para hukayin ang personal niyang buhay. Marahan niyang tinulak pabalik sa akin ang litrato. "You can keep that," mapaklang ngiting sabi niya. "That picture belongs to Samantha, you can keep it and maybe show it to Audrey when she's older. Para kahit paano, may alaala siya ng tunay niyang ina.” His phone rang. "It's my manager," sabi niya sa akin. Tumango ako at hinayaan siyang makipag-usap. "I have to leave now Lauren. Magkikita kami ng manager ko," paalam niya. "Okay," malapad ang ngiting sagot ko. Magkasabay kaming tumayo. "Maraming salamat sa pagbisita kay Audrey. Next time don't hesitate to call me if ever you want to see her again." He smiled back while wearing his cap. "Thanks for the coffee. Huwag ka ring magdalawang-isip tumawag sa akin kung kailangan mo ng tulong ko." "Yes," ngiti ko. Pinuntahan niya ulit si Audrey upang pagmasdan ng ilang sandali. He whispered her goodbye ang gently kissed her soft hand. Bago umalis, nagsuot ulit siya ng facemask. "Be careful not to be recognized," malugod na paalala ko habang nakasilip sa pinto bago ito isara. Lumingon siya sa akin, tumango at kumaway. Marahan kong sinara ang pinto. Sumandal muna ako dito ng ilang sandali at huminga nang malalim. Gumuhit ang payapang ngiti sa aking mga labi. Masaya ako na dinalaw ni Franco ni Audrey at masaya rin ako na sa ikalawang pagkikita namin na ito ay mukhang tuluyan na ngang nabura ang pait ng aming nakaraan. Finally we're rewritting a totally new chapter of our lives. Narinig ko ang malakas na pag-iyak ni Audrey. Tarantang natigilan ako sa pagmomoment. Mabilis akong tumakbo patungo sa kuwarto. The baby cried so loud. Animoy naramdaman ang pag-alis ng kanyang ama. Binuhat ko siya at muling pinadede. Ilang minuto kong hinele hanggang sa unti-unti uling inantok. Binalik ko sa crib nang mahimbing na ang tulog. Binalikan ko ang dala-dala ni Franco kanina. Inayos ko ang mga laman ng paper bag. Iba't ibang rattle toys, damit pambaby at blankets. He's really doing effort for Audrey. Masaya at mas lalo akong nagkakaroon ng kumpiyansa sa pagpapalakj ko sa bata kasi ngayon pa lang ay nararamdaman ko nang makakatuwang ko nga si Franco. Kinuha ko rin ang bulaklak. Napapangiting inamoy-amoy ko muna ito bago ilagay sa vase. I put it in the living room baka makasama kay baby yung pollens. Nang maayos ko na lahat saka ako pumasok ng kuwarto. Nagsuklay sa harap ng dresser at nagpahid ng facial cream habang napapangiti dahil naalala ko yung sinabi ni Franco na pareho kaming maganda ni Audrey. I stared closely to my face. Buti na lang kahit laging puyat at lagpas na sa kalendaryo ang edad ko, wala pa ring bakas ng wrinkles sa mukha. Pero nang mapatingin ako sa bandang dibdib ko, nanlaki ang mga mata ko sa pagkagulat. Oh my God! Wala pala akong suot na bra! Napahilamos ako sa mukha sa sobrang kahihiyan. Gusto kong maglaho sa hiya. Bakit ba kasi bigla-bigla siyang dumating?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD