Chapter 20

1679 Words
“What a privilege to be visited by the great Dr. Salazar,” Dr. Nicolas remarked in an exaggerated tone the moment I stepped into his office. Lumapit ako sa mesa niya, hinaplos ang buhok ko gamit ang daliri, saka marahang tinrace ang nameplate na nakaukit ang Glen R. Nicolas, General Surgery. “I have a favor to ask,” maamo at may konting lambing kong sabi. “Can you cover two hours of my duty today? I need to pick up Audrey from my parents’ house tonight. My family has an important event to attend, at walang makakasama si Audrey at ang yaya niya." Sumandal si Dr. Nicolas sa upuan at humalukipkip. "Two hours?" saglit siyang napatingin sa relos at nag-isip. "Okay," he sighed. "It's because you used Audrey's name. But you owe me one today," ngiti niya. My eyes brightened. “Thank you. I promise I’ll make it up to you," mabilis kong sagot. "I'll take note of that," aniya habang tatango-tango. “So, how’s Audrey? Sayang at wala ako nang ilabas siya mula sa nursery.” "She’s doing perfectly well, and she’s absolutely adorable," may pagmamalaking sabi ko. "I could see you're happier now, Dr. Salazar," puna niya. "Yes. very much. Minsan nakakaiyak din ang pagod pero sulit naman lalo't lumalaking malusog ang baby," malugod kong sagot. "Abisohan mo naman ako kung ipapasyal mo siya dito, I want to see that cute baby too," may kasabikang wika niya. "Next monday. I'll bring her to Dr. Llanes, her pedia." "Okay don't forget to chat me that day." "Sure. Thank you ulit Dr. Nicolas. I'll go ahead I have to do my rounds." Bago lumabas biglang namilog ang mga mata ko nang may maalalala. "Siya nga pala Dr. Nicolas. Pwede ba kitang kuning ninong ni Audrey?" Napatayo siya. "Talaga kukunin mo akong ninong?" parang di makapaniwalang bigkas niya. "Yes," ngiti ko nang walang pagdadalawang-isip. "Okay lang ba sayo?" "Of course! I'd love to be her ninong." He chortled."Now I know we're closer than I thought," usal niya. Natawa ako. "Wala akong social life so I don't have many friends. Kayo lang ang mga taong malalapit sa akin. Kinuha kong mga ninong at ninang yung mga tumulong sa akin sa pag-aasikaso kay Samantha." He nodded. "I understand. Kelan ang binyag?" "The date isn't confirmed yet. I will send you the invitation once it's finalized," masigla kong sagot. "Ah you can bring your family, wife or kids." Natigilan siya. Mukhang nagulat sa sinabi ko. "Dr. Salazar I don't have a wife or a kid. I'm single," natatawang wika niya. Ako naman ang natigilan. "Oh really? I have no idea." "Now you know," he said while putting his hands on his coat's pockets. "Yes," I uttered, a bit embarassed. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kanyang mga interns and nurses. "Salamat ulit," tuluyan ko nang paalam. Paglabas ko ng pinto ay agad akong sinalubong ng mga nurses at interns na naghihintay na sa akin para sa rounds. "So where do we begin?" I said as I received the charts. "Room 202 po doktora," a nurse replied. Habang naglalakad sa pasilyo, tumunog ang aking cellphone. It's a message from Franco. I got excited. It's been three weeks since he last texted when he told me that he'd be leaving for Europe to shoot a film. Franco: Are you busy? Me: I'm doing rounds. I'm trying to look stoic while texting. Baka makahalata ang mga kasama ko. Franco: I'm back. Me: Great. Franco: Can I meet you at your hospital? Bigla akong nagpanic. Pupunta siya? Imposibleng hindi siya pagkaguluhan. Me: When? Where? Here? There's a lot of people here. Franco: At the parking lot. What time are you free? I have something for Audrey that I bought in Europe. Me: After my rounds maybe after an hour and a half. Franco: Okay I'll call you when I'm there. Me: Okay, thank you. "Doktora lagpas na po tayo sa Room 202." Napakurap ako at dali-daling ibinalik sa bulsa ang cellphone. "Sorry." I cleared my throat and turned around. Pagkatapos ng rounds, bumalik muna ako sa aking opisina para mag-update ng mga charts. Maya-maya lang ay nag-ring ang aking phone. Tumatawag si Franco. "You're here?" sabi ko agad. "Yes I'm at the parking in front of the hospital." "Sige lalabas ako." Sinabi niya sa akin ang sasakyang minamaneho niya at ang plate number nito. Nilakihan ko ang aking mga hakbang. He's a very busy person. I can't make him wait long. Tiyak na siningit niya na naman ito sa oras niya. Pagkalabas ko nang lobby. Nagpalinga-linga ako upang tanawin kung nasaan ang sasakyan ni Franco. "Dr. Salazar!" Napalingon ako kay Dr. Nicolas na humahangos habang bitbit ang kanyang tablet. “Are you going home already?” tanong niya, halos hingal pa. “Not yet, may pupuntahan lang ako sandali,” mahinahon kong paliwanag. “Why?” “Oh I thought you're going home kaya hinabol kita. I wanted to get your opinion on my patient’s CT scan results,” sagot niya. Pinakita niya sa akin sa tablet ang image. Kinuha ko ang tablet at maingat na tiningnan ang CT scan images. “This is the axial view?” tanong ko habang ini-scroll ang screen. “Yes. I also have the coronal and sagittal reconstructions here,” aniya, ipinakita ang iba pang images. Pinagmasdan ko ang multiple views. “Given these findings, there’s a possibility of early post-op pneumonia, but I also want to rule out pulmonary embolism. Did you request for a CT pulmonary angiogram?” “Not yet. I was going to if you confirmed the suspicion.” “Go ahead and request it," payo ko. “Got it,” sabi niya, sabay kuha ulit ng tablet. “Thanks, Dr. Salazar. By the way saan ka pupunta?" taka niya. I shrugged. "May imi-meet lang ako sandali." "A man? Boyfriend perhaps?" kunot-noong saad niya. Natawa ako. "No. Just someone I know. May ibibigay lang para kay Audrey." "Oh I see. Thanks again," ngiti niya. Pagtalikod niya ay dali-dali akong nagpunta ng parking. Nilapitan ko ang isang Audi sedan at sumakay sa passenger seat nito. "Hi!" bati ko kay Franco. Napasinghot-singhot ako. The car smells like delicious coffee. Bigla tuloy akong nag-crave. "Hi," walang siglang tugon niya. Mukhang nainip sa paghihintay. Nakasuot siya ng puting button-down na malinis at plantsado, nakatupi ang manggas hanggang sa kanyang mga bisig. Medyo magulo ang kanyang buhok, parang ilang ulit na hinaplos habang naghihintay. Bahagyang litaw ang matalim na linya ng kanyang panga at ang kanyang mga labi ay medyo nakapinid. Saglit lamang siyang tumingin sa akin, blangko ang mga mata at hindi mabasa ang ekspresyon. "Sorry medyo natagalan ako. I have to read an urgent CT-scan result," kusa ko nang sabi. "Who's that man you're talking to?" tanong niya nang wala pa ring reaksiyon ang mga mata. "Ah he's Dr. Nicolas. A fellow surgeon. Nanghingi lang sa akin ng opinyon tungkol sa test ng pasyente," may siglang paliwanag ko. Tumango lang siya. Kinuha niya ang kape mula sa cup holders, mukhang kakabili lamang. I saw there's two cups. "Do you want coffee? I bought two?" alok niya. Nagningning ang aking mga mata. "Yes, I want," diretsong sagot ko. "Thank you very much." Iniabot niya sa akin ang isa at agad ko iyong sinimulan inumin. Dalawang oras pa lang ang tulog ko in twenty four hours and this is just my second coffee for the day. "How's your shooting in Europe?" malugod na usisa ko. "Everything went well. Ang pinakaimportante, hindi na kami nag-extend," sagot niya. Medyo nakaangat na ang mga sulok ng bibig. "Eto nga pala ang pasalubong ko kay Audrey." Kinuha niya ang malaking paper bag from the back seat. I put back the coffee in the cup holder. Excited kong tiningnan ang laman ng paper bag. Ang gagandang mga damit. Merong white laced dress na may kapares pang laced bonnet. Parang pang royal baby. Inangat ko ang damit sa hangin habang nakangiti nang malaki. "Who bought this?" natutuwang tanong ko. "Me. I personally chose all of that." Naantig ako. Pwede namang iutos niya pero siya pa talaga ang namili. Pagdating kay Audrey, napansin kong pag kaya niya namang gawin ng personal ay ginagawa niya talaga. "This dress is beautiful. Pwedeng gamitin ni baby to sa binyag." Lumingon ako sa kanya nang may kislap ang mga mata. "Speaking of binyag, nagdecide akong pabinyagan na si Audrey, maybe next month. And Dr. Nicolas, the one you saw earlier, isa siya sa mga kinuha kong ninong," masayang balita ko. Kumunot ang kanyang noo. "Why him?" Natigilan ako at agad naghanap ng paliwanag. “B-Because he’s one of the people closest to me.” Kita ko sa mukha niya na hindi pa rin siya kumbinsido. “Kinuha kong mga ninong at ninang yung mga nakasama kong nag-alaga kay Samantha at kay Audrey dito sa hospital.” Nanatiling walang reaksiyon ang kanyang mukha. "Hindi ka ba agree na ako lang ang nagdesisyon about sa binyag? At ako rin ang namili ng mga ninong at ninang?" napapagtantong tanong ko. "If you want you can also choose from your friends na pwede niyang maging ninong or ninang." Napangiti siya nang bahagya, sabay mahinang tawa. “Sino naman ang puwede kong piliin? I can't think of anybody,” malamlam ang boses niya. “I totally agree with your decision. I just… feel frustrated that I can’t be there,” dagdag niya bago bumuntong-hininga. Nakaramdam ako ng bigat sa dibdib habang tinitingnan ang malungkot niyang hitsura. "Umattend ka, if you want to," I said. Basta ko na lang naisip, mapagaan lang ang loob niya. "How?" mapait na tawa niya. "There's still time. We can still find a way," puno nang pag-asang sabi ko. "I hope so," tipid na sagot niya bago tumingin siya sa akin nang seryoso. "Lauren, when can I borrow Audrey?" Napakurap at napanganga ako sa tanong niya. Tama ba ang dinig ko na hinihiram niya ang bata? "What did you just say?" paglinaw ko. “I want to borrow Audrey,” malinaw niyang pag-ulit, para sa nalilito kong mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD