Chapter 10

1476 Words
Natuwa ako nang pumasok ang sunod na pasyenteng tinawag ng nurse. Si Samantha. May ngiti ngunit nahihiya itong pumasok. She was wearing a knee-length pink dress na mas lalong nagpalitaw ng kanyang baby bump. She loves wearing pink maybe because her baby is a girl as confirmed by her ultrasound result. May dala din siyang isang maliit na travel bag. "Hello Samantha!" malapad ang ngiting bati ko. Mahinhing umupo siya sa harap ng desk ko. "Good morning po, doktora." "Kumusta ka na? Are you here to get the tests?" sabik kong tanong. "Yes Dr. Salazar." Inabot niya sa akin ang isang puting envelope. "Eto po pala doktora ang bayad ko sa inyo. Yung sa bill ko po nung nakaraan. Maraming salamat ulit." Nakangiting tinanggap ko ang envelope. "Walang anuman." My instinct was right. Mapagkakatiwalaan nga siya. "Kamusta ang pakiramdam mo nitong mga nakaraang araw? May mga pagkakataon ba na nahilo ka ulit o nanghina?" tanong ko, sabay bukas ng chart niya. Saglit siyang nag-isip bago tumango nang bahagya. “May ilang beses po, doktora. Lalo na kapag matagal akong nakatayo o kapag hindi ako agad nakakakain. Pero hindi na po katulad nung dati...yung halos mawalan na ako ng malay.” Nagtaas ako ng kilay habang sinusuri ang mga sinulat ko sa chart niya. “Okay. Still not ideal. Pero good to know na hindi na ganon kalala.” Muli ko siyang tiningnan. "Madalas ka pa rin bang nai-stress?" Ngumiti siya. "Hindi na po. Salamat sa inyo doktora. Nang makilala ko po kayo nakaramdam po ako ng security. Para bang may isang tao akong matatakbuhan kapag may mabigat akong pinagdadaanan." "I’m glad you feel that way about me.” ngiti ko. I stood up to take her blood pressure. It's 150/100. Napatingin ako sa kanya. Parang wala namang dinaramdam. Mukhan sanay na ang katawan na nagpaflactuate ang blood pressure. "What do you feel now? May nararamdaman ka bang hindi normal. Like nahihilo ka ba? Masakit ba ang batok mo?" medyo seryosong tono ko. "Wala namang kakaiba doktora. Normal lang po." "Gaano ka ba kadalas magpatingin ng blood pressure?" "Hindi po ako nagpapatingin," inosenteng sagot niya. "Don't you have an Ob-gyne?" taka ko. If she has one. Imposibleng hindi siya nakukuhanan ng BP. Umiling siya. "Wala po." Nakaramdam ako ng kaunting pagkadismaya. "Samantha, that's not very nice. The baby and you needs regular check-up." Nahihiya siyang yumuko. "Bata pa naman po kasi ako kaya akala ko malakas at malusog po ang aking pangangatawan." Napatingin ako sa kanya. She’s young and obviously doing this alone. Walang gumagabay, walang tumutulong magdesisyon. Kaya ganito. Ayokong dagdagan ang bigat ng loob niya. Kaya mas pinalambot ko ang tono ko. “Okay lang. Ngayon alam mo na kung gaano kahalaga ang regular na konsultasyon. From now on, magpapatingin ka na kay Dr. Sanchez, ha? I will refer you to her. She’s one of the best OBs here.” Nag-angat siya ng tingin at tumango. “Opo, doktora. Susundin ko po.” Nilapat ko ang stethoscope sa kanyang dibdib. Her heartbeat remains irregular. Pinakinggan ko rin ang likod niya. Fortunately, malinaw naman ang tunog, walang wheezing o congestion. Her lungs are fine. Bumalik ako sa aking upuan at muling kinuha ang chart niya. Habang nagsusulat, nagsalita siya. “Doktora, may nalapitan po akong isang mabuting tao. Binigyan niya ako ng perang pangpaospital,” masaya pero may halong pasasalamat ang tono ng boses niya. Napangiti ako. “Talaga? That’s good news! Eh kung ganun, why don’t you list that person as your guardian? Para kung sakaling may emergency, may official kaming makokontak para sa’yo.” Nawala ang ningning sa kanyang mga mata. "Hindi ko po yun pwedeng obligahin. Natulungan na po ako sa pera, ayoko na pong maging pabigat pa sa ibang bagay." "Well if that's what you think then I'll respect it," ngiti ko. Itinuloy ko ang pagsusulat. "Doktora may asawa na po ba kayo?" Nagulat ako sa tanong niya. Napaangat ako ng tingin. "Wala pa," napapangiting sagot ko. Why is she suddenly interested in my personal life? I think she's trying to be friendly now. "Anak meron na po ba?" "Wala rin," kaswal nang sagot ko habang tuloy lang sa pagsusulat. "Boyfriend po?" I chuckled. "Wala rin." Tumigil siya sa pagtatanong. Pag-angat ko ng mukha ay nakatitig lang siya sa akin nang may payak na ngiti. "Why are you staring at me like that?" ngiti ko. "Mabuti po kayong tao. Siguro magiging isang mabuting ina at asawa din kayo." "Maybe in the future pero sa ngayon Samantha malayo pa yan sa isip ko," ngiti ko sabay kunot ng ilong. I noted to her chart to give her methyldopa, a medicine for hypertension na safe para sa mga buntis. Pagkatapos ay nilista ko ang mga kinakailangang imaging test and laboratories. Nagpatawag ako ng admission nurse para mag-assist sa kanya sa pag-admit. "I will go to your room later. If you need anything, sabihin mo lang sa nurse station ha," saad ko kay Samantha bago siya lumabas ng aking clinic kasama ang admission nurse. "Aasahan ko po doktora yung pagdalaw niyo sa kuwarto ko," unti-unting sumilay ang kaba sa mga mata niya. "Don't worry Samantha. Kapag nagkaoras ako papasyalan agad kita," pagsigurado ko sa kanya. At kahit marami pa akong kailangang gawin, I know I’ll make time. There’s something about her that tugs a little harder at my conscience. Bumalik ako sa pagsasaayos ng chart. Tumawag ako sa OB department para i-follow up ang referral ko kay Dr. Sanchez. Gusto kong masigurong masusubaybayan si Samantha ng tama lalo’t sensitibo ang kanyang kondisyon. Tinapos ko muna ang mga natitirang pasyente na nakapila para sa konsultasyon. Isa-isa ko silang tiningnan, sinuri, at binigyan ng nararapat na payo at reseta. Nang maubos ang pila, nagbukas ako ng laptop at sinimulan kong basahin ang mga MRI images na kailangang i-review. Isa ito sa mga parte ng trabaho na nangangailangan ng buong focus...walang puwedeng palampasing detalye. Habang pinagmamasdan ko ang mga imahe, hindi sinasadyang napalihis ang takbo ng aking isip. Naalala ko ang sinabi ni Samantha kanina na magiging mabuting ina at asawa raw ako. Napangiti ako nang bahagya. Honestly, I’m not even sure if that part of my life will ever happen. Sa dami ng oras na ginugugol ko sa ospital, parang imposible na ngang magkaron pa ng personal na buhay. Pero aminado ako, nakakataba ng puso na marinig mula sa ibang tao na may potential pa rin ako para sa ganun. Na hindi pa ako late. Well I'm only thirty tree. In this era, thirty three is the new twenty three. Baka nga kailangan ko lang bigyan ng chance ang sarili ko na maniwala. Just like Franco, siguro panahon na rin para muli kong buksan ang aking puso para sa pag-ibig. Napailing ako at agad pinutol ang paglalakbay ng isip ko sa kung saan-saan. May nakaschedule akong operasyon mamayang gabi, at kailangan kong ayusin ang focus ko. Hinanap ko ang MRI ng pasyente, huminga nang malalim, at ibinalik ang atensyon sa detalyado at maselang pagbasa ng mga imahe. May kumatok sa pintuan ng opisina ko. Hindi ko na naitaas ang ulo dahil abala ako sa pagbubusisi sa MRI ng pasyente. “Busy ka ba?” pamilyar na boses ang narinig ko. Napalingon ako. Si Dr. Nicolas, nakasandal sa pintuan, may bitbit na tablet. “Always,” sagot ko habang sinusulyapan siya sa ibabaw ng laptop ko. “Pero kung may kailangan ka, I can spare a few minutes.” Dumiretso siya sa coffee machine at nagbuhos ng kape sa tasa. "I just want to ask your opinion Dr. Salazar. Yung follow up scan ng pasyente natin sa Rm. 503. Medyo may kakaiba akong napansin sa liver.” Nilapag niya ang tablet sa harap ko at umupo sa tapat ko. Tiningnan ko ang screen habang humihigop siya ng kape. Tumango ako. “Hmm. Yeah. May patchy enhancement sa segment VIII. Hindi ito ganito noong una nating scan.” “Exactly,” sabay tango niya. “We might want to consider a biopsy soon. Nagpa-panic na yung asawa.” Habang nag-uusap kami tungkol sa findings, nahuli ko siyang seryosong nakatitig sa akin. "Is there something wrong with my face," diretsong tanong ko. "Nothing, napansin ko lang na lately parang mas madalas ka nang ngumiti. Hindi na masyadong istrikta ang dating,"sagot niya nang may ngiting alanganin. “Parang mas blooming ka lang ngayon. Iba yung aura mo.” Natawa ako nang may kasamang iling. "Aura ng kulang sa tulog, yan ang aura ko." He chuckled too. "Anyway, I’ll talk to the patient's family. Gagawa na rin ako ng request for biopsy,” aniya habang tumatayo. “Let me know if you need help explaining it to them,” alok ko. Ngumiti siya. “Salamat Dr. Salazar, hindi ka lang magaling na doktor, maalalahanin ka pa. That's why you're the best doctor here," may pagkindat pang paalam niya na ikinatawa ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD