Chapter 9

1350 Words
I'm sitting in my office updating charts. I just finished my rounds in ICU. Ilang sandali lang ay may kumatok na nurse. “Doc, gising na po yung pasyente. Medyo disoriented pa pero conscious na.” Agad akong tumayo. “Nasa ER pa rin siya?” “Opo, doc. Di pa rin mailipat kasi wala pa siyang official records. Wala rin pong kasama o ID.” Bumalik ako sa ER at binuksan ang kurtina ng cubicle ng pasyente. Nakahiga pa rin siya, pero mas maayos na ang lagay. Wala na ang oxygen tube, though nakakabit pa rin ang IV. Hindi na rin kasing putla ang mukha niya kanina. Her oxygen level had stabilized and her heartbeat showed improvement. Ngayong nagkakulay na ang mukha niya mas lalong tumingkad ang kanyang kagandahan. Pagtingin niya sa akin, bakas sa mukha ang hiya at kaamuan sa mga mata niya. I smiled at her. “Hi, I’m Dr. Lauren Salazar. You collapsed on the street earlier. Ako ang nagdala sayo dito sa hospital." Ngumiti din siya ngunit kulang sa sigla. "S-Salamat. Kumusta po ang baby ko?" may takot sa mga matang tanong niya. She's very soft spoken. "You're baby is fine," I smiled as I deliver the good news. Napangiti siya nang mas malapad at bahagyang nangilid ang mga luha. "Salamat po ulit." "Would you mind if we get your information for our record?" tanong ko nang magaan ang tono. Sumagot siya ng tango. Sinenyasan ko ang nurse para ihanda na ang chart at simulan ang documentation. "What's you're name?" tanong ko. "Samantha Rivas Mercado ho." "Ilang taon ka na?" "Twenty-three po." "Saan ka nakatira?" "Sa Unit 38, Gold Tower Condominium, Makati City." Tumango ako. More likely, malapit lang ang tirahan niya sa kung saan siya nag-collapse. "Sino ang pwede naming kontakin tungkol dito sa pagkakahospital mo?" Ilang sandali siyang natahimik hanggang sa dahan-dahan siyang umiling. "W-Wala po," sagot niya sa mahinang tinig. Nagulat ako sa sagot niya. "How about your parents?" "Ulila na po ako." Lalong nadagdagan ang awa ko sa kanya. "I'm really sorry to hear that." "Okay lang po. Maliit pa po ako nung nawala sila," pilit niyang ngiti, pero halatang may lungkot sa likod nito. Napalunok ako at pansamantalang nagdalawang-isip sa susunod kong itatatanong. "Samantha...how about the father of your child?" Lumungkot agad ang kanyang mukha. Sumilip ang mga luha. Her lips tightened. Tila nahihiyang magsalita. Nilingon ko ang nurse na abala sa pagsusulat sa chart ni Samantha. "Iwan mo muna kami," marahan kong utos. "Yes, doktora," agad nitong sagot bago tahimik na lumabas ng cubicle. Nang kami na lang ang naiwan, muling bumalik ang atensyon ko kay Samantha. "The father of your child... can we contact him?" Hindi siya agad nakasagot. Tumulo muna ang kanyang luha, kasabay ng isang mahina ngunit masakit na hikbi. "He just left me for another woman," halos pabulong niyang sabi, puno ng kirot at pagkapahiya. Para akong nabagsakan ng mabigat na emosyon. Bumagsak ang balikat ko, at kahit sanay na ako sa kwento ng mga pasyente, iba ang epekto sa akin ng mga salita niya. Napakaganda niya, at sa ilang minutong pag-uusap namin, dama kong mabait siya. Anong klaseng lalaki ang kayang iwan ang ganitong babae, lalo pa’t buntis ito? "Yan ba ang dinadala mong problema nung tumatawid ka sa kalsada kanina?" marahan kong tanong. She nodded. "How about relatives, tito, tita, kapatid, pinsan or even friends. Kahit sino na pwedeng maging guardian mo." Umiling na naman siya at yumuko. "Wala po. Mag-isa na lang po akong namumuhay ngayon. I have few acquaintances pero hindi ko naman sila pwedeng abalahin o obligahin." Tumingin siya sa akin. "Nag-aalala po ba kayo sa babayaran ko dito? I can pay you doktora. Wala lang po akong dalang pera ngayon pero pangako ko po babalik ako para bayaran kayo." I chuckled and shook my head. "It's not about money. I think I have to admit you in this hospital. I want to run series of tests. You have a heart problem and I want to know how serious it is." Agad siyang natigilan. Nabura ang konting lakas sa mukha niya at muling napuno ng takot ang mga mata. Pinahid niya ang mga luha at napatitig sa akin. "Makakaapekto po ba 'yun sa baby ko?" "Possibly," tapat kong sagot. "Kaya gusto ko sanang simulan agad ang mga tests para maagapan natin kung may anumang komplikasyon. The sooner we understand your condition, the better we can protect both you and your baby." Lumamlam ang kanyang mga mata. "Malaki ba ang magagastos doktora?" "I can't tell yet. Depende kung gaano kaseryoso ang kondisyon mo." "Kasi po wala akong sapat na pera ngayon. Baka ang kaya ko lang ay bayaran ang magiging gastos sa pagkakahospital ko ngayon." Ilang saglit kong pinag-isipan ang isasagot ko. I can't just let her go like that. Paano kung kailangan ng emergency attention ng puso niya. What if paglabas niya ay muli na naman siyang mag-collapse. "Don't worry about the bill, I can be your guarantor." ngiti ko. "Ang bait niyo naman doktora. Tinulungan niyo na nga ako madala dito sa hospital tapos willing pa kayong akuin ang bills ko." Umiling siya. "Maraming salamat pero huwag na ho." "But it's for the safety of you and your baby," pagkumbinsi ko. "Alam ko po. Huwag kayong mag-alala. Babalik din po ako agad dito. Gagawan ko lang po ng paraan ang perang kakailanganin ko." Tiningnan ko siya sa mata. “Pangako mo 'yan, ha?” Tumango siya at bahagyang ngumiti. “Opo, doktora. Pangako.” Na-discharge siya ng ER, pero pinapirma muna siya ng waiver. Ako na muna ang nag-shoulder ng bill niya. Ewan ko kung bakit, pero may tiwala ako sa kanya. Maybe it’s the way she looked at me, o yung tono ng boses niya...kalma pero totoo. I just feel na babalik siya. Hindi lang para magpakonsulta ulit, kundi dahil alam niyang hindi lang buhay niya ang nakataya. Pagkaalis niya ay tinawagan ko si Rajah. Pinaalam ko sa kanya na nakauwi na ang pasyente para mawala na rin ang pag-aalala nito. Naglakad ako pabalik ng ICU para imonitor ang pasyenteng inoperahan ko. Napadaan ako sa waiting area, sa TV ay eksaktong binabalita ang tungkol sa bagong relasyon ni Franco. Pansamantala akong tumigil para manood. Nang tanungin si Franco tungkol sa relasyon nila, ngumiti siya bago sumagot, “I’m genuinely happy right now. She brings so much color and inspiration into my life. Shannon is incredibly sweet. Behind all the glitz and glam is a simple, kind, humble, and sincere woman. I fell in love with her personality, her beauty is just a bonus.” At sa muling pagbigkas niya ng mga salitang iyon, nasulyapan ko na naman ang kanyang napakagandang ngiti. Hanggang ngayon, wala pa ring tatalo sa kanya...siya pa rin ang pinakagwapong nilalang na nakita ko. I was relieved na tama pa rin ang sinabi ko kay Rajah. Na higit sa lahat, ang puso at pagkatao pa rin ng isang babae ang tinitingnan ni Franco. Bumuntong-hininga ako nang malalim. Unti-unting bumigat ang aking dibdib. Bagamat inaasam ko ang kaligayahan niya pero may bahagi ng puso ko na nakaramdam ng kalungkutan sa mga sandaling ito. He's all that happy now habang ako ay takot na takot pa ring magmahal muli. Natatakot masaktan o muling makasakit. Wala naman akong dapat sisihin kundi ang aking sarili o kung dapat nga ba akong magsisi. Pinili ko ang karera at pangarap ko. Natupad ko naman ang gusto ko at masaya naman ako sa buhay at propesyon ko ngayon. Sadyang may mga bagay lang na kailangang pakawalan para makuha ang bagay na mas higit mong minimithi. In Franco's case, I'm happy that he can have both now. "Mukhang napakainit talaga ang balitang yan ngayon kung pati ang unbothered na si Dr. Salazar ay nagkakainteres manood." Napaiktad ako nang marinig si Dr. Nicolas. He's standing beside me. Ngingiti-ngiti siya. Asiwa akong ngumiti. "My sister was talking non-stop about it kanina. Eksaktong binabalita pagdaan ko kaya na-curious na rin ako." Hindi ko na siya hinayaang makasagot pa. "I'll go ahead. Imomonitor ko lang yung pasyente ko sa ICU," mabilis kong pag-iwas sabay nagmadali akong lumakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD