Chapter 8

1364 Words
"Alam mo Rajah kesa sa umuubos ka ng pera diyan sa mga concert na yan. Why don't you spend more money sa pagpapaganda? Bumili ka ng mga make up, skin care o mga trendy na damit. Look at your fashion sense," mabilis na sulyap ko sa aking kapatid habang naka red light pa. "Ate I'll choose kung ano ang mas nakakapagpasaya sa akin," katwiran niya. "And what's wrong with my fashion? I dress for comfort not for the opinion of people around me." Napangiwi ako sabay tingin sa kanyang sneakers. "Look at your shoes. Kelan ba huling nalabhan yan?" "It's clean ate mukha lang madumi para aesthetic. Sadyang ganyan ang feel kong isuot, yung mukhang cowboy lang. Walang arte. Ang corny kaya nung sobrang puti! Parang batang clean and proper? No thanks, ayoko nun!” "Tsk," iling ko. "Kaya ka hindi nagkakaboyfriend." She looked at me with wider eyes. "Wow coming from you ate!" "I have valid reason why I can't have boyfriend. I don't have time for a relationship," irap ko. "Pero ikaw you can easily manage your time. Huwag mong sabihin tutuntong ka ng trenta na virgin ka pa." Bigla siyang napalingon nang may nanlalaki uling mga mata. "Bakit ate? Ikaw ba hindi na virgin?" Hindi ako nakaimik. Buti na lang nagreen light na. I pretended to drive seriously. "Weeh ate di nga? Seryoso? Di ka na virgin?" may ngiti at sabik na pangungulit niya niya. Tumaas ang isa kong kilay at taas noong sinulyapan siya. "Hindi porket wala akong nagiging boyfriend ibig sabihin ay wala na akong naging s*x life." Napasinghal siya sa gulat. “OMG! I’m so proud of you, Ate! Akala ko wala kang kahit konting landi sa katawan! Wait lang, was it a f**k buddy? A one-night stand? A fling?” “Let’s not talk about it,” putol ko agad. “It happened a long time ago.” "Okay," kinikilig na sambit niya. "At least I know now na normal ka rin pala." My brows furrowed. "Bakit ikaw hindi ka na ba virgin?" mariing salita ko. “Ay grabe ka, Ate!” gulat niyang sagot. “Siyempre virgin pa. I haven’t found the right man for me,” dagdag niya, biglang naging mahinhin sa dulo "Mabuti naman. Don't ever make a mistake of giving it to someone you don't love." seryosong payo ko. "Ikaw ba ate binigay mo ang virginity mo sa taong mahal mo? Na inlove ka na rin?" I took a deep sigh. "Sort of. Hindi lang talaga nag-work for us." "Aw sayang naman." "Don't worry ate. May darating din na para sayo talaga," may lungkot na tono niya. "Maybe. Pero wala na yan sa isip ko ngayon," kibit balikat kong sagot. Nag-menor ako nang mapansin kong may babae sa sidewalk na tila tatawid. Hindi tumuloy sa paglakad siya kaya inalis ko na ang paa ko sa brake… pero bigla na lang siyang naglakad ulit patungo sa gitna ng kalsada. "Ate! May tatawid!" tili ni Rajah. Mabuti na lamang at naapakan ko ulit ang brake at hindi pa bumibilis ang takbo ko. Hininto ko ang sasakyan at hinayaang makatawid ang babae. Tila tulala ito at wala sa sarili. Pagtapat sa kotse ko ay bigla itong hinimatay. "Omg! What happened?" bulalas ni Rajah. Mabilis akong lumabas ng sasakyan. Sumunod si Rajah. "Be careful ate baka modus yan." By looking at the woman's pale face. I could already tell she's sick. Napansin ko rin ang tiyan niya...malaki, buntis siya. Wala nang pagdadalawang-isip, mabilis ko siyang binuhat. "Help me," utos ko kay Rajah. Pinagtulungan namin itong isakay sa kotse. Sinamahan ito ni Rajah sa back seat. Nanatili itong walang malay. Pansamantala akong nagmaneho para itabi ang sasakyan pagkatapos ay pinulsuhan ko ang babae. She got a weak pulse. I grabbed my stethoscope and put it on her heart. Her heartbeat is very irregular too. “Is she okay, Ate? Buhay pa ba siya?” halos nanginginig ang boses ni Rajah sa pag-aalala. "Her pulse isn't normal. it's very slow." "Anong gagawin natin ate?" Hindi na ako sumagot. Agad akong bumalik sa manibela at pinaharurot ang sasakyan. Kinuha ko ang phone at tumawag sa ER. “This is Dr. Salazar. I'm bringing in a patient. Buntis, unconscious, with bradycardia and irregular heartbeat. Prep the trauma bay now.” Pagdating sa hospital ay sinalubong agad kami ng dalawang lalaking nurse na may dalang gurney. Inilipat doon ang pasyente. Binigay ko ang susi ng sasakyan kay Rajah para siya na ang magpark. Pagdating sa trauma bay ay agad kong kinuhanan ng blood pressure ang pasyente. It's 80/60. Muli ko siyang pinulsuhan. Mabagal pa rin. “Put her on oxygen. Start IV fluids,” utos ko sa nurse. Halatang dehydrated din ang pasyente. "Call the ob-gyne on duty now. Prepare for an emergency OB-ultrasound," dagdag ko pa. Dumating ang ob-gyne at kinuhanan ang pasyente ng ultrasound. Saka ko lang napansin na nasa ER rin pala si Rajah. Kalmado akong lumapit sa nininerbiyos kong kapatid. "Will she be okay, ate?" "Don't worry, she'll be fine," pagkalma ko sa kanya. "Umuwi ka na." "I don't want to. What if she dies, tapos ikaw ang sisihin. I can't allow that to happen. I'm going to be the witness." Natawa ako. "You're overthinking Rajah. Go home. Mas lalo ka lang kakabahan pag nandito ka sa ER. it's not the place for you," Ngumiti ako at kinindatan siya. "Don't you trust your sister. Hey, I'm the best doctor here," pagbibiro ko upang maibsan ang pag-aalala niya. "Sige na umuwi ka na. Stop worrying okay?" Napanguso siya. “S-sige Ate. Basta sure kang safe ka ha?” “Super sure,” kumpiyansang sagot ko. Yumakap muna siya sa akin bago tuluyang umalis. Pagkatalikod niya, saka naman lumapit si Dr. Sanchez, the ob-gyne. “She’s 24 weeks pregnant,” sabi niya. “The baby is healthy.” Nakahinga ako nang maluwag. “Mabuti naman,” tugon ko habang nilingon ang pasyente. She's wearing a loose pink shirt and white sweat pants, kaya hindi ko agad napansin na buntis. Nakakabit na ang heart rate monitor sa kanya. Hindi pa rin normal ang t***k ng puso, pero ang mahalaga...hindi na rin ito lumalala. "By the way, Dr. Salazar, who's that patient? Is she your relatives?" tanong ni Dr. Sanchez. Umiling ako. "She's a stranger. I saw her collapsed on the street." May bahagyang pag-aalala sa mata ni Dr. Sanchez. “Ah ganun ba… Eh, sino ang magbabayad ng bills?” Napatingin ako sa pasyente. May bahid ng lungkot at pagkalito sa dibdib ko, pero sinagot ko iyon nang walang pag-aatubili. “Kung walang ibang lalabas na kaanak o guardian, I’ll take care of it for now.” Tumaas ang kilay ni Dr. Sanchez. “Sigurado ka? You don’t even know her.” “I know. But I also know she needed help." Napabuntong-hininga si Dr. Sanchez. "How ironic that most of the people here call you the 'doktorang manhid' dahil sa pagkaistrikta mo sa trabaho at interns. But here you are doing a noble deed to a complete stranger." Napangiti ako, bahagyang umiling. “I’m strict, yes. Pero hindi ibig sabihin nun wala na akong puso.” Tumingin ulit ako sa pasyente, still unconscious pero mas maayos na ang paghinga. “Let’s just hope she wakes up soon… and tells us who she really is.” Pagkaalis ni Dr. Sanchez, kinuhanan ko ng ECG ang pasyente. And from the mere result of it, I can already tell that the woman has heart problem. Tahimik kong tinitigan ang walang malay na pasyente. Saka ko lamang napansin kung gaano siya kaganda. Even with her eyes closed, hindi maitatangging maganda siya. Maybe she's same age with Rajah or even younger. Maganda rin ang kanyang kutis. Ang damit niya kahit simple ay mukhang branded at bago. She doesn't look poor. Kinapa ko ang bulsa ng kanyang sweat pants baka may cellphone. Unfortunately wala itong kadala-dala kahit ano. Muling naglaro sa aking isip ang hitsura nito habang tumatawid. Mukhang may dinadalang malaking problema. Tila lumabas lamang para maglakad-lakad at magpahangin. My pager beeped. It's from the nurse station in ICU. "Please inform me once she wakes up," bilin ko sa isang nurse bago umalis ng ER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD