Ch#5: Phiwatig (Clues)

2243 Words
"...magkita tayo sa labas ng bahay na ito, Aclesia." Nagising ako sa boses ng isang lalaki na kilala ko. Pero ni anino niya ay hindi ko makita. Nilibot ko ang panangin ko at kita ko na mukhang mahimbing ang tulog ng mga kasamahan ko. Siguro sanay na sila sa ganitong pagtulog. Bumangon ako at sinuot na ang extra ko pa na damit galing sa maleta namin ni papa. Nakuha ito ni Amanda at binigay sakin, kung hindi baka binasura na ito. Sinout ko ang isang floral dress. Hindi naman ako makikita nito dahil maaga ngayon at hindi gabi, at tulog sila ganitong oras. Sinara ko na ang pinto at bumaba na sa hagdan. Magkita daw kami sa labas ng bahay. Tinali ko ang hindi gaanong makulot na buhok ko para hindi sagabal sa mukha ko. Maya maya nakita ko na din ang pintuan at isang bulto ng lalaki sa labas na naghihintay sakin. Pagkalabas ko, naging malinaw na sakin ang mukha ni Hoshi na ngayon ay matalim na naman na nakatingin sakin. Kay aga aga may kasalanan na naman ako. Psh. "Bagal mo." Nagsimula na siya maglakad pagkatapos niya sambitin iyon sakin. Gago pala itong lalaki na ito ah. Ako na nga itong ginising kahit pagod ako, buong gabi at magdamag namin nilinis ang sahig noh. Siya pa itong may ganang magalit. Sarap hambalusin! Sinundan ko na lang siya sa likod. Hindi ko alam kung ano ba meron ngayon at saan niya ako dadalhin. Baka irape na talaga ako nito!! Kalma selp!!!! "Tsk." "Aray!" Sakit ng ilong ko. Bigla bigla kasi huminto, ayan tuloy nabunggo ako sa likod niya. Problemado ba itong gungong? O broken hearted? Nakakainis na siya! "Huwag ka sumunod sa likod ko. Dito ko sa tabi ko." sabi niya ng may awtoridad na tono. "Ikaw nga itong humihinto ng bigla biglaan e." sabi ko sabay himas ng ilong ko. "Sorry...Did I hurt you?" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sakin. Okay? Nacricringe ako sa kanya kahit nagkiss na kami. Ewan. "Malamang! Pabigla bigla ka kasi." sagot ko naman. "Wait, sabihin mo sakin kung masakit pa.." sabi niya sabay gawa ng isang scale o kaliskis at nilagay sa ilong ko. Malamig siya nung nilagay na pero nagiging warm na din. Nakakarelax naman nito. "Does it still hurt?" tanong niya. Bakit ba ang concern niya ngayon e, parang kanina ang sungit sungit. "H-hindi na, tyaka layo ka ng konti ang lapit mo." sabi ko sabay iwas ng tingin. Gwapo niya kasi. Di ko keri! Ang lapit pa naman ng peslak niya sakin. Okay ang oa ko :') Napabuntong hininga na lang siya at tinignan ako. Hindi ko talaga mabasa kung ano nasa isip niya. Bakit niya ba ako tinitignan? Kinapa ko naman ang mukha ko baka may dumi. Narinig kong natawa siya ng konti. Tumatawa din pala itong gungong? "Bagay sayo ang nakalugay, kaya huwag mo na itali." sabi niya sabay kuha ng tali ko sa buhok. Iniwas ko ang tingin ko at hinayaan na lang ang buhok ko na nakalugay. Hindi ko alam pero ang bilis ng t***k ng puso ko. Ngayon lang ito nangyari. "Let's go?" tanong niya. Tumango na lang ako at nagsimula na maglakad sa tabi niya. Napangiti na lang ako ng palihim at tumingin sa dinadaanan namin. Ngayon lang kasi may nagcompliment na bagay sakin ang nakalugay na buhok. Si papa kasi lagi ako tinutukso na unggoy ako. :( - Tumigil kami sa isang gate. Lumang gate. Sabi ko nga ba irarape ako nito e! T^T "Huwag ka mag alala, walang mangyayaring masama sayo." Halata ba sa mukha ko ang mga iniisip ko? Napanguso na lang ako habang sinusundan siya papasok sa gate. Tinitignan ko lang si Hoshi kasi hindi ko alam kung ano nangyayari sakin. Nakasimpleng shirt lang siya na sinamahan ng blazer na parang jacket. Binagayan din yan ng isang short pants. Pagkapasok namin ay natigilan ako. Natigilan ako dahil sa mga magagandang tanawin. Maraming bulaklak, iba iba ang kanilang mga kulay. Mga dahon na sumasabay sa hangin. Ang malawak na kapatagan na siyang nasisinagan ng araw. Ang ganda parang nasa isa akong garden. Mali, parang nasa isang paradise ako. "Waaahhhh!! Ang ganda dito Hoshi!!!!" sigaw ko habang tumatakbo sa mga damuhan. Madalang na lang kasi kami ni papa pumunta sa mga bukid o province kaya ngayon, sobrang saya ko. "Buti nagustuhan mo. Kung gusto mo pwede kita samahan pumunta dito kung gusto mo." sabi niya at nilingon ko naman ito. Hindi ko akalain na may mas magandang view pa. Si Hoshi, nakangiti habang nakaiwas ng tingin sakin. Lalo siyang gumwapo pagnakangiti. Pero ang cool niya din pag masungit. "Oo ba! Gusto ko pumunta dito lagi. Gusto ko maamoy ang sariwang hangin at ang mga bulaklak dito." sabi ko sabay higa sa gitna ng mga bulaklak. "Now, you look more happier than before." sabi niya sabay higa sa tabi ko. Nilingon ko siya ng may pagtataka. Ano ba ibig sabihin nun? Malungkot ba ako? Parang hindi naman ah. "Ang creepy mo." sabi ko. "Hahahahahahahah!!! Ang ibig kong sabihin, masaya ka na ngayon kahit wala si papa mo. Napapansin ko kasi na parang hindi ka nasanay na wala si papa mo." sambit niya. Napangiti ako. All this time, binabantayan niya pala ako. I should be thankful for him. - Hoshi's POV Habang nagkwekwento siya tungkol sa masayang ala ala niya sa kasama ang papa niya ay nakatingin lang ako sa kanya. I don't know but I am interested of her. Wala pa akong ibang babae na nahalikan sa labi. Sa pisngi oo, noong bata pa ako may hinalikan na akong babae sa pisngi. Speaking of that girl. Hindi ko alam ang pangalan niya kahit mukha niya di ko na makilala. But, meron siyang cut sa dibdib. It doesn't matter kung makikita ko pa siya ulit. I am now comfortable with this woman beside me. Tahimik lang akong nakikinig sakanya habang tinitigan siya. She looks innocent, she was more like an angel. Her ocean blue eyes, that shines whenever the light reflects it. Her long eyelashes that emphasize her big cute eyes. Her cute nose. Her rosy cheeks. Her pinkish lips, that I have tasted it and I want it even more. Natigilan ako sa mga iniisip ko. Nagiging manyak na ako. But seriously, I don't know what is this feeling. Kapag nakikita ko siya na nagtratrabaho, kahit mapayat siya, I can see the determination in her eyes. Napansin kong napahikab na ito at unti unti na siyang nakatulog. Napagod siguro kakakwento. Pfft. I brushed off some of her hair that covers her angelic face. His father asked me a favor to be her protector at hanggang doon lang iyon. Noong una, para lang siyang laruan saakin even the kiss is not serious. Pero nung nakita ko kung gaano siya katakot at iyak lang ng iyak, parang gusto ko na talaga siyang protektahan. Hindi ko man alam ang buo niyang pagkatao pero alam kong konektado ang lahat na mga pangyayari sa kanya. Dapat ko rin alamin ang buong pagkatao ni Clesyaela na ngayon ay kapangalan na ng Prinsesa na matagal ng wala dito. Aclesia. - Clesyaela/Aclesia's POV Nagising ako sa awit ng mga ibon sa paligid. Nakatulog pala ako, hindi ko man lang namalayan. Napagod ako kakukwento ng buhay ko kasama si papa. Umupo ako at tinignan ang lalaking mahimbing ang tulog. Hindi siguro biro ang pagiging Master niya. Makikita mo na may mga hindi halatang eyebags. Tumayo na lang ako at maglibot, malapit na rin kasi magtanghali. "Ang ganda talaga dito. Pwede na ako magpatayo ng bahay." sabay tawa ng mahina. "Gusto ko din makita mo ito Pa, balang araw madadala kita dito. Kailangan ko lang malaman kung saan kita matatagpuan." dugtong ko pa. Maya maya sa hindi kalayuan ay may nakita akong isang itim na anino. Nakaramdam ako ng takot, para kasing nasaakin ang punta niya. Atras lang ako ng atras hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sakin. "Gusto mo ba na makita ang iyong Ama?" tanong nito na mas nakakadagdag ng kaba ko. "Oo, gusto ko malaman kung saan ko siya matatagpuan?" tanong ko kahit takot ako dito. "Matatagpuan mo siya sa isang pinagbabawal na kagubatan. Sa pinakagitna at pinakadilim. Kasama nito ang puso ng isang bulaklak. Hanapin mo sila, hanapin mo ang mga magulang mo." "Teka, saan ko ito mahahanap?" subalit hindi na ito sumagot sa tanong ko at bigla na lang naglaho. Saan ba galing ang anino? Mga magulang? Ibig sabihin buhay si Mama? Saang kagubatan ko ba sila hahanapin? Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap. Tanungin ko na lang si Hosi o si Amanda. Pero ang bilis ng t***k ng puso ko nang marinig na sila, totoo nga ba na buhay ang Ina ko? "Saan ka ba galing? Pagkagising ko wala ka na." "Ah..hehehe..naghahanap kasi ako ng magagandang bulaklak para iuwi ko sa bahay." sagot ko sabay pakita sa kanya ng mga bulaklak. "Gisingin mo ako, hindi iyong aalis ka kaagad."seryoso niyang sabi sabay talikod sakin. Sungit mode activate naman. - Nakauwi din kami sa bahay, buti tanghali na, gutom na ako. "May pagkain sa kusina o ipagluluto na lang kita?" tanong ni Hoshi sakin. "Kuha na lang ako sa kusina. Salamat pala ngayon, Hoshi." sabi ko sabay ngiti sa kanya "Ah, walang anuman." sabay iwas niya sakin. Kanina pa siya ah. Pumasok na ako sa kusina at naghanap ng pagkain. Trabaho na naman mamaya. Ilang kaya ang customer ang darating? Kumuha ako ng isang tinapay at nilagyan ito ng cheese. Buti na lang may natira pa. Wala kasi mga chef dito kaya wala rin pagkain dito. Lumabas na ako dala ang pagkin ko. Hindi ko na rin nakita si Hoshi, umalis na siguro ito. Habang papunta sa taas, may nadaanan akong hindi pamilyar na lugar. Tinigna ko ang pangalan na nakaukit sa itaas ng pintuan. "Library..." Baka dito ko na mahanap ang pangalan ng pinagbabawal na kagubatan. Pumasok na ako at makikita mo na ang luluma na ng mga libro dahil sa alikabok. Pinagbabasa ko ang nga title ng mga libro, nagbabasakaling mahanap ko ang... "...Diary?" sambit ko. Kinuha ko ang libro Naghanap ako ng mauupuan at sinimulan na ang pagbabasa. Kaninong diary ito? "Ako'y masaya nung nagkasundo ang mga tao at ang Astrals subalit ito ay nagwakas din. Hindi nagtagal ay namatay ang aking Ama. Pinatay niya ang kaniyang sarili. Noong mga panahong iyon, tumakbo lang ako ng tumakbo sa isang kagubatan dala ang lampara na siyang tangi kong ilaw. Iyak lang ako ng iyak dahil sa pagkamatay ng aking Ama. Unti unti ako naligaw sa kagubatan hanggang sa nakaabot ako sa pinakadilim na bahagi nito. Bigla akong kinabahan ng may narinig akong mga apak ng isang tao. Baka ako'y patayin nito. Pero nagkamali ako. Isang matipuno at makisig na lalaki ang tumambad sakin. Naligaw rin siya ayon sa kaniyang pakukwento sakin. Hindi ko makakalimutan ang kaniyang mukha. At hindi ko makakalimutan ang unang tao na tinitibok ng puso ko. Ilang araw din kami nagsama hanggang sa tuluyan na nga kaming nahulog sa isa't isa. Tinago namin ang relasyon sa mga Astrals dahil mapaparusahan ako. Nang gabi iyon, ay naging isa kami, mga mainit na halik at ang pagkiskis ng amin katawan dahil sa pagibig. Ilang araw at buwan din kaming nagtatago pagnakikita kami at nagagawa ang pakikipagtalik. Oo, mahal namin ang isa't isa kaya nagagawa namin iyon. Makalipas ang araw ng malaman ko na ako'y buntis at tao ang dinadala ko. Nalaman din ito ng aking tiyahin at sobrang galit ito. Hinintay nila akong manganak pagkatapos ay palayasin na ako dito. Noong dumating na ang araw ng kapanganakan ko ay lumabas ang isang magandang innocenti na sanggol. Ramdam ko na parang nakikiliti at nasisiyahan ang aking puso. Noong mga gabing iyon ay hinanap ko ang lalaking sinisinta ko habang bitbit ang sanggol, narinig ko na ipapakain nila sa halimaw ang anak namin kaya kailangan itakas ko siya rito. Natagpuan namin ang isa't isa malapit sa kagubatan. Ibinilin ko sa kanya na ang sanggol na bitbit ko ay kanyang anak at hindi ito ligtas sa Mundo namin. Nagpaalam kami sa isa't isa, kahit masakit ay kailangan ko umalis at iwan ang mundo namin. Balang araw makikita ko din ang aking anak at ang aking sinisinta na si Rafaelo. Mahal na mahal ko kayo. Prinsesa Aclesia." Nabitawan ko ang libro dahil sa ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Paanong nakasama at nabanggit si papa ko sa Diary ng Prinsesa na wala na dito? Pinulot ko ang libro at niyakap ito. Kung totoo man na si papa ko ay sa mga nabanggit, papaniwalaan ko na Ina ko ang Prinsesa na ang ginawa lamang ay magmahal ng lubos sa isang tao. Pinunasan ko ang mga luha na dumadaloy sa aking mga pisngi. Umiiyak ako hindi dahil sa nalulungkot ako, umiiyak ako dahil sa masaya ako sa mga natuklasan ko. Kahit hindi ko alam ang totoo pero papaniwalaan ko na ang Ina ko ay si Prinsesa Aclesia, kahit sa ngayon lang. Pangulila ang isa sa mga nararamdaman ko pero hindi ito mahihigitan ang saya na nararamdaman ko. Mahal ako ng Ina ko, mahal na mahal na mas pinili niya akong iligtas at ibigay kay para hindi ako madamay sa kaguluhan. Buo na ang pagkatao ko. Buong buo na ako. Mas lalong gusto ko sila agad mahanap. Buhay ang Ina at Ama ko. Buhay sila. Hindi pa rin tumitigil sa pagbuhos ng mga luha ko. "Salamat....salamat sa Diary mo, Mama." at tuluyan na nga bumuhos ang mga luha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD