Ch,#6: Jealous

2103 Words
"Aclesia..." Napalingon ako taong tumawag sa akin. "Amanda...." sabay yakap sa kanya. Tuluyan na akong napahagulhol. "Aclesia—A-ano nangyari sayo? Bakit ka umiiyak?" "Mahal ako ng mama ko...*sniff*....hindi niya ako iniwan...." ...nandito siya sa puso ko. Mga katagang gusto kong sambitin ngunit hindi ko na masabi dahil sa iyak ko. Hindi ko inaakalang sa diary ko pa mismo makikilala ang Ina ko. "Tahan na, panigurado ayaw ng mama mo na nakikita ka na umiiyak." sabi niya at hinaplos ang nakalugay ko na buhok. "Ang saya ko Amanda, sobra." "Ako rin, Aclesia. Kita ko kung gaano ka kasaya na makilala mo ang iyong Ina. Balang araw magkikita rin kayo. Ano ba ang pangalan ng Mama mo?" tanong niya. "Aclesia ang pangalan niya, iyan ang sabi ng Papa ko simula nang magkamalay na ako sa mundo." diretsang sagot ko na ikinagulat niya. "Aclesia?......possible kayang..." Banggit niya ngunit hindi ko na narinig ang dulo dahil pabulong na ito. Binaling ko na lang sa Diary ang atensyon ko. "Halika na, kailangan pa natin ayosin ang mga mesa para sa meryenda ng mga customer mamaya." Sa huling sandali ay tinignan ko ang buong library. Nilagay ko sa maliit na mesa ang diary ng Ina ko. Pinuntahan ko na si Amanda sa labas na naghihintay sakin. Panatag na ako, panatag na ako ngayon dahil alam ko na buo ako. Buhay man o patay na ang mama ko, masaya pa rin ako na nakilala ko siya. "Amanda, bakit gising ka sa ganitong oras?" tanong ko sa kanya. Pansin ko na gising siya sa ganitong oras kahit hindi naman gabi. "Dahil sa kapangyarihan ko." "Wow! Ano ang kapangyarihan mo, Amanda?" "Sleepless Morning." "Paano iyon? Like paano mo nagagamit iyon?" ang ganda ng pangalan ng kapangyarihan niya. "Kaya ko utusan ang sarili ko kung hanggang anong oras ako matutulog o magigising." sagot niya naman. "So, ibig sabihin nagagamit mo ang kapangyarihan mo pag gabi?" "Oo, kaya gising ako ngayon at mula pa kanina nung umalis ka." sabi niya na ikinatigil ko. Alam niya ba kung ano ginawa ko? "Sinundan mo ba ako?" "Oo, hanggang sa pintuan. Sabihin mo nga, ano meron sa inyong dalawa ni Master Hoshi?" tanong niya na siyang pagpula ng mga pisngi ko. "Uh—Kasi may atraso ako sa kanya. Oo, iyon nga! May atraso ako sakanya!" sabay pilit na ngiti. Paano pag nalaman nila na kasama ko si Hoshi? Malalagot ako nito. "Hahahahaha—Huwag ka nga kabahan sa mga tanong ko. Kung ano man namamagitan sa inyo ni Master Hoshi, masaya na ako doon. Masaya ako kay Hoshiro dahil unti unti na siya bumabalik sa dati." sabi niya sabay naunang umalis sakin. Tahimik ko lang inaabsorb ang mga sinabi ni Amanda. Dati? Ano ba nangyari kay Hoshi? Hoshiro? Iyan pala ang totoong pangalan niya. Naglakad ako ng mabilis at naglakad sa tabi ni Amanda. Napangiti na lang ako sa mga nangyayari. Meron akong Ate Amanda na nandyan lagi. Meron akong mga kaibigan na pamilya ko na ngayon. Higit sa lahat, meron akong Hoshiro na magpapasaya sakin na hindi ako hahayaan malungkot. Dadalhin ako sa mga lugar na nakakapagpasaya saakin. Hinawakan ko ang labi ko. Inaamin ko, may crush ako kay Hoshi. Hindi ko alam kailan pa, pero ramdam ko na kilala ko na siya dati pa. - "Waaahhh!!! Ang bango ng niluto mo, Amanda!" inaamoy amoy ko ang mga naluto na. Natatakam tuloy ako. "Hahahahahaha! Ano ka ba, makakain ka rin nito. Iseserve ito mamaya sa atin at sa mga customer." "Ano ba meron mamaya? May birthday ba?" tanong ko. Kumuha ako ng bowl at kutsara at nagsandok ng sabaw. Waaahhhh! "Icecelebrate natin ang pagdami ng customer natin. Sobrang dami kasi nila mamaya." sagot ni Amanda habang inaayos ang mga plato at ang mga niluto. "Eh? Teka paano niyo nalaman iyon?" nilapag ko ang kutsara sa bowl ko at binalingan siya ng tingin. "Si Boss, ang kapangyarihan niya ay amoyin ang magaganap pa lang." sabi niya. Napanganga ako. "Ibig sabihin alam niya ang future? Magpapahula na talaga ako sa kanya." masaya kong sambit. "Hindi ganun iyon, ang kapangyarihan niya ay makaamoy lamang pag malapit na ganapin. Walang Astral ang nagtataglay ng kapangyarihan na makakita ng hinaharap. Kung meron man, siya ay mapapatay." Tumahimik na lang ako at inubos na ang pagkain na hiningi ko sa niluto ni Amanda. Sarap! Ibang klase si Boss, nakaamoy siya ng magaganap. Nakakamangha at misteryoso nila. Sinabi rin sakin ni Amanda ang mga kapangyarihang taglay ng iba pa naming kasamahan. Kaya nila pagalawin ang apoy pag may apoy sa paligid, tubig pag may tubig sa paligid, Hangin pero limitado lang itong gamitin dahil mauubusan rin ng hangin ang nagtataglay ng ganitong kapangyarihan, lupa magagamit iyon pag okay ang kundisyon ng lupa. Soul Detach, Eat paralyze, Sound Distant, Animal shifter, at iba. Isa sila sa mga nalaman ko sa pagkukwento ni Amanda. Grabe, they are unique in their on way. "At ang huli, si Master Hoshi na taglay ang kapangyarihan ng Astral Dragon." "Sa pangalan pa lang, parang hindi agad agad matatalo si Ho—Master Hoshi." sabi ko. "Oo, dahil ang kapangyarihan niya ang nagtataglay din ng kapangyarihan ng tubig at hangin. Ang Astral Dragon ay isang kapangyarihan na pwede mo gamiti sa hangin at tubig. Si Master Hoshi ang pinili. Ngunit may dala rin itong sumpa, nagkakaroon siya ng mga kaliskis o scale ng isang dragon sa kanyang balat." dugtong niya. Napaawang ang labi ko sa narinig ko. Si Hoshi may sumpa rin? "Hindi ba ito mawawala?" tanong ko. Tinulungan ko na lang si Amanda sa mga natitirang gawain. "Pwede ito mawala, pag kinuha ang sumpa sa kanya ay mawawala rin ang kaniyang kapangyarihan." sagot niya. Napayuko na lang ako sa mga nalaman ko tungkol kay Hoshi. Hindi niya man lang nababanggit saakin ang tungkol dito. Matagal na pala siyang nahihirapan sa kanyang kapangyarihan. "Malakas si Master Hoshi, kaya niya ang kung anong sumpang meron siya." ngumiti ng tuluyan si Amanda saakin at tinapik ang ulo ko. Tama, naniniwala ako kay Hoshi. - "Welcome, Sir! Enjoy your stay here." "We offer you a feast of food, this way Sir." "Goodevening, Ma'am. Welcome!" "Here is your room." "Ang ganda ng lugar dito, Hon!" "Yes, Hon. Halika kana sa loob." Unti unti na dumadami ang mga customer. Naging busy na rin si Amanda. Nakita ko naman sina Selene at Luna na nagaassist ng mga customer. Manghang mangha ako sa mga ginagawa nila. Tinignan ko naman sina Pokak at si Ekek. Nagpaplay sila sa entablado. Napailing na lang ako at ngumiti. Paniguradong worth it ang pagod namin dito. "Oh Aclesia, nakita mo ba sina Selene at Luna?" Lumingon ako sa nagtanong sakin. It turns out na si Shine. "Uh—Inaassist pa nila ang mga customer sa room nila." sagot ko naman at ngumiti. "Ganun ba? Sige, salamat Aclesia. O sige alis na muna ako, may mga hindi pa ako tapos sa gawain." "Sige, kita na lang tayo mamaya." sabi ko at nagpaalam na. Kanina pa natapos ang mga pinapagawa saakin kaya gumala na lang ako sa loob at bati ang ginagawa ko. Nadaanan ko ang isang terrace. May nakasandal na lalaki habang umiinom ng wine. Tahimik lang akong pumunta malapit sa likod niya. Nagtago ako nang makita ko ang isang babae sa tabi niya. "Hoshi, isa lang naman hinihingi ko." Hoshi? Hindi kaya... "Divina, I said no." Si Hoshi nga! Nakita ko pang hinahapkos ng babae ang balikat ni Hoshi. Parang hindi ko gusto ang galawan niya. Nakakainis. "Just this once.....please." "Ano ba Divina! I already said no! I already talked to you, are you not satisfied?" Sinigawan siya ni Hoshi. Pfft—Bagay sa kanya! "Please, if you are done already Divina, leave. Leave me al—" Nagulat ako at hindi ko inaasahan na matabig ko ang flower vase sa gilid ko. Nabaling naman ang tingin ni Hoshi at ng malanding babae. Hinalikan ng babae si Hoshi kanina at iyon ang dahilan bakot nabasag ang flower vase. "Uh—Sorry! Naistorbo ko ata kayo." sabay yuko sa kanilang dalawa. "Ugh! Anong klaseng babae ka!? Kita mo na nagmomoment kami dito ng boyfriend ko nang iistorbo ka!" sigaw ng malanding babae sa akin. Aba sino siya makasigaw saakin? "Did you—" Hindi ko na hinayaan na magsalita sa Hoshi. I just can't merely accept this, I don't know why. Am I jealous? "Look, whoever you are girl, I am just an employee here and for you?" sabay turo sa kanya. "We don't accept love making here. If you can't control that slutty side of yours, get out in here and find your place. You're disgusting!" dugtong ko pa. Sinasagad na ako ng babaeng ito. To the bones talaga! Kita sa mukha niya ang pagkainis. "Ha!! How dare you! Customer ako dito at kaya kita ireklamo!" sigaw nito saakin. Hindi ko na keri! I kennat!. "With all due respect ma'am. You are the one who is doing a scandalous scene here, also you already heard me said sorry in the first place. Whether you complain or not..." I smirked. "I. Don't. Care." I said and turns my back and flips my hair. Ang ganda ko naman masyado para mapaaway. Nakita ko na gusto na sumabog ng kanyang mukha. Good for you. Tumingin ako sa mga kasamahan ko at sa mga customer na ngayon ay nakatulala saakin. "What?" I raised my eyebrow. "Woooooooo!!!! Go Aclesia!!!!" sabay nilang hiyaw. Ang ingay. "Hoshi! Do something!" rinig kong sigaw ng malanding Divina na iyon. "I told you I said no. Besides, that girl is my—" "ACLESIA! ACLESIA!" Napamura na lang ako sa sarili ko. Hindi ko man lang narinig ang huling sinabi ni Hoshi saakin dahil sa sigawan nila. Tumakbo ako sa labas ng bahay sa may likudang parte. Langyaa!!! Ang ingay! "Besides, that girl is my..." "Besides, that girl is my..." "Besides, that girl is my..." "Arghhhh!!!!! Bakit hindi ko man lang narinig!!!" sabay sabunot sa sarili ko. Hindi ko na alam ang nangyayari sa sarili ko. Gusto ko malaman kung sino ako kay Hoshi. Argh! Nakakainis! Napabuntong hininga na lang ako para ikalma ang sarili ko. Wala rin naman ako mapapala pag nag dadabog ako dito. I admit, I like Hoshi. Nacucurios talaga ako sa sasabihib niya. Sumandal na lang sa pader at nagmuni muni. I need air. Inisip ko iyong nga ginawa ko. Mapapagalitan ako nito kay Boss pag nag reklamo ang bruhang iyon. Ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang inis nang makita silang dalawa na magkadikit ng labi. Gusto ko talaga sabunutan iyang babae na iyon. Ako lang dapat halikan niya. "...dapat ako lang." "Anong ikaw lang dapat?" Napapitlag ako at tinignan ang kararating lang na binata. Nakangisi siya at nilapitan ako. Umiwas ako ng tingin. "Bakit ka nandito?" pagiiwas ko sa tanong niya. "Kasi wala ka sa loob. Don't avoid my question." saad niya.m at nilapitan pa ako lalo. "Wala ka ng pakialam doon. Pumasok kana hinahanap ka na doon." "No. I'm not going anywhere until you told me so." sagot niya at nilagay niya ang kanyan mg kamay sa magksbilang dulo. He is caging me!!!! "Tell me are you jealous?" nakangisi niyang tanong. Mas lalong nilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Psh. "What if I am?" umiwas ako ng tingin sa kanya. Natutunaw ako. Rinig ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. This can't be. "Damn!" sagot niya at.... ...siniil ako ng halik. Hinawakan ko ang balikat niya at pilit ko itulak siya pero hindi siya natinag. My eyes are totally wide open sa ginawa niya. Ramdam kong nilaliman niya pa lalo ang halik. I can't argue with his strenght. Niyakap ko na lang ang leeg niya at tinugunan ang halik. Ang labi niya na kay lambot halikan. Nalalasahan ko ang inuming wine sa kanyang labi. Pinalibot niya ang kamay niya sa bewang ko at sabay kagat ng labi kaya napaungol ako. "How did the wine taste?" Potcha— Bumitaw ako sa yakap niya at umiwas ng tingin. Nagawa kong tugunan ang halik niya, nakakahiya. Nag iinit ang pisngi ko sa kahihiyan na ginawa ko. "M-m-masarap..." pabulong kong sagot. "Do you want more?" Pinanlakihan ko siya ng mata at hinampas ng malakas. Nasalo niya ang kamay ko saka hinalikan. "Shall we go inside?" tanong niya sakin. Tinignan ko naman siya at todo ngisi ang gago. "Psh." Tinalikuran ko na siya at pumasok na sa loob. I can't believe na hinalikan ko siya pabalik. Hinawakan ko ang labi ko at hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang malambot niyang labi. Hindi ko inakala na ganito ang epekto ng selos. Jealousy is a bad feeling. I hate it. How did I ever let this to happened!?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD