Natulala ako sa aking instructor sa harapan. Wala namang nakakita sa'min na sabay pumasok, pero sigurado akong may nakakapansin na sa'min. "Hi MM..." Tawag noong lalaki sa'kin bigla matapos ang klase. Mukhang mas bata sa'kin ito at bago na naman. "Hello..." Ngumiti ako dito pabalik. Nakita kong pinagtutulak siya ng mga kasamahan noong bumati ako. Parang high school talaga ang the feels nito! "Pauwi ka na?" "Oo, uuwi na kami," someone interrupted. Hector, again, snatched my arm and hide me on his back. "Wala ba kayong plano umuwi sa bahay, mga hijo?" The poor guys look intimidated. Napanguso ako noong tignan niya ng masama ang mga lalaki na nagtutulakan palayo. "Hector naman," I squealed. Oo na, kinikilig ako. Bakit ba? Akala mo ang ganda-ganda ko pag nagseselos siya! "Hindi b

