"Mavi!" Dinaluhan ko ang anak na nagpupungas pa ng mata sakin habang nakatingin sa'ming dalawa. Nagtataka. "Tito?" Napahawak ako sa likuran. Sa kanto pa talaga tumama! Ang sakit! Buti na lang kahoy iyong lamesa tsaka pa-curve naman ang dulo. Kung salamin 'to baka mapadasal na lang ako sa iba't-ibang santo dahil sa kaharutan ko. "Mavi..." si Hector at napatayo. "Bakit ka nagising? Did something scared you?" "I am hearing noises there," turo niya pa sa kwarto. "Gusto mo ba, tignan ko?" Hector asked. Tinignan ako ng asawa ko na parang nagpapaalam pa para asikasuhin ang reklamo ni Mavi. Tumango na lang ako. Masakit talaga! Ayan, kalandian pa more! Masakit na nga sa puson, natamaan pa ang likod ko! "Mavi, go with your daddy ha... May liligpitin lang si Mommy..." utos ko sa dalawa

