Nilingon nila akong lahat nang makita. Tumaas ang kilay nila at nanibago. "Wow, lumabas ka na agad huh..." Malisyosong sabi ni Bea. Akala siguro nila gusto ko sila makasama sa breakfast? Excuse me, hindi 'no! Ayan kasing kinakalantari nila ay ginising ako nang anong oras? Hindi na lang ako umimik. Umarte ako na parang walang palag at mahiyain sakanila. I can feel Hector's heavy stares, pero hindi ko siya nilingon o ano. For pete's sake... Ang isang linggong landian na 'yon ay malaking pagkakamali. Kaya sana... sana wala lang 'yon kay Hector. Naligo ako after lunch. Pasimple akong lumabas ng hacienda noong wala ng tao. Kailangan ko maghanap ng ibang hide out. Hindi na pwede ang farm house. I was busy walking around the trees. Naghahanap ng matataguan. Paglilipasan ng oras, ganon

