Ako ang manloloko, pero ako ang naloko! How cliché is this line—ako ang napaso sa sarili kong kagagahan! Bakit? Bakit hindi ko napansin na posible si Hector na maging si Dominic?! Bakit hindi ko napansin ang tikas, galaw, at pagsasalita niya? Bakit ang tanga mo, Magnolia!? Parang lumabo ang plano ko at isang milyon, lalo na noong humigpit lalo ang hawak sa'kin ni Hector sa beywang. "MM..." Mahinang suyo niya sa'kin. "Dominic!" Tawag ni Donya Pontia at lumapit sa'min. Doon sa likod, nakita ko ang mga iba pang bride na pagpipilian ni Hector—or should I call him Dominic too? Masama ang tingin sa'kin ng ibang babae. Oo, syempre. Para akong backstabber sakanila. Isipin mo, iniiwasan ko... Pero iyon na pala ang kinakalantari ko? "You want Chalotte?! Bakit hindi mo naman agad sinabi

