Ano ba 'tong pinag-iisip ko?
I sighed.
"Do you have a problem ba? Kanina ka pa," tanong ni Victoria na naglilinis ng kuko niya.
May ganito pala kada-week sa mga 'brides' noong Dominic. Gusto daw nilang may gathering kaming mga girls para maging close. Hello? Hindi ba halata ni Donya na nagp-plastikan lang sila?
"Wala lang..." Nguso ko.
"Baka nakita na niya si Dominic. Type na niya," suhestiyon ni Bea.
Napatigil ang lahat ng babae sa ginagawa nila. Kung nakakamatay ang titig, nakabulagta na ako!
"Hindi ko nga type ang matandang 'yon!" I hissed. "Mas type ko pa 'yong hardinero doon sa farm kaysa matandang 'yon!"
Napangiwi ang mga babae at muling umirap, hindi sineryoso ang sinabi ko. Napaka-possessive naman ng mga 'to! Akala mo talaga ay sakanila si Dominic!
Kinuha ko ang phone at doon nag-scroll—kahit iniisip ko talaga si Hector.
Oo, hindi siya ang pakay ko dito... Dapat ay mag-focus ako sa kakatago. Bawal lumandi ganon.
Pero gusto ko talaga.
Kaya lang baka maka-apekto siya sa plano ko.
Hanap na lang kaya ako ng bagong hide out?
But it will be fun...
Buong gabi kong inisip si Hector. Kung haharutin ko ba o hindi—ganon. But he looks so sweet and tempting. Ang sarap bumalik sa farm house at doon siya asarin.
Kinaumagahan ay naka-suot na naman ako ng puting dress na may mga naka-print na cherry. Hanggang ibabaw ng tuhod ang haba noon at may sling bag ako.
"Saan ka na naman?" Si Laura. Mukhang napapansin na niya na lagi akong wala sa hapon.
"Magtatago..."
Tumaas ang kilay nito. "Tinataguan mo talaga si Dominic?" Laura asked like I was a ridiculous person.
Tumango ako. Wala sa mood. Ang lungkot—iniisip ko pa lang na iwasan si Hector ay mapait na!
Sana si Hector na lang ang umalis! Ganon!
Hindi ko alam kung saan ako pupunta pagkalabas ng Hacienda—pero sa farm house ako dinala ng mga paa ko.
Pagdating doon ay walang tao bukod sa mga kabayo. I was expecting Hector kahit na gusto ko siya iwasan.
Pero hindi dumating ang lalaki.
Okay lang. Magmo-move on na lang ako. Sagabal naman talaga siya sa mga plano ko.
I was so busy convincing myself that I don't need to see Hector and I need to move on. Focus sa isang milyon. Ganon.
Pero noong lumubog ang araw ay ngumuso ako dahil sa inis. Aba, akala ko ba hardinero siya dito? Bakit wala?
"Nasaan ang amo mo?" Tanong ko sa kabayo na si Berlin. "Hardinero ang puta pero kabayo ang inaalagaan? Baka mamaya, halaman ka pala Berlin," asar ko sa animal.
Umungos lang ang kabayo. Tsk.
Umalis manlang siya ng walang pasabi? Iyong moves niya kahapon lakas makapa-fall.
Sinita ko ang sarili. Hoy Magnolia, tunog teenager ka na hindi binigyan ng label! Tumigil ka sa kahibangan mo!
Naglalakad na ako pabalik sa mansyon—then I saw the man that I am waiting for.
Nabuhayan ang mukha ni Hector. I glared on him. Tapos ganyan pa siya magbigay ng reaksyon? Pa-fall!
Suot ang isang puting polo na bukas ang apat na butones, maong jeans, at boots ay tinakbo na niya ang pagitan namin. Kahit madilim, para siyang Prinsipe na umiilaw sa outfit.
"Hey... Bakit nandito ka pa?"
"Duh, gumala ako at nag-usap kami ni Berlin," sarkastikong sabi ko.
"I'm sorry," panunuyo niya.
Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng masama. "Anong I'm sorry ka diyan? Hindi mo kailangan mag-sorry. Uuwi na ako... May dinner pa."
Ganon lang natapos ang araw ko. Buti nga ay hindi ko pa ulit nakita si Dominic.
Pero sabi ng mga babae, maghapon daw silang nag-bonding kasama si Dominic. Hindi ko naman masyadong pinansin ang kwento nila.
Sana all magkasama noong hapon. Si Hector kasi, wala. Tsk! Pero okay lang, mas mabilis akong makaka-move on kung ganon!
Umaga at hapon. Iyon ang oras na nasa Hacienda si Dominic kaya hindi ako gumigising ng umaga at laging tanghali na bumabangon.
Buti nga ay hindi ako sinisita ni Donya o hinahanap ni Dominic sa ginagawa. Kasi busy din sila 'no!
Hindi ko na naman napigilan ang sarili na pumunta sa farm house. Excuse lang, hindi si Hector ang pinuntahan ko. Wala lang talaga akong ibang hide out.
Nakita ko si Hector na may hawak na papel at binibilang ang matayog na box sa harap ng farm house.
"Patambay..." Dire-diretso ang lakad ko.
"Okay... Seat there." Ngumuso ito para ituro ang isang upuan na nasa harap niya.
Mukhang expected na niya ang pagpunta ko dito ah!
"Thanks. Wala akong ibang mapuntahan kaya nandito ako," depensa ko agad sa sarili.
Hector just grinned, nanatili ang mata sa pagbibilang ng box.
"Yes baby... Of course, nandito ka pa magtago."
Namula ang buong mukha ko at nag-feeling virgin dahil sa tawag niya.
Ikinalma ko ang sarili. Ano ba 'yan, Magnolia. You know better than this! You know how to flirt so well!
Nanatili akong tahimik lang. Pinagmasdan siya. He look so fresh in his brown checkered polo and a jeans. Bukas ang butones noon, at as usual nakasuot siya ng boots.
Ang gwapo-gwapo niya tignan...
"Kumain ka na ba?" He asked bago isarado ng tuluyan ang isinusulat niya. Sa wakas, tinignan na ako nito.
"Oo... Anong ginagawa mo?"
"I am just checking the quantity of oranges. Ide-deliver na mamaya..." Mabilis na explanasyon nito.
Tumango-tango ako. "Akala ko ba hardinero ka? Dami mo namang role as hardinero," usisa ko dito.
Napangiti si Hector at lumapit sa'kin. Bakit ba parang ang laking kasalanan ng ka-gwapuhan ng lalaking 'to?
"I am flexible..."
"Ano ka? Si Lastik man?"
Humalakhak si Hector. "The what?"
Umirap ako sa lalaki. Boring talaga ka-joke time ang mga mayayaman na feeling hardinero.
"Are you still mad? Marami kasi akong inasikaso kahapon... Mabilis ko namang tinapos lahat," explain niya.
Napanganga ako at tinignan siya. "Hindi naman ako nagtatanong! Isa pa, hindi ako galit!"
"Don't shout babe..."
"Don't call me babe!" Sigaw ko sa lalaki.
Humalakhak si Hector at lumapit sa mga box. Binuhat niya ang mga iyon sa isang pwesto.
"Mali ba ang gising mo ngayon?" Lambing niya pa.
Jusko, ang cute ng mga tanungan niya. Ang lakas maka-teenager. Charlotte, patawarin mo ako kung suma-sideline ako ng kaharutan dito.
"Hindi!" Sigaw ko. Pabebe.
"Talaga? Do you want something? Hmm?" Suyo niya habang naglilipat pa din ng box.
Pinagkrus ko ang braso. Kalmahan natin, Magnolia! Para kang teenager eh bente-otso ka na!
"Do you want to do something fun?" Aniya at kilos pa din sa lipat.
Doon niya naagaw ang atensyon ko. Halos isumpa ko ang sarili ng maalala ang ginawa namin sa hotel bigla!
Fun? Anong fun?
"What is it?"
"You will like it for sure," tango niya at may senswal na ngisi.
Natigilan ako, pero excited sa totoo lang.
Akala ko naman, kama ang tuloy namin.
Pero hindi!
"Saan ba tayo, Hector?!" Hinihingal na tanong ko dito.
Paano ba naman kasi, bigla na lang nag-aya na umakyat sa matarik na bundok! Gago 'tong si Hector, nakakagigil!
Noong una ay masaya dahil kaharap ko ang matambok niyang pwet, pero noong tumagal?
Ang sakit na ng paa ko! Naka-sandals pa!
"Are you okay?"
"Do I look like one?" Iritadong bulyaw ko.
Bumaba si Hector at inabot ang kamay ko para tumuwid ng tayo.
"Malapit na... 'Wag kang mapagod," suyo niya.
Galit na siguro lahat ng tao na nasa langit dahil pati ang sinabi niyang 'yon ay bastos ang pumasok sa isip ko.
Kailangan ko na 'ata mag internal cleansing. Hindi ako papapasukin sa heaven kung sobrang itim ng budhi ko dahil sa pagnananasa.
"Hey... Charlotte. Are you okay?" Pag-aalala pa niya.
Ang magaspang at malaki nitong kamay ay nakaalalay sa'king beywang. Habang ang isa naman ay hawak kamay ko.
"Yeah... I am okay," tuloy lang ang lakad.
Mula sa side view, kita ko ang depina nitong panga at pawisan na leeg. Grabe, ang sarap pa din tignan.
Hindi nagtagal ay nakakarinig na ako ng lagaslas ng tubig. My eyes widened.
"Ito ba 'yong falls na sinasabi nila?!"
"Yes... Charlotte. The falls," aniya at binigyan ako ng isang malamyos na ngisi.
Napatalon ako sa tuwa. Hala! Dinala ako ni Hector sa falls!
Parang nabuhayan ang katawan ko. "Bakit hindi mo agad sinabi sa'kin? Tumakbo na tayo doon!"
Bumitaw ako sakanya at akmang kakaripas na ng hinuli niya ang beywang ko.
"Walang tatakbo. It's dangerous," nakangiti na suway niya.
"Wow!"
Malawak na falls ang sumalubong sa'kin. Mataas din iyon! May ganito dito!? Para talaga akong nagba-bakasyon tapos may ka-honeymoon!
"It's nice, right?"
"Anong nice? Ang ganda! Ang galing!" I squealed. Kung dadalhin ko dito si Papa at Gio, matutuwa ang mga 'yon!
I was so busy admiring the falls—but when I feel the heavy stares of Hector ay natigilan ako.
"Why?"
"They said you are shy and a quiet person," nakangiti na aniya. "Pero mukhang hindi naman..."
Napatuwid ako ng tayo. Kinabahan. Oo nga pala. Ganon si Charlotte!
Am I acting like me in front of him so much?
"Uhm... M-Mahiyain naman," kabado na sagot ko. "I am comfortable around you." Palusot ko naman.
Bumungisngis si Hector na ikinatigil ko. His perfect pearl of teeth showed up.
"Wow! I am flattered that you are comfortable with me!"
Napangiwi ako. Kung ako ang totoong Charlotte, siguro hindi. Hindi na lang ako nagsalita at tinignan ang falls.
"Do you want to seat?"
Tumango ako sa lalaki. Dinala ako nito sa batuhan na medyo may kataasan. Saktong naka-dress naman ako! Kita lahat ni Hector pag nagkataon! Keri lang pala! Iyon naman ang goal!
Akmang tatapak na ako sa bato pero hinawakan ni Hector ang beywang ko. I stilled.
Humalakhak siya. "Tingin mo ba paaakyatin na lang kita basta diyan?"
Humarap ako sa lalaki at hinayaan siyang buhatin ako pataas. Aba, paano ko haharutin 'to kung ganito ka-gentleman? Excuse me ha! Ako pa 'ata ang unang maaakit sa galaw niya!
Tumingala ito sa'kin sabay ngiti. Dahil nga nakaupo ako sa batuhan ay matangkad ako sakanya. Nakasandal ang mga braso nito sa bato at napapagitnaan ako.
"Okay na tayo?"
Napanganga ako. "Okay... naman talaga tayo."
That was so sweet of him! Dinala niya ba ako dito as a peace offering? Ang cute! Gusto ko na siyang kainin sa gigil!
"Ganyan ka ba talaga?"
Kumunot ang noo nito. "What?"
"Sweet at caring? Tapos softy?" I told him. Aba, parang ibang tao talaga ang nakilala ko noong nakaraan!
Tumango-tango siya. "But other people describe me as an aloof person. I really hate... talking so much."
"But you are talking to me so much..."
Tumawa lang ito. "You are more bolder than expected..."
I chuckled. Out of character na 'tong ginagawa ko kay Charlotte... Pero wala. Umiiba talaga ang ihip ng hangin at nakakalimutan ko ang lahat pag si Hector ang kaharap ko.
"Bakit? Hindi mo ba gusto ang ganito?" Harot ko sakanya. "Ayaw mo ba ng taklesa?"
"Gusto..."
Napabungisngis ako at hindi napigilan ang sarili na kurutin ang pisngi niya. Nakakagigil ang lalaking ito! Wala namang ginagawa pero pati paghinga naaakit ako!
We both chuckled. Ang lakas talaga namin maka-teenager ngayon. Tamang kilig lang, Magnolia. Akala mo talaga hindi pa niya nadali!
Gabi na noong nakarating ako sa hacienda muli. The girls are on the living room, busy sa plastikan at iba pang siraan. Minsan, hindi ko alam kung matatawa ako sa sitwasyon namin o hindi dahil sakanila.
"Oh, nandito na pala si lubog-litaw!" Bati ni Karen sa'kin.
Pinigilan ko ang sarili na irapan siya. Kung nakakalimutan ko kay Hector ang isang milyon, sakanilang mga babae ay hindi!
"Success ba ang pag-iwas mo?" Tanong pa nila.
"Success..." Kiming sagot ko.
Pagkapasok ko ng kwarto ay tinignan ko ang phone. Sa wakas! May message na si Charlotte!
Mabilis ko itong tinawagan.
"Hey!" Bati nito sa kabilang linya.
"Hayop ka, ang tagal mo sumagot!"
Natawa lang si Charlotte sa telepono. "Ano? Kumusta? Naiwasan mo ba?"
"Oo... Hindi ko pa nga nahahagilap 'eh. Lagi kasi akong nasa farm."
"That's good! Buti naman and you're not getting bored?"
Bored? Hah! Ano ang salitang bored kung nasa tabi ko si Hector?
"Hindi! Teh, pwede ba maki-sideline ng landi? Type ko 'yong hardinero na ka-bonding ko sa farm..." Natatawang paalam ko sakanya.
"Hardinero!?" Hindi makapaniwalang tanong nito. "Pero hindi ako marunong lumandi, Magnolia. Baka mamaya, hindi ka na magmukhang Charlotte ha!" Sita nito sa'kin.
Napangiwi ako. "Sa harap lang naman ni pogi... Kami lang kasing dalawa sa farm house?"
"Hindi ka ba mahahalata niyan?"
"Hindi..."
"Ikaw ang bahala, MM..." Aniya. "But I hope it won't affect your job..."
Natapos ang gabi ko ng si Charlotte lang ang kausap. Bigla ko tuloy na-miss si Hector. Sana pala, kinuha ko na ang number ni Hector para may ka-late night talk ako? O kaya pwede ungulan!
Charot ulit!
Excited ako na pumunta sa farm house, pero wala doon ang lalaki. Ngumuso ako at tinignan si Berlin.
"Nasaan ang amo mo?"
Excited pa naman akong makita ang lalaking 'yon dahil nga pinayagan ako ni Charlotte na lumandi. Nagulat nga ako dahil bahala ang sagot niya...
"Hey... nandito ka na," may bumulong sa tenga ko. Napaigik ako doon.
Nakangiting hinarap ko ang guwapong hardinero.
"Lagi ka bang wala dito? Naiintindihan ko naman. Nagpapalipas lang naman ako ng oras kaya hindi mo kailangan pumunta lagi dito."
Tumawa siya. "May ginawa lang ako..." Aniya at pinakita ang isang flower crown na tinatago niya sa likuran.
Natawa ako dahil sa kilig. Hala. Ang landi ko! Ang landi niya!
"Akin 'yan?"
"Kanino pa ba..." Marahang sagot niya at isinuot sa'kin iyon. "There... bagay na bagay sa'yo ang maging reyna ng hacienda..." Malamlam ang mata niya habang nakatingin sa'kin.
"Ayokong maging reyna 'no... Mas gusto ko pa ang maging halaman," sagot ko.
"Halaman?" Natatawang tanong niya.
"Oo... Para diligan mo," hagikgik ko dito. Piningot niya ang ilong ko.
"Pasaway, Charlotte..."
Humalakhak si Hector pagkatapos noon. Hindi niya ako pinatulan. Okay lang, nagsisimula pa lang naman ako na harutin siya. Ang ginawa lang namin buong araw na 'yon ay gumawa ng flower crown. Promise, ang lakas maka-virgin ng bonding namin, pero nakakataba ng puso.
"Hector!"
"Yeah?"
Kinabukasan, kasama ko ulit si Hector. Pero iba na ang venue namin. Nasa isang mataas na lupa kami at nakasilong sa puno. May pa-picnic kami today!
"Picture!" Aya ko sa lalaki. Ngumisi lang siya at lumapit sa'kin.
Idinikit niya ang pisngi sa'kin at ngumiti. Just like that, my heart is so full again.
"Alam mo, may nickname ako." Isang araw ay bukas ko sakanya.
Isang linggo na 'ata kaming naghaharutan ni Hector. Pero pang teenager ang galawan namin. He is so gentle and caring. Hindi ko nga alam kung nagpapanggap siya na soft guy kasi ibang-iba talaga siya sa kama!
Minsan ay wala siya sa farm house, pero hinahabol niya pa din ako bago makauwi. Oh, 'di ba? Lakas talaga ni Hector.
"What?"
"MM." I told him my real nickname. "Mahilig kasi ako sa chocolates na ganon noong bata... Kaya iyon ang tawag sa'kin ng iba..."
"Do you like me to call you MM?" Nakangising tanong nito.
"Oo naman!" I nod my head. Mas gusto ko na tawagin niya ako sa pangalan na MM... Wala lang. Para mas feel ko ang paglandi.
"Okay... MM." Payag niya. Hinawakan nito ang kamay ko. "Mali, baby..."
Naghuhulma kasi kami ngayon ng putik. Tinuturuan niya ako gumawa ng vase. Ang dumi-dumi namin, pero hindi ko na napansin iyon dahil sa saya.
"MM!" Sigaw ng isang boses.
Napalingon ako sa tinig na 'yon. "Hector!" I waved my hands.
"Come here!" Malayo kasi siya.
Nagtatatakbo ako papunta sakanya ng may ngiti. Ganon din ang lalaki. Dahil nga pababa ang bukid, hindi ko na napigilan ang sarili na tumakbo at mag-landing sa matigas niyang dibdib.
Natawa ito at niyakap ako. I chuckled. Hala, ang harot namin. Ang lakas maka-teenager!
"Hector Dominic!" Sigaw ng isang matanda.
Ano daw!? Hector Dominic?!
And there, nakita ko si Donya Pontia na galit ang mata. My eyes widened.
"Hindi mo sinasabi na may napili ka na palang aasawahin! Kaya pala halos hindi kita mahagilap sa hacienda!"
Ano... daw?
Tinignan ko si Hector. Ramdam ko ang pamumutla. Unti-unting nawala ang ngiti ni Hector at humigpit ang yakap niya sa'kin. Dumilim ang kanyang mata at parang... nawala ang Hector na nakilala ko.