Para akong malaking siraulo nooong dinala ni Hector pabalik sa farm kung saan kami galing kanina.
Tahimik lang siya at ganon din ako. Hindi ko alam kung saan galing ang tensyon sa hangin na namamagitan sa'ming dalawa.
Siguro sa'kin? Sumasakit na nga ang puso ko sa kaba!
"Here," alok nito sa upuan na hindi ko alam kung saan galing. "I will get a knife first..."
Tinanguan ko lang ang lalaki. Kahit huwag ka ng bumalik hoy!
Noong mawala siya sa paningin ko ay napabuga ako ng malakas at hinawakan ang dibdib.
"Gaga ka, Magnolia..." Sita ko sa sarili. Nagmamamaang-maang ba ang lalaking 'to ngayon? O hindi niya talaga ako kilala?
Iyon talaga ang kanina ko pang iniisip.
Tsaka—ang liit ng mundo! Bakit sa dinami-dami ng Hacienda, ito pa ang napuntahan ko? May hardinero silang guwapo?!
Teka, MM! Tanga, mayaman si Hector! Ikaw ang manlokoko dito—pero bakit parang ikaw ang nauuto?
Halatado ka masyado, girl! Focus tayo sa isang milyon!
Natulala ako noong makita si Hector na pabalik galing backdoor ng farm. Basa ang ibabang damit nito kaya may bumabakat na...
Abs.
Abs syempre.
Eh 'yong sa baba kaya... nabasa..? Bakat kaya? Pilit kong sinisilip iyong sa gitna niya—kaya lang nakaharang ang basket.
Patingin lang... Saglit lang!
"Here," si Hector at bitbit ang hinugsan na mangga. "May hinog at hilaw akong kinuha. Which one do you like?"
"Ikaw..."
Nakarinig ako ng maliit na tawa. "What?"
Bigla akong napabalikwas sa kinauupuan.
"What?" Inayos ko ang sarili. "Ano, ikaw? Ano bang recommended mo?" Lusot ko na lang.
Paano kung ipagkalat ni Hector na iba ang ugali ni Charlotte? Nasa loob ang kulo?
Jusko, Charlotte. Patawarin mo ako.
Parang hindi na-kumbinsi si Hector sa sinabi ko at taas-kilay na tumango. May ngisi pa sa labi.
Inilagay nito ang basket sa gilid ko at doon din siya lumuhod.
My face heated up. Nako, Hector. Ikaw lang 'ata ang sisira sa lahat ng plano ko..
"Oh... Okay. Iyong hinog ang masarap. It has a refreshing taste... Sakto at mainit ngayon," aniya at sinimulang hiwain ang mangga ko.
Nakakapagtaka—mukhang gentleman ngayon si Hector. Kung wala ngang nangyari sa'min noon, iisipin ko na isa siyang mabait na kapwa at namimigay ng mangga.
"Ito. Taste it," he said. Excited.
Tinanggap ko naman iyon. "Thank you..."
Nang kumagat sa mangga—just like how it smells and expected, masarap nga! Hindi ko alam kung gutom lang ako, pero it was so sweet!
"Ang sarap siguro nitong gawing shake!" I squealed.
Masuyo lang ito na nakatingin sa'kin at may maliit na ngisi.
"Hindi mo ba talaga ako kilala?"
Kahit hindi matigas ang kinakain ko ay bigla akong naubo—naalarma naman si Hector at mabilis na tumayo.
"Are you okay?" Kunot-noong tanong niya.
Bigla akong kinabahan ulit.
"W-What do you mean by h-hindi kilala?"
"Nandito ka sa mansyon... you are one of the brides, right?"
Umasim ang sikmura ko. I wanted to run away. Mukhang busted na kami ni Charlotte dahil kilala ako ni Hector sa mukha! Shxt.
"Hindi k-kita kilala..." Hindi nag-iisip na tanggi ko at tumayo na lang. "Nandito ako para sa parents ko—"
"Pero hindi mo kilala kung sino ang papakasalan mo?"
"Bakit ka ba nangingialam?!" Hindi ko maiwasang sigawan siya. I am panicking. "Para nga 'to sa magulang ko! Pakialam ko ba kung sino ang papakasalan ko? Mukha pa din siyang matandang hukluban—"
"What?!" Mukhang naputol ang litid ni Hector bigla. Siguro ay nagalit sa pagsigaw ko.
Galit na dinampot ko ang bag.
"Ako? Kilala mo ba ako? Don't play with me if you know!" I hissed then walked out.
Anong nangyayari? Bakit bigla akong nakipagsigawan kay Hector? Bakit kasi nandito ang lalaking 'yon? Ang daming bakit at paano sa utak ko ngayon dahil sakanya!
"Hey..."
Hindi pa ako nakakalayo ay hinila nito ang papulsuhan ko. Nilingon ko si Hector na nag-aalala.
"Why are you so mad? I am just asking kung kilala mo ba ang papakasalan mo—"
"Oo nga! At sigurado akong hindi siya ang type ko!"
"Ano ba ang tipo mo?"
Taas-baba ang dibdib ko dahil sa galit. Pero unti-unti akong kumakalma dahil sa hawak at tanong niya.
Tipo ko?
Iyong kagaya niya sana!
Kaya lang, nasa misyon ako ngayon at hindi naman siya ang pakay ko! So, kailangan iwasan ko siya!
Mukhang hindi naman niya ako kilala bilang isang babaeng nasa likod ng maskara. Kasi kung oo, kanina pa niya ako hinila sa gilid at kinabayo!
Ano ba 'tong pinag-iisip ko! Nasa gitna kami ng away!
"Bakit kailangan mo malaman ang tipo ko?" Pagsusungit ko dito.
Hinila ko ang kamay sakanya.
"Basta, hindi ako magpapakasal. Tapos!"
Maybe I was rude.
Iyon ang iniisip ko habang kumakain sa hapagkainan kasama ang iba pang babae. Tahimik lang ang lamesa pero ramdam ko ang plastikan sa hangin.
"Nakita mo na ba si Dominic?" Tanong sa'kin ni Laura.
Kilala ko na pala silang lahat. Laura is a sophisticated one. She is graceful and proper. Si Noreen, ganon din. Pero isip bata. Ewan ko kung ugali niya talaga o pa-cute lang? Si Bea naman ay mabait. Tahimik lang.
"Hindi pa..." I answered.
Napatigil naman si Karen sa pagkain. "Hindi ka ba talaga interesado kay Dominic?" Hindi makapaniwalang tanong nito.
Si Karen naman iyong tipo ng warfreak. Iyong halatang plastikada sa buhay pero tuloy pa din.
Umiling ako. "Hindi ako mahilig sa matanda."
"Weh!" Si Victoria, a fashionista. Maarte at susyal. "If I know, baka mamaya ay ginapang mo na!"
Natawa si Karen. Ayan, mga dalawang plastic.
Hindi na ako sumagot at patuloy lang sa pagkain. Mahirap na! Baka mamaya ay maabutan pa ako ng hukluban.
Excuse me, kahit naman hindi ako ang original na Charlotte De Loyola, maganda ako.
Ang benta ko kaya sa mga tambay! Kakilabot, pero totoo!
"Nag-usap na kayo ni Dominic?" Si Laura ulit kay Karen.
"Oo, kanina. Galing siya sa kwarto. Baka mamaya ulit—"
"Hoy Karen! Anong mamaya ulit? Give me some chance naman!" Si Bea.
"Hoy, Bea. Nakita kong kausap ka kanina ni Dom!" Si Victoria.
Napangiwi ako. Ano ba 'tong nangyayari?
"Wag kayong maingay... Kumakain tayo—"
"Laura, kahit gaano ka pa feeling ka-sopistikada, hindi ka mapapansin ni Dom!"
Napangiwi ako. Puta naman, lalaki lang 'yan na mayaman! Parang ready na silang magpatayan ngayon!
So bago pa ako masali sa gulo, umalis na ako sa hapag. Sinisita pa nila ako kasi baka puntahan ko ang Dominic nila pero duh? Yuck.
Pumasok ako sa silid ay doon nagkulong. Nag-email lang sa'kin si Charlotte ng picture niya sa Paris habang ako dito ay stress.
Paano nga kung kilala ako ni Hector?
Anong ginagawa niya dito?
Kaibigan ba siya ni Dominic?
Hindi ko na alam!
Aalis na ba ako kasi isisiwalat na ni Hector ang sekreto ko? Tapos inaway ko pa siya?
Paano kung pa-imbestigahan ako?
Ang isang milyon, ba-bye na ba?
Napatili ako sa inis. Dapat pala, hindi ko na lang inaway si Hector kanina! Ano bang pumasok sa isip ko?! Baka mamaya nagpapanggap lang din 'yon na hindi ako kilala!
Pero imposible. Kung kilala niya ako, pinadampot na niya ako kanina pa! Tama!
Nakakainis!
Tapos ang sungit ko pa kanina sakanya. Hindi naman siya others. Nagalaw na nga eh feeling virgin pa ako kanina kung makapag-sungit.
I sighed. Nandoon kaya siya bukas sa farm? Magso-sorry na lang ako. Baka pwede siya gawing kasabwat kung sakali. Handa akong i-alay ang lahat para sa isang milyon. Kahit katawan ko pa basta maging kasabwat ko lang!
Harot! Natawa ako sa sarili. Gusto ko lang makarat talaga.
Naghahanap ako ng short—pero walang makita. Talagang dress ang nasa lameta! Mukha akong buntis kakasuot nito!
Puro pa light colors! Pambata! Grade one ba ako!?
Labag sa loob na sinuot ko ang above the knee na dress. I made myself extra today. Naglagay ako ng lip tint at naligo sa pabango.
Pupunta ulit ako sa farm house. Umaasa akong nandoon si Hector.
Kidding aside, dapat lang na nasa mabuting relasyon kami ni Hector. Para kung sakaling may alam talaga siya—pwede ko siyang pakiusapan.
Tinatawagan ko si Charlotte kagabi pero mukhang busy sa karat ang hayop sa Paris.
Hindi na virgin 'yon! Shoud I stop acting innocent? Hindi ko talaga kaya! Tsk!
Tumalon ang puso ko sa tuwa noong makita si Hector na nasa labas. Busy sa pag-pasok ng tuyong halaman.
"Hoy!" Tawag ko dito. Napatakip naman ako ng bibig. Hala, wala na naman akong manners doon!
Napalingon ang gwapong nilalang sa'kin at tila nabuhayan.
"Hi!"
"Charlotte?"
Natigilan ako sa tawag niya.
"P-Paano mo nalaman ang pangalan ko?"
"Tinanong ko. Ayos ba?" He chuckled. Hala, ang cute! Banat ba 'yon? Kinikilig ako, pati baba tumitibok!
Joke! Pero hindi dahil doon. Talagang masaya ako dahil... Charlotte ang tawag niya sa'kin at hindi Moiselle na naka-one night stand niya!
Ang lakas ko naman sa lahat ng santo! Grabe!
"Akala ko hindi ka na babalik dito..."
"Bakit hindi naman?" Nauna akong pumasok sa farm house. "I like it here. Wala 'yong matandang naghahanap ng bride."
"Do you hate that man so much? Why are you calling him matanda?" Tanong niya habang nasa likod ko.
"Mukhang matanda," sagot ko at tinitigan ang isang itim na kabayo.
"Did you see his face?"
"Oo," tango ko sabay lingon sakanya. "Ang ganda naman ng kabayo na 'to..."
"Are you sure you know his face?" Paninigurado niya. "Ah yeah. This is Berlin..." Pakilala niya sa'kin sa kabayo.
"Wow. Berlin!" Ngumisi ako. What a nice name! "Pwede ko ba siya hawakan? Tsaka oo naman 'no! Nakita ko 'yong kulubot niyang mukha!" Sagot ko sa usapan namin.
Akmang hahawakan ko na si Berlin pero hinawakan ni Hector ang kamay ko.
"You cannot... just hold him..." Aniya.
Kumunot ang noo ko at mabilis na hinila ang kamay sakanya. Whoo. Grabe, kaya ba magaspang ang kamay niya dahil dito?
"Do you always stay here? Kaano-ano mo ang mga Santiesteban?" I asked him.
Ngumuso ito. "Hardinero..."
Gusto kong sigawan si Hector. Hardinero?! Hello, he fvucked me like two or three months ago in a grandeur hotel tapos sasabihin niya na isa siyang hardinero?
Ano bang trip niya? Okay, sige. Sasakyan ko ang gusto niya.
Pwede ko din siyang sakyan...
"Anong pangalan mo?"
"Hector," sagot niya. See? Siya 'yon! So bakit pinipilit niya na isa siyang hardinero dito?
Tinignan ko siya ng maigi. Akala mo soft boy 'tong lalaki na 'to. Looks can be deceiving talaga. Halimaw siya sa kama. Sinasalaksak niya nga 'yong malaking bagay niya sa bibig ko!
Ano ba 'to! Bakit ba hindi ko matanggal sa isip ang bagay na 'yon?
"Ako si Charlotte." Inirapan ko ang lalaki. "Kaya pala ako nandito kasi... gusto kong mag-sorry kahapon. Nasigawan kita."
"It's okay... are you pressured?"
Pressured sa pagsisinungaling!
"Oo..."
"Ganon mo ba talaga kaayaw ang papakasalan mo? Baka... pag nakita mo siya magbago ang isip mo," aniya.
"Ayoko din sakanya. Ang weird tignan noong naghahanap ng bride..."
Katahimikan na ang sumunod noon.
"Kaya pwede bang dito na lang ako lagi? Iiwas lang ako tuwing tanghali tapos uuwi din ng alas-singko..."
Hector licked his lower lips. Parang nag-iisip. Inilagay niya ang kamay sa magkabilang bulsa at tumingala.
Ang gwapo.
"Sige... Pwede ka namang pumunta dito tuwing hapon. Pero wala ako dito minsan..."
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Bakit?"
"I have things to do—"
"Hardinero ka dito 'di ba? Dapat lagi kang nandito..."
Ang baritono nitong boses ay bagay na bagay sa maliit niyang halakhak. It sound so sexy and hot!
"Hardinero nga..." Tango niya sa'kin. He's acting so cute.
Para talagang hindi siya ang halimaw sa kama na nakilala ko.
"May kambal ka ba?"
His forehead knotted. "Wala..."
Ngumisi ako. Totoo nga. Ang mga mahinhin ang galaw at ngisi ay siyang halimaw sa kama!
"Bakit mo naman naisip na may kambal ako?" Lumapit ito sa'kin at sumandal sa pader.
Mukhang masungit at arogante—pero pag nagsalita ay kahit magaspang, malambing pa din.
Tangina, puro masungit na lalaki ang nakikita ko na mayaman! Bago 'to! Mabait! Mabait!
"Wala lang..." Mapaglaro na sagot ko. "So when I can ride you?" Tanong ko sa kabayo.
Nilingon ko si Hector ng may ngisi. Doon sumeryoso ang mukha niya.
"What?" He asked, confused.
"Hindi ikaw ang kausap ko. Si Berlin," tumawa ako ng nakakaakit at nilingon ang kabayo.
Joke lang. Siya talaga ang gusto kong sakyan.
"You can ride him anytime. Aalalayan kita," literal na sagot niya.
Napairap ako. Boring! Hindi pumatol! Nakaka-excite! Kailan kaya mapuputol ang litid nito?
Mukhang si Hector ang best part ko dito sa pagpapanggap. Pwede akong makakuha ng isang milyon habang... inaakit ang lalaking ito.
Should I do it? Akitin ko kaya si Hector para sumaya ako ng isang buwan?