Dumating ang sinasabing hapunan noong sinabi ng mayordoma kanina. I thought it was very weird noong unang sinabi sa’kin ni Charlotte ang tungkol dito—but now it’s way weirder!
Nakaupo sa harap ng mahabang lamesa, anim kaming mga babae na nandito. Katapat namin ang tatlo. They all look sexy, sophisticated, and fierce. Pero ako!? Mukha akong bata sa floral dress na suot ko! Para akong dalaginding sa gitna ng mga naka-sexy attire!
Bakit hindi naman ako na-inform na ganito ang labanan dito?
Pero sabagay… ganito naman talaga ang totoong Charlotte. Ayoko sanang magpatalo sa mga babae dito kaya lang, hindi naman ganon si Lot-lot.
Remember, Magnolia. Stick ka sa acting mo!
“You are Charlotte De Loyola?” Tanong noong babae na katabi ko.
Why are they asking obvious questions?
Tumango na lang ako bilang sagot sakanila. Nagtaasan ang kilay ng mga ito. Mukhang pangit ang mga ugali nila ha… Hindi maganda ang naaamoy ko.
“So why sudden change of mind?”
“You look fine naman pala, bakit ayaw mo dito?”
“Bakit gusto mo na makisali sa bride picking? I heard you are not interested?”
The other girls are literally frying me. Hindi ko din gusto ang tono nila dahil halata namang nang-iinsulto ang mga ito!
“But anyway, hindi ka naman mapipili. Isang buwan na kami dito pero wala pa din si Dom,” ani ng katabi kong babae.
“True… I heard she is just twenty-five. Girl, ‘wag ka magpatali, bata ka pa…” Pambabakod nila kay Dominic.
Duh! Kahit isaksak pa nila sa baga nila ang Dominic na ‘yon! Grabe! Tapos isang buwan na pala sila dito tapos naghihintay pa din? They are that desperate!
I inhaled my breath—calm, Magnolia. Si Charlotte, hindi mainitin ang ulo.
“My parents wanted me to come here. Sinunod ko lang sila…” Sagot ko.
The foods are starting to come in. Nanubig ang bibig ko sa inihain na pagkain. May letson pa nga! Bakit may letson!? May fiesta ba sa dinner!?
“Talaga ba?” Ani noong babae na nakataas ang kilay sa’kin. “Or you’ve become interested to Dom?”
Napangiwi ako—pero mabilis din na pinalitan ang reaksyon na ‘yon at pekeng natawa.
“No… I don’t like old looking guys…” Kung gusto nila ng matanda—sakanila na.
They all laugh gracefully. Kaya ako ay nakitawa din.
“Natatandaan ka na sa thirty-two? Sabagay, you’re just twenty-five!”
Kumunot ang noo ko. Thirty-two lang ang matandang ‘yon?
Magtatanong pa sana ako pero biglang may pumasok na matandang babae—nagtayuan ang mga ka-plastikan ko kaya nakitayo din ako.
Si Donya Pontia!
“Welcome to Hacienda Santiesteban, Charlotte De Loyola…” Bati nito sa’kin.
Yumuko ako. “Thank you.” This feels weird!
Pero isa lang ang sigurado ako—ang pagpapanggap ay magsisimula na ngayon!
“I am glad you changed your mind, Charlotte,” si Mareng Pontia—I mean Donya. May suot itong scarf at mahahabang kwintas sa leeg. She looks so fancy kahit na simpleng polo lang at slacks ang suot nito. Akala ko ay masungit pero ngumingiti naman!
“Walang anuman po…” Kung nandito lang si Gio ay masusuka ‘yon sa hinhin ko.
“Donya, when is Dominic going here?”
“Bukas,” deklara nito. “Kumpleto na kayo—and I told him na matagal na kayong naghihintay.”
Natawa at pumalakpak ang iba. Habang ako naman ay pinagpawisan sa kaba. Bakit kung kailan nandito na ako, doon eeksena ang Dominic!?
Natapos ang ka-plastikan ng mga babae and I am already tired. Papasok na sana ako sa kwarto pero may humila sa braso ko!
“Ang swerte mo naman. Wala ka pang isang araw dito, makikita mo na si Dominic.”
“That’s right… Hindi ka naman interesado sakanya.”
Gusto ko irapan ang dalawang babae. Kahit kanina pa pabiro ang tono nila, halata naman na hindi nila ako gusto. Maybe, newbie things. Pero sigurado ako na hindi makikisama sa pakikipag-agawan sa matanda.
Mahinhin ko silang nginitian at marahang tinabig ang kamay niya sa braso ko.
“Hindi talaga ako interesado…”
Pagkapasok ng kwarto ay doon ako nakahinga ng maluwag. Grabeng mga babaeng ‘yon, mukhang Dominic Santiesteban! Ano bang mayroon sa uugod-ugod na ‘yon? Sakto naman na tumawag si Charlotte sa phone ko.
“Did you arrive safely? May suspicious ba?” Iyan agad ang tinanong ng babae sa’kin.
“Wala ‘teh! Pero alam mo ba? Grabe ‘yong mga babae dito! As in… Grabe! Binabakuran nila ‘yong matandang hukluban na si Dominic!” Nagsimula na ako mag-rant sakanya.
Nag-usap lang kami ni Charlotte tungkol sa Paris at Hacienda. Talagang malaki ang bahay at excited na akong gumala bukas. Dahil sa pagod ay mabilis lang ang gabi sa’kin.
Umaga na!
Tanghali na nga ako nagising na nakakahiya. Puro dress ang pinadala sa’kin ni Charlotte kasi kilala nga siya bilang ganon. Suot ang isang yellow-floral dress na hanggang paa ay lumabas na ako ng silid. Maraming bumati sa’kin.
“Pasensya na po at tinanghali ako ng gising,” I told the maids. Kumakain kasi ako ng saging sa kusina ngayon.
“Naku Ma’am. Okay lang po ‘yon… Alam naman po namin na pagod ka sa biyahe kaya hindi ka na naming ginising sa pagsalubong kay Mr. Dominic…”
Napatigil ako sa pagkain. “Nandito na po siya?”
“Opo… Nasa silid niya…”
Napangiwi ako. Buti naman talaga at hindi nila ako ginising!
“Nasaan po ang mga kabayo dito?” Tanong ko, iniba ang usapan.
“Malayo-layo dito ineng. Aba’y ala-una pa lang… Masusunog ang balat mo—”
“May payong naman po!” Tawa ko na lang sakanila. “Salamat po sa saging! Maggagala po muna ako!”
Hindi nila ako pinaalis. Pinabitbit nila ako ng tinapay at binigyan ng tote bag. Ang cute ng mga kasambahay dito! Hindi masusungit! Yung mga impaktang plastic lang talaga ang masangsang dito!
Ginamit ko ang backdoor para lumabas. At napanganga ako noong makita ang hektaryang puno sa bandang ibaba ng lupain. Sa malayo, may nakita akong gusali—na sa tingin ko ay farm.
Shet, mas malaki pala talaga ‘to dito! Sinimulan ko na ang paglalakad at may payong. Hindi ko alintana ang init kasi malamig na hangin naman ang sumasalubong sa’kin.
Ang tagal ko pa ‘atang naglakad kasi tinitignan ko din ang mga tanim. I was just busy for everything. Grabe, ang yaman nila at nakakaaliw ang lahat ng nakikita ko!
Sa wakas, nakarating din ako sa farm.
Walang tao doon, pero rinig ko ang kabayo. Medyo may amoy din in fairness!
Nakakita ako ng malinis na naipon na dayami sa gilid. Humiga pa ako at nag-unat. Nakakapagod maglakad!
May nakita akong sisiw.
“Hoy,” tawag ko sa maliit at cute na hayop. Inilabas ko ang tinapay. “Gusto mo?” Aya ko kay liit nong lumingon siya sa’kin.
“Gusto ko,” sabi ng isang tinig.
Nanlaki ang mata ko at parang tinusok sa likod na napatayo.
My eyes widened.
A man, wearing a white shirt, maong jeans and a boot greeted me. May hawak itong malaking gunting. Kinabahan ako—hindi dahil matalas na hawak niya.
Si Hector.
Nandito si Hector!
Ilang beses akong napalunok. Pero—bakit ako kakabahan? Hindi naman niya ako kilala noong dinali niya ako! Matagal na ‘yon! Baka nga limot na niya! Kumalma ka, Magnolia! Ikaw si Charlotte! Focus sa goal na isang milyon!
Tinanggal niya ang gloves sa kamay at ibinaba ang gunting. Bigla akong nag-panic. Gusto ko tumakbo, pero hindi ko din maigalaw ang paa.
Ang… gwapo-gwapo naman niya.
“Hindi kita nakita kan—"
“S-Sino ka?” Dahil sa kaba ay nagsabay pa kami magsalita.
Kumunot ang noo ni Hector. That’s right. Hindi kita kilala! At ganon ka din!
Ano ka ba Magnolia? Ikalma mo! Kung nakahubad ka, baka makilala pa niya! Eh hindi naman!
“Are you new here?”
“K-Kahapon lang…”
Ngumisi ang lalaki. “Hardinero ako dito.”
Napanganga ako. Joke time ba ‘to!? Siya, hardinero!?
The guy in front of me chuckled. He is obviously playing with me! Aba, syempre. Sino ba naman ako para hindi sakyan ang joke time niya? Tutal ay mukhang uto-uto si Charlotte in real life—aakto akong naniwala sakanya!
“Talaga? Hardinero ka dito?”
“Hind—”
“Sige nga… Kunan mo ako ng mangga doon sa unahan. Hardinero ka pala ‘eh,” sarkastikong sakay ko.
Hector tilts his head with a grin on his face.
“Of course, Ma’am… Ikukuha ko kayo ng mangga,” marahang sunod nito sa’kin. Muli niyang isinuot ang gloves niya habang ako naman ay hindi mapakali.
Talagang nakisakay din siya sa trip ko!
Hector walks towards me. Napalunok ako at tiningala ang lalaking nakatingin sa’kin. Ang tangkad niya pala talaga… Pero sigurado, pag naka-upo ako ay kapantay ko ang junior—jusko! Magnolia!
“Lead the way, Ma’am…” Then he winks. Ang sexy puta!
Mahabaging Diyos… Bakit nandito si Hector?
Para akong robot na naglakad paabante. Naramdaman ko naman ang pagtabi niya sa gilid ko bago kami tuluyang umalis sa farm.
“Hindi ka ba naiinitan?”
“Ha? Anong init?” Parang umakyat ang dugo ko sa mukha nang maalala ang mainit na eksena namin sa hotel.
Kumunot ang noo nito—maya-maya ay naglabas ng maliit na tawa.
“It’s sunny…” Tukoy niya sa langit.
Gusto ko na lang lumubog sa lupa dahil sa sinabi niya. Lord, sana hindi niya nahalata na may iba akong iniisip.
Magnolia, mag-feeling virgin ka namang hayop ka! Hindi ganito si Charlotte!
“May payong naman…” Ipinakita ko sakanya ang payong.
Kinuha naman niya iyon at siya mismo ang nagpayong sa’kin! Kilig pepe—lakas maka-teenager sa feeling!
“That’s odd. Ayaw ng mga babae lumabas pag ganitong oras,” he pointed out. “Mainit daw kasi…”
Oo nga! Maski si Charlotte—hindi din lalabas alam ko! Pero anong magagawa ko?
“May iniiwasan ako doon,” hindi ko maiwasang dumaldal.
Tumaas ang kilay niya. “Iniiwasan?”
“Oo… Mas gusto ko pa masunog kaysa ikasal sa matanda,” chika ko sa lalaki.
Tumaas ang kilay ni Hector. “Hindi ba iyon ang rason kung bakit nandito ka?”
“Ay ‘teh. Ibahin mo ako—hindi ako mahilig sa matanda. Tsaka parents ni—I mean parents ko ang may gusto nito!” Tumataas ang boses ko habang nag-eexplain.
Nilingon ko si Hector na tahimik lang at tinitimbang ako. Mukhang out of character talaga ako! Pero kebs lang, kaming dalawa lang naman!
“So… you’re here because of your parents?” Ulit niya pa.
“Oo… They are bothering me about it. Isa pa, isang buwan lang naman…”
Hinawakan ko ang buhok ng liparin iyon. Kumakalat na kasi—nakakahiya naman kung tamaan siya.
Hindi na nagsalita si Hector matapos noon. Kaya ako naman ‘tong hindi na napakali.
“Uhm… Ano saan ba ang masarap na mangga…” Pag-iiba ko sa topic. At para tantanan niya na rin ako sa titig niya.
Bakit ba siya tumititig? Kilala niya ba ako? Imposible! Hindi naman niya siguro binuksan ang maskara ko noong umaga?!
Hindi ko na alam! Mukha namang wala siyang violent reaction—kaya siguro ay hindi?
Tumingin si Hector sa mga bunga. Hindi siya nagsalita at ino-obserbahan iyon. Mukhang seryoso talaga siya pagpitas!
“Dito…” Aniya matapos ang ilang minuto na paglalakad.
Namangha ako. May takip kasi iyong mangga—kaya nagtaka ako kung paano niya nalaman? Pogi na nga, tapos may alam pa ‘ata sa mga halaman! Tapos masarap din siya!
Naalala ko tuloy si Papa. Mahilig kasi magtanim iyon ng kung ano-ano. Pero dahil sa buhay na mayroon kami, hindi na niya masyadong nagagawa.
“P-Paano mo kukunin? Aakyat ka?”
“Silly…” Halakkhak nito. “May panungkit naman, bakit aakyat?”
Namula ulit ako. Ayan, Magnolia. Pairalin mo pa ang kalutangan mo—magmumukha ka talagang engot kay Hector.
Mabilis lang niya iyong nasungkit. Itinaas lang niya ang kamay at naglabasan ang mga ugat nito. Malinamnam na ugat! Tinignan ko ang pwet nito at matambok—hindi ako makapaniwala at talagang minamanyak ko si Hector!
“Here…” Ipinakita nito sa’kin ang mangga. I clapped for him.
“Mukhang masarap!” Ngiti ko sakanya.
“Masarap nga…” Ganti niya sa’kin. Seryosong nakatitig sa mukha ko.
Napalunok naman ako. Anong masarap? Iyong mangga ba o ako? Hala, hindi ko na alam! Baka ako lang ‘tong bastos mag-isip! O alam niya na ako ‘yong babae noon kaya ganito siya makatingin?
“Gusto mo ba bumalik sa farm?” Aya niya. “Let’s taste that…”
Sure ba, Lord? Sana mangga pa rin itong titikman namin.