Kabanata 6

2048 Words
Naging mabilis ang pangyayari noong dumating ang hapon. Mukhang ayaw talaga akong pakawalan ni Charlotte simula noong um-oo. Kasi nagpadala agad siya ng susundo sa'kin papunta sa mansyon niya! "Hello!" Bati niya sa entrance ng bahay. Tuluyan na akong iniwan ng guards. Grabe, anong klaseng yaman ba ang meron 'tong babae na 'to? Alanganin akong umapak sa gawang tiles na sahig noong babae. Grabe, ang puti! Oo naman, nakapagpanggap na ako na maging susyal—pero ano kaya ang pakiramdam na makatira sa ganitong klase ng bahay simula noong bata pa lang? "Mabuti naman at pumayag ka," aniya at iginaya ako para umupo sa mahabang sofa niya. Mabilis naman akong umupo at sinipat ng tingin ang paligid. Ang yaman talaga. Sino ang kasama niya dito? Wala bang iba na makakarinig sa'min? Parang bukod sa maid at guards, wala na akong nakita! Nilingon ko si Charlotte na suot ang isang white dress. Pag ako siguro ang nagsuot niyan, malamang mukha lang akong losyang. Ngumiti ang babae na si Charlotte. Napangiwi ako. "Did they know that you are a smiley person?" "Pardon?" Tanong niya at nagtaka. Grabe, kahit bingi, susyal pa rin pakinggan! "Sabi ko, alam ba ng tao sa paligid na palagi kang nakangiti?" Unti-unti itong napangiwi. "Hindi naman... They just know as a shy person..." Tumango ako. A shy person. Hindi ako mahiyain! "Charlotte, kailangan ko malaman kung anong klase ng ugali ang mayroon ka," explain ko sakanya. "Kasi kung magpapanggap akong ikaw, obvious naman na dapat kaugali kita para hindi sila magtaka..." Lumikot ang mata nito at tumango-tango. Parang hindi ko na nga kailangan na... malaman kung anong klaseng tao siya. We are the total opposite! "Uhm... I am home-schooled hanggang matapos ang grade school. Sa Holy University ako nag-aral hanggang college ng information technology..." Nagpatuloy pa ang mahabang kwento ni Charlotte sa'kin. She is a gamer. Siya iyong tipong babae na kinukulong ang sarili sa kwarto para maglaro ng video games o magkalikot ng computer. Hindi siya magaling sa pakikipag-socialize. Awkward talaga siya. Isa pa, hindi din siya nagka-boyfriend at first niya pa lang ito ngayon. Mahiyain daw talaga siya at minsan ay weirdo. Ang ganda namang weirdo nito! "Virgin ka pa?" I asked her after. Tumango-tango ito. "Yes, I am..." Patay! Kailangan ko din mag-feeling virgin? Naku po! "So, all in all, isa kang mahinhin, sopistikada, hindi nakikipag-away at virgin?!" Ulit ko pa sa katangian niya. Napangiwi ito at tumango. "It's that a bad thing?" "Hindi naman... Mahihirapan lang ako magpanggap. Opposite tayo 'eh," tawa ko pa. "May talent ka ba?" "Uhm... Wala akong talent," iling niya. "Kahit anong art lesson sa'kin noon, wala akong natutunan..." Buti naman! Kasi wala akong plano maging talentado! "Kailan ka ba pupunta doon sa hacienda sa La Union?" Tanong ko at dinampot ang biscuit sa lamesa. "Uhm... Next month pa naman..." Napapalakpak ako. "Next month pa pala! Ano pang ginagawa ko dito? Tutal naman, na-explain mo na lahat—" "H-Hindi... Magnolia..." "Anong hindi? MM na lang ang itawag mo sa'kin." Umiling ulit ang kawawang babae sa'kin. "I think we have the enough time para pag-aralan mo kung paano maging tunay na babae—" Napaubo ako sa sinabi nito. Nabilaukan sa biscuit na kinakain. Anong pinagsasasabi nito?! Mukha ba akong hindi babae sakanya?! "You will stay with me for a month... Para matutunan mo kung sino ako... at ang basic manners—" Aba naman talaga! "Sinasabi mo bang wala akong manners?!" Hindi ko mapigilan na itaas ang boses. Sino ba ang may kailangan dito sa'min? Ngumiwi si Charlotte at umiwas ng tingin. "H-Hindi naman sa ganon..." Labag sa loob ko na sumang-ayon kay Charlotte. Tutal naman ay isang milyon ang kapalit nito, bakit hindi ako papayag? Isa pa, mukhang madali lang naman. Isa pa, kailangan ko talaga alamin ang ugali ni Charlotte. "Mga dalawang buwan lang ako mawawala," I told Gio and Papa. "Doon muna ako kay Charlotte ng isang buwan. Gio, pakibantayan si Papa." "Okay boss..." "Kaya mo 'yan anak! Pokus lang sa isang milyon!" They cheered for me. Actually, mukhang hindi nga malungkot ang mga ito sa pag-alis ko. They looked the opposite. Parang gustong-gusto na nila ako itulak paalis para hindi na magbago ang isip. Suportado talaga nila ako basta pera! Kainis ha! Pagbalik sa mansyon ni Charlotte ay may iba pang tao doon. Ang daming paper bag. Mga executive designs and brands! "Surprise! Binilhan kita ng damit at accessories na hilig at mayroon ako," bungad ni Charlotte. I licked my lip in excitement. Hindi talaga masama ang pagpayag ko huh? Na-excite ako sa project na ito. It was the biggest and impossible for all con-artists! Like hello? Isang milyon tapos spoiled ka pa? Hindi ko na lang talaga alam! Nakalimutan ko ang downside sa trabaho na ito. Kasi busy si Charlotte na bigyan ako ng kung ano-ano. Kasalukuyan kaming nagd-dinner noong soup. "Hindi ka ba nauubusan ng pera?" Umiling si Charlotte sa tabi ko. Marahan niyang itinulak ang likod ko patuwid. "You should sit straight. Ang pagkain ng soup ay hindi maingay. Plus, you are using the wrong fork," explain nito. Ayan na naman siya sa pagtuturo! I really hate it! "Bakit ang dami mong pera? Smuggler ka ba?" Natawa ito. "Smuggler? No! I just own a company..." Napanganga ako. "Akala ko ba wala kang talent?! You are a CEO?! Pati iyon ay kailangan ko malaman!" Napangiwi ito. "W-Wala namang may alam na ako ang CEO..." Ang babaeng ito! Nakakagigil! Bakit hindi na lang niya sinabi lahat?! Akala ko noong una ay madali lang. Pero noong nag-hired na si Charlotte ng etiquette trainor na tinatawag niya ay hindi ko na alam ang gagawin ko! Pati ang paglakad ko ay kino-korek! "Kung ihampas ko 'to sa'yo?" Inis na banta ko sa trainor at ibinaba ang libro na nasa ulo ko. Kanina pa niya hinahampas ang likod ko para tumuwid e! "Magnolia... Hindi ako bayolente," si Charlotte sa gilid. Jusko Lord! Kailan ba matatapos 'tong training na 'to!? "Hindi naman kita papalitan, Charlotte! Pati ba pagtulog kailangan maganda?!" Reklamo ko pa. I promised—it was so surreal. All the training and 'etiquette'! Pakiramdam ko ay sinasakal nila ako! "Tigilan mo nga 'yong tono na maangas," si Charlotte. "Para kang lagi may susuntukin. Tsaka 'wag mo itali ang buhok mo basta na parang labandera—" "Eh kung ito ang itigil ko?" Banta ko sa babae. Ngumuso ito. "Ayaw mo ng one million?" Charlotte and I got closer. Nakakabiruan ko na nga at kaunti na lang ay masasapok ko na. Pero hey, babae na ako 'no? Araw-araw ata kaming nasa spa at salon. Minsan ay massage. Maraming ginawa si Charlotte na para sa katawan ko—pampaganda o arte, binigay niya kaya tuwang-tuwa ako! Halos nakalimutan ko nga ang tunay na misyon ko dito! Dumating ang araw na pinaghahandaan namin ni Charlotte. Ito na. Pupunta na ako sa Hacienda ng La Union. "Ito si Donya Pontia," tukoy niya sa litrato. "Tapos ito ang hacienda sa La Union." In-explain sa'kin ni Charlotte ang napakalawak na hacienda. Tama nga ang hinala ko, malaki at malawak! May mga hayop doon at taniman! Hektarya at may trabahador! My eyes widened. Pakiramdam ko ay na-excite. Para akong magba-bakasyon! "Nasaan 'yong matanda? Iyong pipili ng bride?" "Hmm, wala siyang masyadong pictures kasi masungit siya at mahiyain—" "Ano ba 'yan! Wala bang naging asawa 'yon?" Inis na sinabi ko kay Charlotte. Kakaiba talaga ang buhay ng mga mayaman. Dumating na ang araw na pinaghahandaan namin. Then, there it strikes me. Pinaayos ni Charlotte ang buhok ko. Mula sa dry at mahaba—ngayon ay buhay at may maliliit na kulot na. Para magmukhang maliit ang mukha ko ay nilagyan niya ako ng bangs at nakasuot ako ng white floral dress. Busy si Charlotte simula kahapon dahil inaayos niya ang mga kailangan para pareho kaming dalawa na makaalis. Nilagyan ako nito ng shades at isang cap. "Thank you Magnolia for accepting this work..." I mean, she doesn't need to thank me. I will risk my life here, mind you! She will pay for my service. "Remember... Just stay away from anybody..." "Don't do something that will make me stand, or agaw-pansin..." Tapos ko sa sinabi niya. "Yeah, yeah. Pero may picture ka ba noong lalaki?" Natigilan ito. "Oh yes! Wait, I'll get my phone. Wait in the car," aniya. Pumasok ako sa kotse. Kinakabahan. Ang weird talaga nito dahil paano nga kung mapili ako? Should I do something terrible kung sakali na mapansin ako noong matandang hukluban? Oo tama. Dapat i-turn off ko siya. Nang makita kong papalapit si Charlotte sa sasakyan ay binuksan ko ang bintana. "Don't worry about the pictures or whatever. Mahigpit na ipinagbabawal ni Donya Pontia ang pagkalat ng pictures ng bride to be ng weird niyang apo..." si Charlotte ng makarating. "Okay. Okay. Pero paano nga kung magustuhan ako—" "Here's the picture of Dominic Santiesteban..." Sabay angat ng telepono niya at pinakita sa'kin. Litrato iyon sa tila isang conference. May matanda doon sa gilid—na sa tingin ko ay si Dominic.. pero namutla ako ng mahagip ng mata ko ang lalaki... Si Hector?! Bago pa ako makapag-react ay may tumawag kay Charlotte sa phone. She excused herself habang ako naman ay parang hinabol ng sampung aso sa nakita. Ang tagal kong iniwasan iyong mukha ni Hector, tapos sa tabi ni Dominic ko lang siya makikita? Nakakainis! Bigla ko tuloy na-miss... Ang naghuhumindig... at malaki-laki... Pinagdikit ko ang hita ko. Aba, Magnolia behave ha! Ipinikit ko ng mariin ang mata ko. Nakakainis naman! Umagang-umaga! "Hi! I said na pupunta na ako doon. Nakita mo na 'yong picture ni Dominic?" "Yeah... matanda nga," I told her. Na-miss ko bigla si Hector. Charlotte just chuckled. "Akala ko type mo din siya... pero ayun lang. Pupunta ka na doon. Iwas ka lang, okay? Tatawagan kita pag nasa Paris na ako." Ganon lang ang naging paalam naming dalawa ni Charlotte. Hindi na ako nagsalita at kusang umandar ang sasakyan. Pagkarating ko sa airport ay passport ko pa din ang gamit. Mabilis lang ang biyahe dahil naka-eroplano. Pagdating ko doon sa La Union ay naka-mask ako at shades. May malaki pang sumbrero. May sumalubong agad sa'kin at sinabing ihahatid nila. Ganito ang sinabi sa'kin ni Charlotte na mangyayari kaya sumama na lang ako. Pagkadating, nagulat ako noong pagkapasok ng gate ay dire-diretso pa ang sasakyan. Parang nasa gitna pa rin kami ng kalsada! Puro matayog na puno ang paligid. Nakikita ko din sa likod nito ang malawak na lupain. Nasaan ang hacienda dito?! Grabe, totoo pala talagang may ganito! After a few minutes of drive, tumigil ang sasakyan sa tabi ng isang fountain. My mouth opened in the huge ancestral hacienda in front. "Nandito na po tayo Ms. Charlotte De Loyola," tawag sa'kin ng driver ng buo. Medyo cringe pa din ang pagtawag sa'kin sa ibang pangalan—pero matitiis naman. Kailangan ito. Focus sa goal, isang milyon! Alanganin akong bumaba. Kunyare ay nag-aalangan ako pero sa totoo lang, gusto ko magtatatalon at tignan ang paligid! Nakalinyang mga katulong ang bumungad sa'kin. Unti-unti kung tinanggal ang takip sa mukha. Patay talaga sa'kin si Charlotte pag kilala siya dito—but he really assured me na hindi. "Hello, Ms. De Loyola... We will guide you to your room..." Ani ng isang mayordoma. Napanganga ako at na-excite. Gusto ko tumango ng maraming beses—pero naalala ko na hindi ganon ang babae. "Sige po..." maski ako ay kinilabutan sa lambot ng boses ko. Hindi naman sila nagbigay ng violent reaction ang mga tao sa hacienda ng makita ako. Siguro, success na. Wala ngang nakakakilala sakanya dito. What a weird lady... Ang yaman tapos hindi kilala? "Ito ang magiging kwarto mo, Ma'am. Mamaya ay may pagtitipon sa hapunan para makilala niyo ang ibang babae..." Tumango lang ako. "Sige po. Salamat po..." I concealed my feelings. Lalo na noong makita ko ang malawak na kwarto. Grabe, ang bahay na 'to mukhang antique—pero fashionable! Tapos nakita ko pa kanina iyong farm sa baba. Excited na ako! Nang mawala ang naghatid sa'kin ay doon ako nagtatalon at impit na tumili. Grabe, buhay probinsya! Tapos after nito, isa na akong milyonarya! Inihagis ko ang sarili sa malaking kama. Basta, focus tayo Magnolia... Isang milyon at pag-iwas doon sa matandang hukluban. Iyon ang gawin natin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD