Medyo naguluhan ako sa sinabi ni Charlotte sa'kin. Ano daw?
"Teka, hindi ko nakuha," habol ko pa sakanya.
Bigla itong umatras, mukhang natauhan.
"S-Sorry... Nag-panic lang kasi hindi ko talaga alam ang gagawin ko..."
Charlotte is a soft girl. Maliit at bilog ang mukha, almond eyes, thin lips and cute nose. Ang buhok nito ay kulay brown at maalon. I think it was natural. Pati ang balat nito ay puti at puro talaga. Kaya halata mo na nagpa-panic siya ngayon kasi namumula ang leeg ni Charlotte!!
Grabe, iba ba ang tubig ng mayaman? Sa Pilipinas din naman ako nakatira pero hindi ako ganyan kaganda?!
"Uhm... Hindi ko kasi alam... Kung paano 'to. But the moment I have heard your service from a friend, hinanap talaga kita."
Mukhang ganon siya ka-desperada.
"Anak—"
"Tay..." Pangunguna ko na dito at sinenyasan gamit ng mata na may kausap ako.
"Kliyente?"
Tumango lang ako. Umalis lang ang ama ko ng tahimik.
"So what's your problem ba?"
"My parents are going crazy over the wealth of Santiesteban..."
Ano daw? Ang haba naman ng pangalan noong Santi?
"Then?"
She looked worried. "They want me to be one of the bride... pero ayoko."
Ang mayayaman talaga! Hindi ba pwedeng 'wag na lang nila pakialaman ang anak?
Tumaas ang kilay ko.
"Gusto mo bang magpanggap ako... na ikaw?" Alanganing tanong ko.
Tumango siya ng ilang beses. "Yes, please. Kahit sa hacienda lang doon sa La Union..."
Kumunot ang noo ko. Hacienda sa La Union?!
"Pwede bang... i-explain mo sa'kin ng mabuti ang sitwasyon mo?"
Parang hindi ko tatanggapin ang trabaho na pinapagawa niya sa'kin! Mukhang matagal na proseso ang kanya!
Hello? Ilang oras lang ang renta sa acting skills ko 'no! Isa pa, how will I act like her? Mukhang malamya ang babaeng 'to tapos ako ay barumbado!
"Uhm.. Ganito kasi," kabado siya. "Dominic Santiesteban is a business tycoon. Do you know him? Santiesteban..."
Umiling ako. Hindi ko naman kilala ang mga mayayaman sa mundo. Kung minsan, nagbabasa ng diyaryo. Pero wala, busy ako sa raket at pakiki-chismis doon kay Kimberly sa kanto.
"That's odd... Parang lahat ng tao dito ay walang alam—"
"Kasi hindi kami mahilig sa susyalan," sagot ni Gio sa gilid at sumilip.
Ang chismos na 'to! Hindi talaga siya titigil? Sinamaan ko ito ng tingin para umalis na ang loko. Labag sa loob nito na nagtago siya sa gilid ulit.
"Ayun nga... Dominic is already thirty-two! I am just twenty-five and they want me to be with that freak!" Panic nito sa'kin. "Please, help me. I will pay you a day. Hangga't nagpapanggap ka, babayaran ko."
Napanganga ako.
Talaga ba?! Naging interesado ako sa narinig.
"Magkano?" I asked.
She bit her lip, nag-iisip. "Is fifteen thousand a day is enough?"
Napanganga ako at parang may nag-jingle bells sa utak ko. Instant mayaman na ba ako? Kung one week akong magpapanggap, ilang fifteen kyaw 'yon?
"Ano ba ang gagawin? Paano ba?"
"You just need to act like me. Ikaw si Charlotte sa oras na makarating ka sa hacienda ng Santiesteban..."
Kumunot ang noo ko. "Wala bang nakakakilala sa'yo doon?"
"Wala... si Donya Pontia ang may gusto nito. The old woman is just picking some random girls in every family. Mga babae na galing sa mayaman na pamilya... Hindi naman ako kilala ng lahat sa mukha dahil I am a nerd!"
Nerd?! She consider herself a nerd?!
"I am just a gamer... Ayokong matali... ayokong pumunta." Then she cried like a little girl.
I sighed. Mga mayayaman talaga, kakaiba ang trip sa buhay.
Pero napaisip ako. Picking?
"Ano 'yong picking?"
"Marami kaming babae na ipapadala sa hacienda doon sa La Union," she dropped the bomb.
Napanganga ako. Ano?! Maraming babae?! Aba, gago iyong Dominic Santiesteban na 'yon ha!
"Bakit hindi na lang mag-asawa 'yong Dominic?"
"Mahiyain daw!" Aniya. "Nakita ko na 'yon dati sa family gathering, mukha siyang Tito na mahiyain! Hindi ko talaga type at matanda!" Reklamo nito.
Bigla akong nagdalawang isip... Mukhang matanda? Parang hindi maganda 'to ha!
"Sige na, please?" Muli na naman niyang hinawakan ang kamay ko. "Babayaran kita... Advance. One month—"
"Ano?!" Bigla akong napaatras. One month kong kailangan magpanggap!?
Napangiwi si Charlotte. "Magnolia..." suyo nito.
Akala ko naman ay one week lang o ano! Pero ang one month?
"Hindi ka naman mapapansin doon. Maraming ibang babae doon at minsan lang umuwi si Dominic. Baka nga hindi matuloy ang bride picking kasi maarte talaga ang matandang 'yon. I just need my presence there. Masabi lang na nandoon ako sa mansyon..."
Bride picking!? Kinilabutan ako sa term na 'yon. Ano ka, aso? Pili lang ng lalahian? Picking talaga?!
Hindi ako makapaniwala sa naririnig. Akala ko, pagpapanggap lang bilang girlfriend ng mga bakla ang kakaiba sa'kin—pero mas ito! Mas kakaiba 'to!
"Ikaw? Paano ka pag nagpanggap ako na nasa mansyon?" Iba ko na lang ng usapan.
Ano 'yon? Paano kung mahuli siya ng iba?
"I will fly to Paris... Kasama ng taong mahal ko," she confessed.
Ayun naman pala. May ibang mahal. Pero ang kulit naman noong sitwasyon namin! Nakakatawa na hindi ko maintindihan!
Mahiyain na lalaki? Imposible! Mayaman tapos mahiyain? Lahat ng mayaman, matapobre!
"Isang buwan talaga?"
Tumango-tango ito. "Isang buwan... Please help me... Just... just stay there and be my attendance. You just need to act like... nothing there. Maraming babae doon na pagpipilian na bride."
Buti sana kung maala-sit in lang 'to sa classroom! Pero hindi! Maka-attendance naman ang babaeng 'to akala mo walang matandang titira sa'kin doon!
"Paano kung napili akong bride?" I think the worst part.
"Don't do something to be the billionaire's choice..." Banta sa'kin ni Charlotte.
Nagkatinginan kaming dalawa. Don't do something?! Hello, paano kung ako ang pagdiskitahan ng sinasabi niyang Tito na matanda?
Tsaka, isang buwan na pagpapanggap 'yon! Paano kung ipakulong ako noong babanggain ko? O ng pamilya nitong si Charlotte? Naku, gulo!
"Pag-iisipan ko pa," iyon ang hatol ko sa alok niya.
Tumango naman si Charlotte. Mukhang malungkot dahil hindi agad ako um-oo.
"Here... is my number. Say your decision," aniya. "I can raise the every day salary... o isang milyon para sa isang buwan?"
Tulala akong iniisip ang alok ni Charlotte.
Pinagigitnaan ako ni Papa at Gio. Mukhang nag-iisip din ang dalawa ng malalim. Kita mo nga naman, akala mo sila ang magpapanggap doon kung makapag-isip!
Palibhasa, nakarinig lang ng isang milyon, akala mo talaga ay sila ang mahuhuli doon! Risky din kaya ang gagawin ko 'no!
Mukha akong pera pero nag-iisip din ako!
"Tanggapin mo na," si Gio.
"Tama," si Papa.
Ipinikit ko ang aking mata. Ayan lang ang linya nila simula kanina!
"Papa!" Suway ko dito.
Ngumuso ang ama ko. "Mukha namang madali, anak! Makihalo ka sa mga dahon-dahon doon at iwasan ang matandang mahiyain!"
"Tama!" Palakpak ni Gio. "Isang milyon sa isang buwan?! Putangina, ngayon lang ako nakarinig ng ganon!"
"Tatamaan kayong dalawa sa'kin!" I hissed.
"Tsaka, sabi naman noong babae, marami kayong pagpipilian doon!"
Iyon na nga. Marami kami. Isa din 'yon sa nagkukumbinsi sa'kin na gawin ang pinapagawang trabaho Charlotte...
Pag marami kami, hindi naman talaga ako mapapansin. Mukhang malaki naman ang hacienda na sinasabi nito ni mareng Charlotte. Madali lang!
"Paano pag nabuking nga ako—"
"Paano nga kung hindi?!"
"Ano bang ginagawa mo ditong hayop ka!?" Hinampas ko ang likod ni Gio dahil sa inis.
Napasigaw naman ang lalaki at ngumiwi sa ginawa ko. Buti nga sakanya!
Kanina pa siya comment ng comment, akala mo naman ay kasali siya sa gagawin ko!
"Aba'y Gio umuwi ka na, hindi ka kasali dito..." Pagdadamot din ng ama ko.
Ngumuso ang kaibigan ko. "Grabe po kayo, para naman akong others!" Aniya pero hindi pa din umalis sa maliit na bahay namin.
"Ikaw anak? Tingin mo?" Pagbubukas ulit ni Papa sa offer ni Charlotte.
Isang buwan... Isang milyon.
Iyon ang matunog at nakakagigil sa lahat. It's exciting. Pero pag iniisip ko ang pwedeng kapalit nito—nakakatakot na!
"Paano kung mapili akong bride?"
Ngumiwi ang ama ko. Samantalang si Gio ay natawa.
"Baby girl, ang ganda mo naman para piliin sa mga original na babae doon—"
Hindi ko na pinatapos ang insulto nito at hinampas siya sa likod.
Pero kung iisipin, pwede naman ako umiwas. Kaya lang, paano nga kung ako ang kinausap?
"Doon ka na lang lagi sa taehan ng kabayo—"
Si Papa na ang bumatok kay Gio.
"Gusto mo ba anak?"
Oo. Iyong isang milyon ang gusto ko!
"Kaya lang natatakot po ako," amin ko kay Papa.
Hinaplos nito ang buhok ko. "Kaya mo 'yon anak. Sabi naman noong Charlotte kanina ay marami kayo doon, at baka nga hindi pa matuloy kasi wala si Dominic na matanda doon..."
Napanganga ako. Grabe 'yong tatay ko! Siya ang may ayaw noon sa mga delikado na pagpapanggap! Pero nakarinig lang talaga ng isang milyon!
Pero kasi... kung sa mamayaman ay wala lang 'yon... That one million can change our life. Pwede ko bigyan ng buhay si Papa na mas higit pa sa... yero at paguhong bahay.
Baka nga pwede na ako maghanap ng matinong trabaho dahil maayos ko na ang papeles ko sa isang milyon.
Nagsimula na akong mangarap kahit wala pa sa'kin ang pera. Nakakatawa!
"Ikaw anak, kung saan ka..." habol pa ni Papa. Pero kung alam ko lang! Hah!
Gusto ko bumili ng bahay.
Bumangon ako sa foam na hinihigaan at tinignan ang calling card ni Charlotte.
Delikado... pero worth it naman siguro ito? Wala namang trabahong madali. Lahat mahirap. Iyong isang milyon?
Hindi madaling nakukuha.
At iyong trabaho ko? Hindi din madali.
I sighed and prayed. Sana lang talaga ay walang mangyaring kakaiba doon.
Kailangan ko lang talaga umiwas doon sa matanda. I really want to do it but I was thinking the worst cases.
Kinabukasan, umaga.
Kinuha ko ang telepono at agad na tinawagan si Charlotte.
"Hello? De Loyola speaking," bungad niya.
"Hello. Si Magnolia Mijares 'to..."
"Magnolia!" Tila nabuhayan ito ng marinig ako. "Nakapag-isip ka na agad? Baka gusto mo pa—"
"Payag na ako," I told her.
Pilit ko na lang tinulak ang mga pangit na pwedeng mangyari at pinaghari sa isip ko ang magagandang epekto ng pagtanggap ko kay Charlotte.
May isang milyon at magandang buhay na ako pagkatapos nito. Pwede na 'yon! Sapat na! Bakit pa ako aayaw?
"Talaga?! Pwede bang pumunta ka dito? Ipapasundo kita para mas maipaliwanag ko pa ng mabuti ang gagawin mo!" Masayang aniya sa kabilang linya.
I sighed. Hindi ko na alam, basta focus tayo sa goal, Magnolia! Ang isang milyon at pag-iwas! Iyon lang!